Ikaapat na Kabanata

226 7 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari kahapon,pumunta na nga si Raxie sa States. Naging usap-usapan sa school nila kung bakit nagdrop out si Raxie. Ilang beses nilang tinanong si Keah tungkol dito pero wala itong sinasagot sa kanila. Naging misteryo ang pag-alis ni Raxie. Para sa kanila,mahalaga na si Raxie sa kanila dahil siya ang Campus Princess ng kanilang school.

Isang araw,narinig nina Yici at Drice ang nag-uusap na mga estudyante sa CR. Absent si Keah dahil may sakit ito. Kaya malaya nilang napag-uusapan si Raxie.

"Bakit kaya umalis si Raxie?" Tanong ng isa.

"Hindi ko nga alam eh." Sagot naman ng isang nerd.

"Sigurado akong may rason kung bakit siya nagdrop-out. At aalamin natin yon girls. Sasabihin natin ito sa council at pwede silang makipagtulungan satin." Sagot ng may makapal na make-up. Agad naman na nagkatinginan ang dalawa at agad na kinabahan. Alam nilang pareho na kapag nalaman ng buong school ang tungkol sa pag-alis ni Raxie sa school nila ay mapapahamak si Keah.

"Eh paano naman kung wala talaga siyang rason? Paano kung ayaw niya lang talaga dito sa school natin?" Tanong ng isa na nagpagulo sa kanila.

"Tumahimik ka nga. Pinapagulo mo ang plano eh. Eh basta ganun ang plano natin. Oplan Aalamin kung bakit umalis si Raxie. Haha!" At nagtawanan sila.

Napailing na lamang ang dalawa.

"Hindi natin papabayaan si Keah kung malaman nila ang totoong rason kung bakit umalis si Raxie." Determinadong sabi ni Yici. Parang nawala ang madaldal na Yici. Para sa kanya,isa na itong laban. Alam naman nila na gustong-gusto ng mga estudyante si Raxie.

"Sana magkaayos na sila. Ang gulo-gulo na dito sa school simula nung umalis si Raxie." Malungkot na sabi ni Drice.

"Kailan kaya babalik si Raxie?" Sabi ni Yici.

"Ewan ko. Magtiwala na lang tayo sa kaniya. Kung hindi na siya babalik pa rito,maging masaya na lang tayo para sa kaniya. Kamusta na kaya siya? Yung mga magulang niya? Hays." Bumuntong-hinga si Drice.

"Wag na lang natin siyang pag-usapan. Baka may makarinig pa sa atin." Suhestiuon ni Yici. Sinang-ayunan naman siya ni Drice.

Hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ng magulang ni Raxie. Lagi siyang puyat kasama ng kaniyang mga kuya dahil gusto nila na sila mismo ang magbantay sa kanilang mga magulang. Pero kung minsan wala ni isa sa kanila ang nagbabantay. Tanging ang mga katulong lang.

Nagpapahinga sila kapag hindi sila nagbabantay sa ospital. Kailangan na tutok ang mga doctor sa kalagayan nina Mr. and Mrs. Zaqueyo.

Habang naghihirap si Raxie. Naging maganda naman ang takbo ng buhay ni Keah. Marami-rami na siyang mga kaibigan. Pero mas gusto niya na kasama sina Drice at Yici dahil ayaw niyang iniiwan ang kaniyang mga kaibigan. Sa isip niya,ganun ang ginawa ni Raxie sa kanila kaya napagdesisyonan niyang manatili ang tatlo sa pagkakaibigan.

Pero kung minsan kapag mag-isa na lang siya,naiisip niya si Raxie. Hindi siya mapalagay. Gusto niya itong tawagan pero ayaw niyang matapakan ang kaniyang Pride. Nagsisisi na siya kung bakit niya nasabi ang dalawang salita na FRIENDSHIP OVER. Nadala lang siya ng galit niya. Araw-araw siyang inuusig ng kaniyang konsensiya.

