Chapter XIX

1K 41 3
                                    

WHAT is awkward? The dinner.

Meng just couldn't find a conversation to strike, while RJ remained silent, looking at her intently. Which by the way makes her more uncomfortable. Hindi kasi siya sanay. Never na ata siyang masasanay.

She cleared her throat and drink on her water. Palihim na tiningnan niya ang binata habang umiinom. Nasamid siya nang magkatitigan silang dalawa.

"Are you okay?" Concern na tanong nito at inabutan siya ng tissue.

"Yes." Tumango siya at nagpunas ng tissue sa bibig. "Thank you." She looked away. Napahiya dahil sa pagkakasamid.

Mabuti na lang din at dumating na ang pagkaing in-order nila. At least may mapagtutuunan na ng pansin ang binata at hindi na lang basta nakatitig sa kanya. Iba kasi ang tinging ibinibigay nito. Hindi niya iyon mapangalanan.

They ate in silence. Silang dalawa lang ata ang tahimik na kumakain. Habang ang ibang customers ay masayang nagkukwentuhan. May isang couple pa na malapit sa kanila na sobrang sweet. Hindi naman siya bitter pero naiinis siya sa dalawa. They should just go somewhere else. Hindi 'yung sa resto pa niyang naglalandian.

"How are you?"

Nag-angat siya ng tingin kay RJ dahil sa tanong nila. Inubos na muna niya ang laman ng bibig bago nagsalita.

"I'm fine," aniya. "Ikaw?" balik tanong niya.

She continued eating her food and looked at him from time to time. Para hindi mahalata nito na naiilang siya. Lalo na't dalawa sa mga staff niya ang nakamasid sa kilos nila.

"Just a bit tired. Nakakapagod naman talaga kapag may mga medical missions. But it is always fulfilling." He smiled genuinely. She can clearly see that he's enjoying and loving what he's doing.

"Do you really go to secluded places? 'Yung mahirap mapuntahan at halos walang clinic or hospital na malapit? That's what I usually see on television." She wiped her lips with the table napkin. Busog na agad siya.

Binitawan na rin ng binata ang kubyertos nito. "Hindi naman lagi. May mga medical missions na malapit lang. It depends on what the place needs. I've been doing this since college." He watched her intently. Tila may hinihintay na ibang reaksyon mula sa kanya.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Bukod sa mabilis na tibok ng puso at malakas na pagkabog niyon ay wala na siyang iba pang nararamdaman. Maybe he was expecting that somehow she'll be reminded of something, pero walang nangyari. She knew how disappointing that can be. Pero ni hindi niya ito nakitaan ng ganoon. Ni panghihinayang ay wala.

"Matagal na pala," saad niya.

He just smile. Namayaning muli ang katahimikan sa pagitan nila. Nag-iwas na lang siya ng tingin para hindi gaanong mailang. Kahit pa nga ramdam na ramdam niya ang tila nanunusok nitong tingin.

"So, is this a date?" panunukso ni Jake sa kanilang dalawa.

Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanila. She can see that playful look on her cousin's eyes. Talagang lumapit ito para lang asarin silang dalawa. O baka siya lang. Hindi kasi mukhang apektado ang kasama niya. He looked chill.

"This is a dinner," diin niya. Inirapan niya ang pinsan. Nanatiling walang kibo si RJ at nakatingin sa kanya.

"Dinner date?" pangungulit pa lalo ng pinsan.

"Dinner. Period." She said with finality.

"Period date?" Tumawa ito dahil halata na sa mukha niya ang pagkainis.

"Hey, stop teasing her." Saway ni RJ sa pinsan niya.

When she looked at him, his smile was also playful. Nagseryoso lang ito nang mapansing nakatingin na siya. He cleared his throat and shifted on his seat.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon