*Unang araw ng Pasukan*
Excited na namang pumasok sa iskwela si Raxie dahil makikita na naman nya ang kanyang matalik na kaibigan na si Keah. Sabik na sabik siyang makita ito dahil marami siyang ikwekwento tungkol sa naging bakasyon nito sa Palawan. Ibinili niya pa ito ng "Souvenier".
Apat na Taon na silang magkaibigan. Simula Grade 3 hanggang ngayon. Nasa Second Year High School na sila. Marami na silang pinagsamahan kaya ganon na lamang kasabik si Raxie sa kanyang kaibigan na makita ito. Nagmamadali siyang kumilos para makapasok agad sa iskwela.
"Mom Dad,I'm going now to school." Ika niya.
"Okay. Take Care Honey and Love You." Sagot ng Ina at Ama nito.
Pagkarating sa iskwela,nakita niya agad ang isa pa niyang kaibigan na si Drice at Yici na sabay na pumapasok sa gate. Tinawag niya ang mga ito at lumingon naman ang dalawa.
"Drice!. Yici!" Masayang tawag niya dito. Agad naman na ngumiti ang dalawa at nagbatian. Agad na kinamusta ang isa't isa. Si Drice Fronzie Veraquozo ay isang magandang dalaga. Mabait siya pero kung minsan tinotopak din kapag inaasar siya ni Raxie tungkol sa crush daw nito. Sa apat na magkakaibigan,ang pamilya lang nila ang magulo. Dahil sa kanyang Ama na may ibang pamilya. Ito ang dahilan kaya nagpakamatay ang Ina nito at sinisisi niya ang Ama tungkol dito. At ang mas kinagagalit pa nito ay pinatira ng kanyang Ama ang ibang Pamilya nito sa mismong bahay nila.
Si Yib Cindy Gafero naman ang pinakamaingay sa kanila. Sadyang napakakulit kaya kung minsan napapagalitan ng kanilang guro sa sobra nitong kaingayan. Mas komportable siya kapag kasama niya si Drice dahil siya lang ang nakakatiis sa kanya. Hindi naman malaman ng kaniyang magulang kung kanino ito nagmana dahil hindi naman madaldal ang mga ito.
Si Keah Queros ang pinakatahimik sa kanila. Pero kapag kasama niya si Raxie nagiging madaldal din ito. Hindi niya malaman kung ano ang dahilan kung bakit siya nagiging madaldal. Unang kita niya pa lng kay Raxie gusto niya nang maging matalik na kaibigan ito. May pagkailang sa iba.
At ang huli, Si Raquise Vinxie Zaqueyo. Siya ang pinakamasayahin dahil nasa kanya na lahat. Pagiging mayaman,maganda,matalino,mabait at higit sa lahat,meron siyang mapagmahal na mga magulang at mga kuya. At meron pa,may mga kaibigan siyang nagpapasaya sa kanya. Wala na siyang mahihilang pa. Sobra sobrang saya ang nadarama nito bawat araw.
Pagkapasok nila sa loob ng campus hinanap muna nila kung saan section sila kabilang at saang building ito. Pero bago yan,tinawagan muna ni Raxie si Keah kung nasaan na ba ito.
"Nasan ka na? Nandito na kaming tatlo. Tagal-tagal mong kumilos.!" Ika niya dito.
"Papunta na. Hintayin niyo na lang ako sa cafeteria. Malapit nako. Orderin mo na rin ako nang pagkain ko di pa kasi ako kumakain dahil sa pagmamadali mo!" Napatawa naman si Raxie sa pagmamaktol ng kaibigan.
Pagdating sa Cafeteria,nag-order agad siya ng pagkain para kay Keah. Umorder na rin si Drice at Yici.
Habang papunta sa table nila,may nakatabig kay Raxie at yun si Trivo Miguel De Silva. Natapunan nang Juice si Raxie pero tuloy-tuloy lang na naglakad ang binata. Hindi man lang ito nagsorry. Pinalagpas na lang ni Raxie ito dahil ayaw niya ng away dahil sikat na badboy ito. Marami naman ang napasinghap dahil sa eksenang ito.
Pumunta naman si Raxie sa cr para magpalit ng damit. Sinundan naman siya ng dalawa.
"Grabe naman yun. Di man lang nagsorry sayo! Tignan mo ang ginawa niya,nadumihan ka tuloy. Unang araw pa naman ng klase. Magpalit ka na nga!" Inis na sabi ni Yici sa kaibigan. Sumunod naman si Raxie. Pagkatapos magpalit ni Raxie,dumeretso na agad sila sa classroom nila dahil nawalan na sila ng gana na kumain. Tinext na lang nila si Keah na sa Classroom na sila magkita-kita.
"Oh,anong nangyari sa dalawa. Bat nakabusangot ang mga yun?" Bungad na tanong ni Keah kay Raxie.
"Eh may nakabanggaan kasi ako at natapon yung Juice na inorder ko para sayo sa damit ko. Nadumihan tuloy ako. Tapos di man lang kumibo yung nakabangga sa akin!" Ika naman nito.
"Mag-iingat ka kasi! Tsk!" Sagot ni Keah.
Natapos ang unang araw ng klase na nakabusangot ang apat. Unang araw pa lang kasi ng klase nagdisscuss agad ang mga guro nila.
Pagdating sa bahay ni Raxie,nadatan niya lahat ng kanyang mga kuya kasama ang kanilang magulang. Binati nya namin ito bilang paggalang.
"Oh! Hello mga kuya! Mom! Dad!" Sabay kiss sa kanila isa-isa.
"Sit down now baby 'cause we have to discuss some important matter." Panimulang sabi ng Ama. Nagtaka naman si Raxie kung bakit seryoso ang mga ito.
"What is it?" Tanong niya sa mga ito.
"We will migrate to States." Sagot ng Ina. Hindi makapaniwala si Raxie sa kaniyang narinig. Habang ang mga kuya niya naman ay tahimik lang na nakikinig.
"But Mom,Dad nagsimula na ang school ko. And I can't live my friends here." Sagot niya.
"Okay lng na magtransfer ka pa. As you said,kakasimula pa lng ng school mo. And makakahanap ka pa ng mga friends mo dun. We will just update you kung kailan tayo aalis. Okay? No more buts honey 'cause it's final." Pagpapaliwanag ng kaniyang Ama. Wala namang nagawa si Raxie dahil ang kaniyang Ama na ang nagdesisyon. Para namang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Iniisip niya kung ano ang magiging reaksiyon ng kaniyang mga kaibigan lalo na si Keah.
"It's okay Baby Sister. Just trust mom and dad okay?" Pagpapagaan ng kaniyang isang kuya na si Isaac. Tipid naman siyang tumango.
Authors Note:
What do you Think guys? Comment down below if you find this story interesting.<3
BINABASA MO ANG
My Bestfriend (COMPLETED)
Short StoryBestfriend. Yan ang tawag sa malapit mong kaibigan. Tinuturing na kapatid. Pero ano nga bang kaya mong gawin kapag ikaw ay tinulak nya papalayo at higit sa lahat, paano kung kakalimutan ka na nyang maging matalik na kaibigan? Author's Note: Please k...