"SHE'S asleep right now. But I guess she'll wake up soon."
Naalimpungatan siya dahil doon. She looked around and she knew that she's not in her room.
Nakatalikod sa kanya ang Kuya niya habang may kausap sa cellphone. Hindi gaanong malakas ang boses nito pero dahil tahimik ang paligid ay naririnig niya ang mga sinasabi nito.
"Tinurukan siya kanina ng pampatulog, Ma. She's definitely not okay. She's been crying since she read that name. She collapsed in front of me."
Inaantok pa siya ngunit nilalabanan niya iyon. She wanted to know what they are talking about.
"I told you to take those novels away. Now, look what happened to her. How will I explain that? You know what happened two years ago. Paano niya 'yon tatanggapin?"
She could hear frustration and hurt in her brother's voice. Natahimik ito sandali at nakikinig sa kausap sa kabilang linya.
Napagod na ata ang mata niya kakaiyak kaya't wala ng tumutulong luha doon. She can't cry anymore. Kahit na ramdam na ramdam niya ang sakit sa dibdib ay hindi na niya magawa pang umiyak.
"No, Papa!" Tumaas ang boses ng kapatid niya at nagsimulang maglakad palapit sa pintuan ng hospital room. Nakita niya ang paghawak nito sa ulo na tila sumasakit iyon.
"Hindi ako papayag sa gusto niyong mangyari. She'll stay here. Bakit niyo siya papaalisin? Do you think that could help her?" Dinig niya ang galit sa boses ng kapatid. Hindi ito palasagot sa magulang. Baka nga siya pa ang mas pasaway kaysa rito.
Paolo was never that kind of son. Iginagalang nito ng husto ang mga magulang nila kaya nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang mga binitawan nitong salita. He was literally opposing their father, that he never did before. He was obedient and he listens, but right now, he clearly hates what their father was telling him.
"If you really want her memories to come back, at least let her stay in the country. I'm sorry, Papa, pero hindi ko gusto ang sinasabi niyo." Dagdag pa nito.
She closed her eyes when he looked back at her. She heard him sigh. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng hospital room, saka lang siya muling nagmulat ng mga mata.
She stared at the ceiling and tried to recall what happened to her. Ang tanging naaalala niya lamang ay ang pagdating ng Kuya niya, pagkatapos niyon ay hindi na niya alam kung ano'ng nangyari. Siguro ay hindi na kinaya ng katawan niya at isinugod na siya ng kapatid sa hospital.
She smiled sadly. She knew his name already but she don't have any memory of him. Ni hindi pa rin niya alam kung ano ang hitsura nito. Ni hindi niya alam kung nasaan na ito. Sana kahit na isang beses lang ay makita niya ito. She wouldn't ask for anything. Gusto niya lang itong makita. That's all.
Richard Faulkerson, Jr.
Napatigil siya nang sumagi sa isip niya ang pangalang iyon. There's no way that it is just another coincidence. Hindi naman 'yon pwede. Pinagtagpi-tagpi niya ang lahat ng mga sinabi ng binata at lahat ng pagkakataong tila may kakaiba sa ikinikilos nito.
Could it possibly be?
Sunod-sunod na umiling siya. Tila gripong umagos na naman ang luha mula sa mga mata niya. Akala niya naubos na iyon, hindi pa pala.
No, her mind said firmly. Gusto niyang isipin na nagkakamali lamang siya ng hinala. Na hindi tama ang iniisip niya.
"Hindi 'yon t-totoo," pangungumbinsi niya sa sarili. Marahil ay nagkakamali lamang siya ng logic.
Hindi niya gusto ang mga bagay na naiisip niya. Lalo na't malaki ang posibilidad na totoo iyon, base na rin sa mga sinabi nito.
Ano ba'ng mapapala ni RJ sa paglapit nito sa kanya? 'Yung sa resto. Sa pangalang sadyang ibinigay nito, na sinadya para may makaalala. Sa nangyari sa parking noon na halos ayaw niyang balikan dahil sa matinding sakit na naramdaman.
BINABASA MO ANG
Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 Winner
أدب الهواةWhen the mind forgets, how can the heart remember? Nicomaine Dei Mendoza lost her memories two years ago. But her life must go on without it. Namuhay siya nang tahimik kahit pa nga hindi pa bumabalik ang lahat ng kanyang mga alaala. Until one day, R...