(32) #DFHEntry19

1.1K 88 0
                                    

Dear Future Husband,


Salamat sa tulong mo noong nasa mall tayo dahil nagustuhan nina Dad at Mitchell ang gift ko para sa kanila. The best ka talaga.

Pero by the way, sorry nga pala sa ginawang pagsuntok sa'yo ni Jameson. Alam ko namang ako ang dahilan kung bakit niya yun ginawa sa'yo. Kung nandyan lang sana ako noon para pigilan siya. O di kaya'y gamutin ka kung hindi ko man siya mapigilan.

Haaay! Bakit pa kasi nagkaganito? Kung pwede lang sana ibalik ang oras kung saan masaya pa tayong dalawa kahit na nag-aasaran pa tayo. Pero napaka-imposible naman yun dahil hindi na maibabalik pa ang nakaraan.

Nga pala, Merry Christmas sa'yo Tim. Pumunta pala ako sa bahay niyo para ibigay ko ang gift ko para sa'yo. Pero syempre hindi mo alam na galing sa'kin yun. Si Tito Billy lang ang nakakaalam n'on. Hehehe!

Sana masaya ang pasko mo ngayon kahit wala ako. :-(


Your Future Wife,

Lauren

Lauren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon