(26) #DFHChapter11

1.1K 85 0
                                        

LAUREN'S POV

- DELA CRUZ UNIVERSITY -

"Anong nangyari sa braso mo Beshie?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Jameson habang nakatingin sa may support kong braso.


"Wala 'to." sagot ko lang sa kanya. Wala siyang karapatang malaman ang nangyari sa braso ko.


"Sigurado ka ba?" - Jameson


Tumango lang ako.


"By the way, saan ka pala nagbakasyon for the whole week?" tanong sa'kin ni Jameson.


"Sa Sanya." tipid kong sagot sa kanya.


"Sino naman ang kasama mo? Sayang wala ako diyan." - Jameson


"Si Tim." I lied. Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon niya. Ang tinutukoy kong Tim ay ang mahal ko.


Nakita ko namang dumilim ang aura niya tapos nakakuyom pa ang mga kamao niya. I knew na yan ang magiging reaksyon niya.


"Yung schoolmate nating si Tim ang tinutukoy ko at kasama ko rin ang mga kaibigan ko." dagdag kong sagot sa kanya. Nakita ko naman siyang kumalma.


"Bakit mo ako hindi sinama?" tanong niya sa'kin.


Dahil ayokong makasama ang isang tulad mo. Dahil sa'yo ay naging miserable ang buhay ko. Dahil sa'yo ay kinamuhian ako ng lalakeng mahal ko.


Pero syempre hindi yun ang sinagot ko.


"NAKALIMUTAN kasi kita." plastik kong sagot sa kanya. Pinagdiinan ko pa ang salitang NAKALIMUTAN.


"Okay lang kung hindi mo ako sinama. May next time pa naman." sagot niya sa'kin. Next time mo mukha mo. Ayoko kong makasama ka kahit kailan.


*tenenenenenenen*


Tumunog bigla ang new phone ko. Nabasag kasi ang screen ng phone ko sa Sanya nang tinulak ako ng tatlong babaeng nakilala nina Tim II sa hagdan.


Chineck ko ang new Vivo X23 phone ko.


(A/N: Bayaran mo yan. Haha!)


May text ako galing kay Kuya Lachlan.



1 New Message


From: Kuya Lachlan

Good news Lauren. Napaamin ko na si Jasmine na may kinalaman siya sa pagkalat ng scandal noong gabi ng engagement party niyo ni Tim. Sinabi niya sa'kin ang lahat ng ginawa nila ni Jameson at Melanie. Konti na lang Lauren ang malilinis na natin ang pangalan mo.

The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon