Chapter XVII

1K 41 5
                                    

"IT wasn't your fault." 

Paulit-ulit na sinasabi iyon sa kanya ni RJ habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak at paninisi sa sarili. Yumakap siya dito ng mahigpit at lalong isiniksik ang sarili niya dito.

"I'm sorry..." Humikbi siya.

"Sshh..." Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. Wala kang kasalanan."

Umiling siya. "If I stayed here that night, he would have been alive until now."

"You got hurt too, Maine." Paalala nito sa kanya dahil tila nakalimutan niya ang bagay na 'yon. "It was an accident."

Kumalma siya dahil sa sinabi nito. Tila nahimasmasan rin siya at kumalas na sa yakap sa binata. Pinalis niya ang mga tumulong luha. Kahit papaano ay nako-kontrol na niya ang sariling emosyon. She'll get through this.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari noon. It was my brother's fault. Hindi ka naman aalis noon kung hindi ka niya nasaktan."

She can see how sincere he is. Wala siyang nakita ni anumang bahid ng galit sa mga mata nito. He doesn't hold any grudge against her.

"Mas may karapatan ka pa ngang magalit kaysa sa kambal ko." Dagdag pa nito bago bumuntong hininga. "He cheated on you. It was his fault."

Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Basta nakikinig lang siya sa sinasabi nito. It was like she's absorbing every words that he's saying. Parang magagawa noong pagaanin ang nararamdaman niya.

"Can I still ask a few questions about him?" tanong niya ng mamayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Tinitigan siya nito bago tumango. "Yes, but not today. You need to rest."

Tumayo ito at inalalayan na rin siya. Hindi na siya nagreklamo. Ayaw na niyang makipagtalo. Pagod na rin naman siya at nanghihina. Mas mabuti na ngang magpahinga na muna siya.

Iginiya siya nito papasok sa kwarto. He helped her settle down on her bed. Inayos pa nito ang comforter sa katawan niya. He sat down at her right side.

Iniwan nitong bukas ang pinto ng kwarto kaya nakita niya ang pagpasok ng Kuya at pinsan niya. Parehong seryoso ang mukha ng dalawa habang nakamasid sa binata.

"You done talking?" Tanong ng Kuya Paolo niya na seryosong nakatingin sa kanya.

Umiling siya. "I still have a lot of questions to ask him."

"Pwede siyang magtanong sa ibang araw," agap ni RJ na hindi man lang lumingon sa dalawa. "As of now, she has to sleep and rest. That's what her body needs."

"Yes. Rest," sarkastikong sabat ni Jake. "Kailangan niyang magpahinga kaya dapat walang iistorbo."

But RJ didn't budge. Nakatingin lang ito sa kanya na tila hindi narinig ang sinabi ng pinsan niya.

She looked at the two. Parehong nakakunot ang noo kay RJ. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa dalawa. Halata na ang iritasyon sa mukha ng mga ito. You don't want them mad.

"I want him to stay, Kuya." Saad niya. "At least until I sleep."

Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng kapatid. Tila hindi matanggap ang mga binitawan niyang salita. Tumalikod na lang ito at lumabas ng kwarto na walang sinasabi. Sumunod naman ang pinsan niya. Alam niya na inis ang mga ito sa naging desisyon niya kaya nag-walkout na lang.

Bumaling siyang muli kay RJ. She just want to stare at him for a little longer. She just want to see his face. Hindi naman siguro iyon masama.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon