TAMAD na bumangon si Meng mula sa sariling kama. Kanina pa siya gising ngunit ayaw lang talaga niyang bumangon. Iniisip nga niya kung papasok ba siya o hindi. Hahayaan na lamang siguro niya ang mga staff para sa araw na iyon. Tatawag na lang siya from time to time just to check.
Nay, I won't come today. I think I need the day off. She texted Nanay Lolit para alam nito na wala siya.
Pwede ring pumunta siya mamaya kapag sinipag na siya. Gusto na lamang muna niyang magpahinga at mag-isa para makapag-isip naman siya nang maayos.
Her phone beeped. Agad na kinuha niya iyon at napangiti.
K.
The classic and typical reply of the people from 60s instead of a complete okay.
Inom u gmot.
Pahabol pa ng matanda sa kanya. Lalo lang lumawak ang ngiti niya. Nanay Lolit is really sweet, indeed.
Nahiga siyang muli sa kama at pinagmasdan ang kisame sa sariling kwarto. Now, what should she do? Kung uuwi naman siya ngayon ng Bulacan ay magiging alanganin na dahil weekend na kinabukasan. Maybe she'll just visit them some time. Iaayos na lamang muna niya ang schedule niya.
Napakislot siya nang tumunog ang cellphone. Inabot niya iyon at tiningnan kung sino ang caller. It's Ate Ruby, her editor. Mangungumusta siguro ito kung may natapos na ba siyang nobela.
"Hello..." bungad niya at naupo sa kama.
"Menggay, may natapos ka na ba?" tanong nito. "It has been two months noong huli kang nagpasa ng novel," pagpapaalala pa nito.
Napakamot siya sa ulo. Wala pa kasi siyang nasisimulan. Naging abala kasi siya sa resto at sa sariling buhay kaya rin hindi siya masyadong nakakapag-focus sa pagsusulat.
Writing was her past time, ngunit nawalan na siya ng oras para doon. And she can't find the inspiration to write one at the moment. Maybe she needs to unwind today. Baka iyon lang ang kailangan niya.
"Sorry, Ate Ruby. Wala pa po, e."
"Writer's block pa rin ba?" tanong nitong muli. "Maybe you just need some inspiration. Mag-boyfriend ka na kasi." Biro nito sa kanya.
She laughed. "Wala namang nanliligaw, Ate Ruby."
"Sus. Sa ganda mong 'yan at sa successful mong 'yan, mawawalan ka? I doubt it."
Lalo lang siyang natawa. "Wala po talaga. Resto at bahay lang umiikot ang mundo ko. Baka magulo lang ang buhay ko kapag may dumating. Sa crush nga lang nababaliw na ako." Nadulas lang siya sa huling sinabi. Natampal niya ang noo nang tumawa si Ate Ruby sa kabilang linya.
"I think you just found your inspiration. Just don't let the feelings go. You can work on that one. I have to go. Bye." Iyon lang at ibinaba na nito ang tawag.
Napatitig siyang muli sa kisame. "Inspiration," namutawi sa labi niya nang hindi niya namamalayan. Maya-maya ay umiling siya at tuluyan nang umalis sa kama para maging productive naman ang araw niya.
"I must be going nuts." Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Gulo-gulo ang buhok niya at halata na kakagising lang niya dahil sa maga pang mga mata.
"Did you cry?" she asked herself as she was checking her own eyes. "Mukha kang tanga, Menggay." Inirapan niya ang sariling repleksyon bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.
She opened her cabinets only to find nothing but noodles and canned goods. Maging ang refrigerator niya ay halos tubig na lamang ang laman at ilang leftovers na hindi na niya matandaan kung kailan pa iyon nandoon.
BINABASA MO ANG
Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 Winner
FanfictionWhen the mind forgets, how can the heart remember? Nicomaine Dei Mendoza lost her memories two years ago. But her life must go on without it. Namuhay siya nang tahimik kahit pa nga hindi pa bumabalik ang lahat ng kanyang mga alaala. Until one day, R...