#DFHEpilouge

1.7K 105 2
                                    

- SEVEN YEARS LATER -

Nag-iimpake na ako ngayon para sa pagbabalik ko sa Pilipinas. It's been seven years na nandito kami ni Dad sa Seoul, South Korea. Excited na akong makita ulit ang mga kaibigan ko lalo na si Tim.


Kahit LDR (Long Distance Relationship) kami ni Tim ay masaya at matibay pa rin kami sa relasyon naming dalawa. Minsan kaming nag-uusap sa video call.


Sa tuwing nag-ce-celebrate naman kami ng monthsary o 'di kaya'y anniversary ay sa video call din. Pati ang paghahalikan namin ay via video call ulit. Hindi naman makapunta dito si Tim kahit pasko dahil siya na ngayon ang nag-ma-manage ng company nila. Nagretiro na kasi si Tito Billy. Ang huling kiss namin ni Tim ay seven years ago noong nasa Star City kami sa Pinas. At hindi na yun naulit pa.


Si Dad naman ay minsang umuuwi sa Pilipinas dahil may company din kami d'on na kailanganan niyang i-manage.


Ngayong tapos na akong mag-aral dito sa Seoul ay babalikan ko na siya sa Pilipinas. Pinayagan na akong ni Dad bumalik d'on kasama siya.


By the way, fluent na rin akong magsalita ng Korean Language. Tapos maiinggit pa sa'kin ang mga kaibigan ko dahil marami akong nakilalang k-pop stars at nakipag-selfie pa ako sa kanila. Ilan dito sa nakilala ay ang BTS, EXO, BLACKPINK, SEVENTEEN, MONSTA X, STRAY KIDS, MOMOLAND, MAMAMOO, TWICE, RED VELVET at marami pang iba. Ang hirap isa-isahin eh. Certified fangirl yata 'to.


And then marunong na rin akong mag-self defense. Nag-enroll ako sa judo school, tapos sumali ako sa taekwondo training, at tagpaturo rin ako ng boxing. Para na rin sa kaligtasan ko.


"Nakapag-impake ka na ba Lauren?" tanong sa'kin ni Dad mula sa labas ng kwarto.


"Opo Dad. Matatapos na po." sagot ko.


Excited na talaga akong bumalik sa Pilipinas. Marami akong ichichika sa mga kaibigan ko.


- PHILIPPINES (NAIA TERMINAL) -

And I'm here.


Kakalapag lang kanina ng eroplanong sinasakyan namin. Nasaan na kaya sila?


"LAUREN!"


Napalingon ako bigla sa tumawag sa'kin.


Waaaaa! Ang mga kaibigan ko.


Nakita ko silang tumatakbo papalapit sa'kin.


"Waaaaaa! Mga bes!" sabi ko sa kanila. Tapos ay niyakap nila ako. Na-miss ko talaga sila.


"Kumusta na kayo?" tanong ko sa kanila.


"Girl, grabe ka. Ang laki ng pinagbago ng physical appearance mo. Mas lalo kang gumanda at sumeksi." sabi sa'kin ni Barbie.


"Salamat, pero ako pa rin naman 'to." sabi ko sa kanila.


The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon