(16) #DFHChapter7

1.1K 86 1
                                    

LAUREN'S POV

"Girl, ikaw muna ang bahala diyan sa pag-iihaw ng squid. Kukuha lang ako ng mga pinggan at wine para sa party." sabi sakin ni Dave.


"Okay." ang tugon ko. Kami ni Dave ang natalo kanina sa panghuhuli ng mga squids. Iisa lang ang nahuli ko habang si Dave naman ay walang nahuli. Kinantahan ba naman niya ang mga squids. Nagsilayuan tuloy ito sa kanya. Mala-I Can See Your Voice ang boses ni Dave. Sintunadong-sintunado.


Habang nag-iihaw ako ng mga squids ay nakita ko naman sina Tim II, Mitchell at Javier na papalapit sakin. Teka, parang may kakaiba sa kanila?


"Hi Lauren." bati sakin ni Tim II. Teka, bakit may kissmark sa leeg ni Tim II?


"Hmm! Ang bango naman niyan Lauren." sabi ni Mitchell habang inaamoy ang iniihaw kong squids. Dun ko napansing bukas ang zipper niya. Muntik na nga akong matawa sa design ng brief—este panty niya. Barbie.


"Nasaan pala sina Summer?" tanong sakin ni Javier na baliktad naman ang suot niyang sando.


"Ahhh! Nasa loob sila rest house." sagot ko kay Javier.


"Bro, baliktad ang suot mong sando." sabi ni Mitchell sabay turo sa sando ni Javier.


"Fuck!" mura ni Javier nang makita niyang baliktad ang suot niyang sando.


"Mitchell, bukas ang zipper mo. Pfft!" sabi ni Tim II kay Mitchell at pinigilan niyang matawa.


"Tang-ina!" biglang mura ni Mitchell at agad niyang sinara ang zipper niya sa pants. Si Javier naman ay nag-topless at inayos ang suot niyang sando.


"Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Ikaw Tim may kissmark sa leeg. Bukas naman ang zipper mo Mitchell at barbie pa talaga ang brief o panty mo. Tapos ikaw naman Javier baliktad ang damit mo. Ano ba ang nangyari sa inyo habang hindi namin kayo kasama?" tanong ko sa kanila.


"Eh kasi Lauren. Yung kissmark ko sa leeg ay galing kay Malandi. Yung nakilala namin kanina. Tapos may nambastos sa kanya kanina sa bar." - Tim II


"Teka, pumunta kayo sa bar?" tanong ko kay Tim II.


"Oo pero hindi naman ako uminom. Umiyak si Malandi pagkatapos siyang bastusin ng lalake kanina at niyakap niya ako. Yumakap naman ako sa kanya para i-comfort siya. Nakasubsob pa ang mukha niya sa leeg ko habang umiiyak siya kaya dumikit ang labi niyang may lipstick sa leeg ko." paliwanag sakin ni Tim II.


"Kasama ko naman kanina si Bench. Habang naglalakad kami ay biglang sumakit ang paa niya dahil sa pagod na siya sa paglalakad nang mabilis kaya binuhat ko siya. Kaya lang naihi ako bigla kaya binaba ko muna si Bench para umihi. Pero habang umiihi ako ay biglang sumigaw si Bench kaya agad akong bumalik sa kanya at nakalimutan ko ngang isara ang zipper ng pants ko." paliwanag naman ni Mitchell.


"Ako naman ay nagmadaling magbihis dahil sa katatawag sakin ni Avon sa cellphone ko na puntahan ko raw siya kaya hindi ko napansing baliktad pala ang suot kong sando. Pati nga rin si Avon ay hindi napansing baliktad ang suot kong sando." paliwanag sakin ni Javier. So yun pala ang nangyari. Mukhang hindi naman sila nagsisinungaling.

The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon