LAUREN'S POV
Aww. Ang sakit ng ulo ko.
Inimulat ko ang dalawang mata ko.
O_____O
Teka, hindi ko 'to kwarto ha! Nasaan ako?
Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Hindi ito pamilyar sa'kin. Ngayon ko lang nakita itong kwartong 'to.
May nakita akong salamat at napatakip ako sa bibig nang makita ko ang suot ko. Teka, bakit nakadamit panglalake ako?
Ano bang nangyari?
Inalala ko yung pangyayari.
?
?
?
Tama! Pabalik na sana ako sa Dela Cruz University nang may biglang tumakip sa bibig ko. Tinawagan ko si Tim sa cellphone niya pero nawalan ako ng malay.
Pero sino ang tumakip sa bibig ko at nagdala sa'kin dito?
"Gising na pala ang mapapangasawa ko."
Napatingin ako sa nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Jameson. Nakatapis lang siya at mukhang bagong ligo.
"Ikaw?" hindi mapakapaniwalang sabi ko.
"Yes, your one and only soon to be husband." nakangising sabi niya.
"B-bakit ako nandito? At anong ginawa mo sa'kin habang wala akong malay?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Hindi ka naman siguro bobo para alamin yun." sagot ni Jameson na may ngiting tagumpay. Parang gustong kong umiyak nang maintindihan ko ang sinagot niya sa'kin.
"Hayop ka!" galit na sigaw ko sabay bato ng unan sa kanya. "Hindi ka lang masama, manyak ka rin pala. Sinamantala mo ang kahinaan ko habang wala akong malay. Paano mo nagagawa ang mga bagay na 'to? Wala ka bang konsensiya?"
"Walang masama kung nagmamahal ka. Kapag nagmamahal ka, gagawin mo ang lahat para mapasa'yo siya. Kaya itong ginagawa ko ay dahil sa pagmamahal ko sa'yo." - Jameson
"Hindi ito pagmamahal Jameson. Kung mahal mo talaga ako, hahayaan mo akong maging masaya kung saan ako sasaya."
"Hindi. Kapag mahal mo ang isang tao ay makukuha mo siya sa paraang gusto mo. Kaya kita dinala rito dahil gusto kong matutunan mo akong mahalin." - Jameson
Nababaliw na talaga siya.
"Kung gan'on. Hinding-hindi yun mangyayari. Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi kita mamahalin." sabi ko kay Jameson.
"Hindi! Matututunan mo rin akong mahalin Lauren. Hinding-hindi ka makakauwi sa inyo hangga't hindi mo yun matututunan." galit na sabi sa'kin ni Jameson.
"Makakatakas ako rito. May tutulong sa'kin dito para makalaya." tugon ko sa kanya.
"Walang sinuman ang nakakaalam sa lugar na 'to kaya huwag ka nang umasa pang may tutulong sa'yo." sabi ni Jameson at lumabas na siya ng kwarto.
Pero bumalik ulit siya at may sinabi pa sa'kin.
"Wag kang mag-alala dahil hindi pa kita ginalaw. Binihisan lang kita ng damit pambahay." dagdag niya. Pagkaalis niya ay dun na tumulo ang luha ko. Nilabas ko lang ang tapang ko kay Jameson para ipakita na hindi ako natatakot sa kanya.
Pero sa totoo lang ay natatakot talaga ako. Natatakot ako na baka hindi na ako makatakas dito.
Sana mahanap nila ako rito.
Pero paano kung wala talagang makahanap sa'kin?
Hindi Lauren. Think positive. May makakahanap sa'yo rito. Mahahanap ka nila agad-agad kaya maghintay ka lang.
**********
Ilang chapters na lang ay THE END na. Ngayon pa lang ay magpapasalamat na ako sa lahat ng nagbasa mula Book 1 hanggang Book 2. At pasensiya na rin po kung mali-mali ang grammar ko. Beginner pa lang po ako and I'm not a perfect Author. Kahit anong edit ko ay may wrong grammars pa rin. Intindihin niyo na lang po. Hehe!
BINABASA MO ANG
The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future Husband
RomanceLove is sweeter the second time around. 📒 MAIN CHARACTERS: - Lauren 'Dave' Manzano - Tim Ramirez 📒 SUPPORING CHARACTERS: - Barbie Lo - Jameson Dy - Summer Garcia - Javier Blake Ledesma - Stephanie Garcia - Luis Abellano - Tim Dearing - Mitche...