MENG woke up when she felt a cold hand touch her forehead. She opened her eyes and was greeted by the eyes of this... guy.
"RJ," namutawi sa bibig niya. "Nandito ka pa?" she asked, her voice was a bit rough. Namalat na ata siya kahit na hindi naman siya sumigaw.
Tumango lang ito bago tingnan ang hawak na thermometer. "May sinat ka na lang."
Bumangon siya at naupo sa ibabaw ng kama. Hindi na masakit ang ulo niya pero ramdam naman niya na nanghihina siya. Epekto na rin siguro niyon.
"What time is it?" tanong niya rito.
"Seven," maikling sagot nito.
Awkward silence enveloped her room a few moments later. Para silang tangang dalawa na nagtititigan lang doon. Wala ni isa man ang balak na magsalita. But she likes the growing silence between them. Which is somewhat weird but still she likes it. She's feeling weird anyway.
Bakit mo magugustuhan? Aber? anang malditang side niya.
She blinked her eyes a few times. Naalala niya na kagigising lang niya. Baka may muta pa siya sa mga mata at hindi pa man lang siya nag-toothbrush or mouth wash, tapos kinakausap na niya ang binata? Wow.
Tumayo siya. She's glad she didn't feel lightheaded.
"I'm going to take a bath," mahinang saad niya. Naglakad siya patungo sa bathroom.
Kailangan niyang dumaan sa tabi ng binata. Pinong-pino ang ginawa niyang pagkilos. Hindi naman siguro nito mahahalata na conscious siya. Iisipin siguro nito na dahil iyon sa masama pa ang pakiramdam niya.
"Warm bath," he said directly as she passed by him.
That sent shivers down her spine. Muntik na siyang tumigil dahil nanginig ang mga tuhod niya pero pinilit pa rin niyang maglakad patungo sa closet. Binuksan niya agad iyon at kumapit doon ng mahigpit.
"Y-yeah, I know." She closed her eyes.
"You should eat after. You throw up last night. Kaya ka siguro nanginginig." There's a faint hint of playfulness in his voice.
Nilingon niya ang binata ngunit nakalabas na ito ng kwarto niya. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi na tuloy niya alam kung paano pa ito haharapin. It looks like he exactly knew what happened to her. He knew what's happening to her.
And she doesn't even know anything about him, except for his name.
xxxxx
IT IS her house but it feels like she don't own it anymore. Manghang napatingin siya sa paligid. Sobrang nasa ayos ang lahat. Naglakad siya patungo sa kitchen.
The kitchen sink is clean. Walang nakakalat na kung anuman doon. Walang naiwan na hugasin. Maayos din na nakasalansan ang mga plato at baso. Magkakasunod pa ang laki niyon.
The kitchen counter's the same. Walang nakakalat doon na kung anu-ano. Nakasarado lahat ng cabinet. Maayos na rin yung isang hindi niya masaraduhan.
Ang dining table ay halos mangintab sa ayos ng pagkakapunas doon. Nahiya pa siyang hawakan iyon dahil baka magkaroon ng finger print niya. Kulang na lang ay gawin niya iyong salamin.
The floor was mopped too. It looks shiny. She wonder how it was done like that. She would like to know. Gagawin niya na lagi iyon.
Hindi naman siya totally makalat na tao pero ibang-iba ang hitsura ng bahay niya ngayon. It looks fresh and so clean. Bigla siyang nakaramdam ng hiya.
BINABASA MO ANG
Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 Winner
FanfictionWhen the mind forgets, how can the heart remember? Nicomaine Dei Mendoza lost her memories two years ago. But her life must go on without it. Namuhay siya nang tahimik kahit pa nga hindi pa bumabalik ang lahat ng kanyang mga alaala. Until one day, R...