Nangungulila si Raxie sa kanyang matalik na kaibigan.  Pero mas importante sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Gustung-gusto na niyang umuwi sa Pilipinas pero pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili.

~

Lumipas ang isang buwan,wala pa ring progreso ang kalagayan nina Mr. and Mrs. Zaqueyo. Pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa sina Raxie. Umaasa silang gagaling pa ang mga ito. Ang pinakamatanda sa kaniyang kuya na si Rex ang tumatayo munang CEO ng kanilang kompanya. Tinutulangan siya ng kanilang Lolo sa pagmanage nito. Unti-unti namang naging bihasa si Rex pagdating sa kanilang negosyo. Dahil na rin sa tulong ng kanilang Lolo at ng kaniyang katalinuhan,mas napaunlad ang kanilang negosyo. Naging usap-usapan ito sa buong mundo.

Nalaman ng tatlo ang tungkol dito. Pero hindi nila pinag-uusapan si Raxie sa harap ni Keah.

~

May kumalat na video sa school nina Keah. Tungkol ito sa pag-alis ni Raxie. Sinisisi nila si Keah kasama nina Drice at Yici dahil dito. Hindi matanggap ng mga estudyante ang naganap na alitan ng apat. Mga pasalita lang ang ginagawa ng mga estudyante sa kanila.

"Talaga namang nasa loob ang kulo mo noh? Sana ikaw na lang ang umalis! Punyeta!" Malakas na sigaw ng isang sikat na bully sa kanilang school kay Keah. Nakaluhod ito sa damuhan habang pinagbabato ng mga itlog,arina at iba pa. Habang ang dalawa ay nakatali sa isang upuan. Natapos na ang mga ito sa pagpapahirap sa kanila. Itinapon lang sila sa swimming pool na puno ng yelo. Gusto nila ihuli si Keah dahil mas exciting daw.

"Kaya nga! Patalsikin na yan dito!"

"Hindi siya nababagay dito!"

"Basura!"

Sigaw sa kaniya ng mga estudyante. Ang akala niya kaibigan na niya lahat ng mga estudyante sa school pero hindi pala.

"Simula nung unang kita ko pa lang sayo ayaw na kita agad. Kaya nga hindi kita malapitan eh kasi AYOKO SAYO!" Sigaw naman ng isa pang bully.

Nasaktan si Keah sa narinig. Napaiyak na lamang siya. Habang ang mga student council ay nakatingin lang sa kaniya ng malamig. Maging ang mga ito ay kinamumuhian siya. Si Raxie ang una nilang naging Campus Princess kaya labis nila itong pinahahalagahan. Pero nung malaman nilang umalis ito sa school nila ay labis din nila itong dinamdam. Sinisi nila ang kanilang mga sarili kung bakit ito umalis. Pero hindi naman nila kasalanan dahil si Keah pala ang puno't dulo ng lahat.

Hanggang sa napabalita na namatay na daw ang mga magulang ni Raxie. Labis na nagluksa ang buong school dahil dito. Naging mas maangas at mabagsik ang mga estudyante sa school nila. Binubully na nila ng sobra ang tatlo lalong lalo na si Keah. Umaabot na ito sa pagpapahirap sa kanila tulad ng pagpapa-alila sa kanila. Kung minsan ay pinaglilinis sa CR.

Habang ang Pamilya Zaqueyo ay hindi makapaniwala na wala na ang kanilang mga magulang. Napunta ang kompanya nila kay Rex na pinakamatanda sa magkakapatid. Tatlo silang magkakapatid. 2 lalaki at isang babae. Si Raxie ang bunso. Ipinagpatuloy ni Raxie ang kaniyang pag-aaral sa States. Naging maayos naman ang pag-aaral niya. Siya ang nangunguna sa kanilang klase. Minsan,namimiss niya ang mga kaibigan at ang kaniyang mga pinakamamahal na mga magulang.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon