RAMDAM pa rin ni Meng ang sakit ng ulo nang magising. Hindi agad siya makabangon kahit na nauuhaw na. Pakiramdam niya kasi ay mahihilo siya kung bigla-bigla na lang siyang kikilos. Matagal na noong huling sumumpong ang sakit ng ulo niya. She couldn't even remember what happened.
She tried to sit on her bed. Pahirapan pa ang pagkilos niya. Konting galaw lang ay sumasakit ang ulo niya. Paano pa kaya siya pupunta sa kusina kung ni hindi siya makakilos ng maayos?
She looked around her room and noticed that something's wrong. May nakapatong na baso sa bedside table, kalahati na lamang ang tubig niyon. May nakita pa siyang paracetamol. And even a thermometer that she don't have.
Pilit na inabot niya ang cellphone na nasa tabi ng baso. Ngunit bago pa man niya makuha ang cellphone ay natabig na niya ang basong may tubig. Nalaglag iyon at nabasag sa sahig.
She cringe in pain because of the loud sound it produced. Mas lalong sumakit ang ulo niya dahil sa pagkabigla nang magbukas ang pinto ng kwarto. Nagulat siya nang makita kung sino ang nagbukas niyon.
"What happened?" bungad nito. Agad na tiningnan siya sa mga mata na tila naghihintay ng sagot. Then he looked down the tiled floor.
"What are you doing here?" nakakunot ang noong tanong niya.
Pilit na nilalabanan niya ang matinding sakit na nararamdaman. Gusto na lang niyang ipikit ang mga mata at mahiga na lang muli sa kama. Kaya lang kailangan muna niyang malaman kung bakit naroroon ang binata.
"You stay there." May awtoridad na turan nito. He didn't answer her question.
Nawala ito sa paningin ngunit agad rin namang bumalik. May dala itong walis, dust pan at basahan. Ni hindi nito pinansin ang tanong niya. Inayos nito ang nabasag na baso at ang kumalat na tubig. Lumabas itong muli dala-dala ang mga iyon.
She tried to remember what happened last night. Ito nga pala ang kausap niya bago sumakit ang ulo. He was there and he even helped her settle down before she drowned to sleep.
So he stayed with her? Up until this hour?
Tiningnan niya ang bintana sa kwarto na hindi maayos ang kurtina. She can see that it is still dark outside.
Anong oras na ba?
Inabot niyang muli ang cellphone. It's past two in the morning. He should have gone home. Kaya naman niyang mag-isa. Maalagaan naman niya ang sarili niya.
"Do you need anything?" nagulat siya sa tanong na iyon.
Nakatayo si RJ sa bukana ng pintuan niya at mataman na nakatitig sa kanya. It looks like he's reading what's on her mind. Seryoso ang mukha nito. Iba rin ang kilos. It seems that he will do anything that she wants. Parang ganoon.
"Water lang," sagot niya at nag-iwas ng tingin. Binalik na lamang niya ang cellphone sa table at naupo ng maayos.
"Okay."
Nakahinga siya nang maluwag ng umalis na ang binata. Nai-intimidate siya sa tingin nito. Para kasing kaya nitong malaman lahat ng sikreto niya sa isang tingin lang. At para bang may alam ito na hindi niya alam. Which is weird dahil kailan lang naman sila nagkakilala.
She felt uneasy when he came back. Nakaalalay pa ito pati sa pag-inom niya ng tubig. Halos maubos niya ang laman ng baso. Inabutan pa siya nito ng tissue.
Tiningala niya ang binata na nanatiling nakatayo sa tabi niya. She handed him the glass of water and uttered a simple thank you.
"Dapat umuwi ka na," panimula niya. "Kaya ko naman ang sarili ko." Napapikit siya nang maamoy ang pabango ng binata. Parang inihehele siya ng amoy na iyon. Amoy na tila pamilyar sa kanya.
BINABASA MO ANG
Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 Winner
FanfictionWhen the mind forgets, how can the heart remember? Nicomaine Dei Mendoza lost her memories two years ago. But her life must go on without it. Namuhay siya nang tahimik kahit pa nga hindi pa bumabalik ang lahat ng kanyang mga alaala. Until one day, R...