MENG knew that she was already doomed. Hindi naman siya 'yung tipo na walang alam pagdating sa pag-ibig. She had numerous crushes while she's in college. Marami na rin siyang naka-date pero wala sa kanila 'yung sparks na hinahanap niya. Until Mr. Faulkerson came into the picture. Kung kailan pa talaga na wala siyang kabalak-balak na pumasok sa isang relasyon.
As if he's interested with me, isip niya. She already has a fiancé. Bakit pa ako aasa?
Walang masama kung aasa, alam niya iyon. Pero para hindi na lumalim pa ang nararamdaman niya, hindi na dapat niya isipin pa ang binata at umasa na magiging sila sa huli. Sobrang labo na kasi talagang mangyari niyon dahil magpo-propose na nga ito sa kasintahan. Kung aasa pa siya, siya lang din ang mahihirapan at masasaktan sa huli.
"Ikaw na muna ang bahala dito, Bea." Bilin niya sa staff. "Sa opisina na muna ako. Sumasakit ang ulo ko."
She stood up and walked towards the kitchen, kung saan may mas mabilis na daan patungo sa kanyang opisina sa likod. Wala kasi siyang gana na lumabas pa sa restaurant at umikot para makapunta sa opisina.
She was greeted by the usual kitchen aroma, na sa araw-araw ay naaamoy na nilang lahat doon. She looked around. Busy ang mga ito sa pagpe-prepare ng mga dishes na nasa menu nila para sa partikular na araw na iyon. There are "special" dates that their menu were different from the ordinary days, kagaya na lang ngayon.
"Do you need my help?" sabay-sabay na nilingon siya ng mga abalang staff bago muling bumaling sa nag-iisang tao na makakasagot sa tanong niya.
Nay Lolit creased her forehead. "Hindi na. Kaya na namin dito." Umiling pa ito at mataman siyang tinitigan. "Mabuti pa doon ka na lang muna sa opisina mo't namumutla kang bata ka. Kulang ka na naman siguro sa tulog. Hindi ko alam kung ano pa ba ang ginagawa mo sa halip na nagpapahinga ka dapat kapag nasa bahay ka na."
Napangiti na lang siya sa mumunting sermon na iyon. It's really good to have someone like Nanay Lolit that she could really rely on, lalo na at malayo siya sa sariling pamilya. She was the mother figure for her. Kung wala siguro ito, hindi niya alam kung ano ang gagawin.
"Yes, Nay. Salamat po sa concern." She smiled at her. "Sa opisina na lang muna ako."
Tumango lang ang matanda at tumitig sa kanya ng ilang segundo bago muling nagpatuloy sa ginagawa. Nagkibit-balikat na lamang siya at dumiretso na sa pinto na nagdurugtong sa kitchen at sa mumunti niyang opisina.
Agad na naupo siya sa swivel chair at hinilot ang sentido. Ilang gabi na siyang hindi makatulog ng ayos dahil...
She sighed. She should stop thinking about that guy. He's already committed. Baka simpleng crush lang ang nararamdaman niya. Afterall, its been years since the last time she got attracted to someone. Siguro iyon lang 'yon, plain and simple infatuation.
Hindi na niya namalayan na nakaidlip na siya kakaisip sa mumunti niyang problema. Kung hindi pa niya narinig ang mahihinang katok mula sa pinto ng kanyang opisina ay paniguradong magtutuloy-tuloy na sa tulog iyon. But nothing's changed, masakit pa rin ang ulo niya. Maybe she needs to take her meds already.
Ilang ulit na kumurap-kurap siya at umayos ng upo. She looked at the monitor in front of her and cleared her throat.
"Pasok," she said softly. Konting kibot lang ay lalong sumasakit ang ulo niya. Maybe she needs to take the day off. Alas tres pa lang ng hapon. Maiiwan naman niya ang resto kay Nanay Lolit at kay Bea.
BINABASA MO ANG
Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 Winner
FanfictionWhen the mind forgets, how can the heart remember? Nicomaine Dei Mendoza lost her memories two years ago. But her life must go on without it. Namuhay siya nang tahimik kahit pa nga hindi pa bumabalik ang lahat ng kanyang mga alaala. Until one day, R...