LAUREN'S POV
*mahabang katahimikan habang kumakain*
Ang tahimik nila. Ramdam na ramdam ko talagang hindi sila okay. Bakit pa kasi nagkaganito? Kung kailan nasa bakasyon kami ay mangyayari 'to sa kanila.
Kasalanan lahat 'to ng tatlong babaeng yan. Kung hindi sila dumating sa buhay namin ay hindi sana 'to mangyayari. Akala ko pa naman mababait sila. Hindi pala. May tinatago rin pala silang baho.
"Busog na ako." - Dave
Bigla namang tumayo si Dave at umalis. Konti lang ang kinain niya.
"Ako rin." - Barbie
"Me too." - Stephanie
"I'm full." - Summer
Tumayo rin sina Barbie, Stephanie at Summer at sinundan si Dave. Mukhang hindi na nila nakayanan ang katahimikan.
Tatayo na sana ako para sundan sila pero pinigilan ako ni Tim II.
"Hayaan mo muna sila." sabi sakin ni Tim II. Ito na ang oras para ipagtanggol ko sila.
"Pero hindi sila ang may kasalanan. Ang tatlong babaeng kasama niyo ang unang sumugod sa kanila." pagtatanggol ko sa mga kaibigan ko.
"Pati ba naman ikaw Lauren? Kinakampihan mo sila?" inis na sabi sakin ni Tim II.
"Hindi ko sila kinakampihan. Alam ko yung nangyari kaya pinagtatanggol ko sila. Nangyari na 'to sakin Tim. Yung ako pa ang may mali kahit wala naman akong ginawa. Yung ako pa ang masama kahit hindi ko naman ito ginawa. Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ko pinagtatanggol ang mga kaibigan ko." sabi ko at iniwan ko siya kasama sina Javier at Mitchell.
📌
Nakarating ako sa hagdan at tumigil muna ako. Tumulo bigla ang luha ko nang maalala ko ang engagement party namin noon ni Tim. Yung paano ako kinamuhian ng lalakeng mahal ko dahil sa isang malaking kasinungalingang ginawa nina Jameson noon. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sakin na hindi ako pinaniwalaan ng lalakeng mahal ko.
*boogggsshhh*
"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!"
Nagulat na lamang ako nang may biglang tumulak sakin. At dahil dun ay nagpagulong-gulong ako pababa ng hagdanan. Aray! Ang sakit ng buong katawan ko.
Bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko ang tatlong babaeng nakilala nina Tim II sa taas ng hagdan at narinig ko ang tawanan nila.
DAVE'S POV
Huhuhu! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi sakin ni Tim kahapon nang nakipag-away kami sa tatlong bruhalditang yun.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future Husband
RomanceLove is sweeter the second time around. 📒 MAIN CHARACTERS: - Lauren 'Dave' Manzano - Tim Ramirez 📒 SUPPORING CHARACTERS: - Barbie Lo - Jameson Dy - Summer Garcia - Javier Blake Ledesma - Stephanie Garcia - Luis Abellano - Tim Dearing - Mitche...