Naalimpungatan si Raxie ng may kumakatok sa kwarto niya.
"Raxie! Gising na!" Sabi ng kung sino sa labas ng kwarto niya.
"Mamaya na!" Pabalik na sigaw nito at nagtalukbong ng kumot.
"Gising na! Gutom na kami! Hinintay ka namin para ikaw ang magluluto!"
"Ughhhhh." Padabog niya rito. Unti-unti siyang bumangon at binuksan ang pinto. Nadatnan niya roon ang apat na nasa pinto.
"Maghihilamos lang ako." Sagot niya rito at sinara ulit ang pinto. Gaya ng sinabi niya,naghilamos nga siya. Pero mabagal nga lang siya dahil gusto pa niyang matulog.
Nang matapos siya dito,nagtungo naman siya sa baba para magluto ng agahan nila. Medyo nagising na ang diwa niya.
Nagsaing na ang mga ito ng kanin kaya ulam na lang nila ang kulang. Maayos naman ang pagkakaluto ng kanin. Napangiti siya dahil dito.
"Anong gusto niyo?" Tanong niya sa mga ito.
"Ikaw naghugas ng pinggan kagabi?" Balewalang tanong ni Drice sa kaniya. Napatango naman si Raxie. Natahimik naman ang lahat dahil sa sagot niya.
Naghanap siya ng pwedeng magustuhan na pagkain ng apat. Ito ay Hotdog,Bacon at Egg. Madali lang naman lutuin ang mga ito.
"Kaya pala puyat siya dahil nag-ayos siya dito kagabi." Bulong ni Keah sa isip niya. Naaawa siya dito kahit na hindi na sila magkaibigan pa.
Habang nagluluto siya,nag-ayos na ng lamesa ang apat. Nang nakapagluto na si Raxie,agad na silang kumain ng umagahan nila.
Napansin ng apat na matamlay si Raxie ngayon kaya nag-aalala sila. Nagpresinta ang apat na sila na lang ang magliligpit.
"Raxie kami na dito." Sabi ni Yici.
"Hah? Hindi pwede. Dapat tulung-tulong tayo." Sagot nito.
"Sige na! Kami na bahala dito. Matulog ka na lang dahil ikaw ulit magluluto mamayang tanghalian." Nakangising sabi ni Keah. Napailing na lamang si Raxie.
Nagtungo agad siya sa kaniyang kwarto para ipagpatuloy ang naudlot niyang pagtulog.
Habang ang apat naman ay nagtuturuan kung sino ang maghuhugas ng pinggan.
"Ikaw na Drice ang maghugas!" Sabi ni Yici.
"Ba't ako? Ikaw na Pia! Tutal wala ka naman masiyadong ginagawa dito." Sabi naman nito. Habang si Pia naman ay napakunot-noo sa sinabi nito. As usual,hindi na naman niya naintindihan.
"Ano ba kayo? Nakaya nga ni Raxie ang maghugas ng pinggan eh tapos kayo hindi niyo kaya? Tsaka mag-isa pa niyang ginawa!" Sigaw ni Keah sa kanila. Natahimik naman ang dalawa.
Sa huli,si Drice at Yici ang naghugas. Si Pia naman ang nag-ayos sa lamesa at si Keah ang nagpunas ng basang mga pinggan para mailagay na ito sa cabinet.
Pagkatapos nilang gawin ang mga ito,napaupo sila sa sofa sa sala.
"What now? I'm bored!" Sabi ni Pia.
"Siguro maghahanap tayo ng paglilibangan." Sagot ni Keah sa kaniya. Hindi na masyado silang nagkakailangan dahil medyo mabuti na rin ang tungo nila sa isa't isa. Dumadalas na rin ang pagngiti ni Pia at hindi na rin siya masyadong mataray sa iba.
Lumabas sila ng bahay at nag-ikot-ikot. At may nakita silang swimming pool sa may likod ng bahay. Napatalon naman sila sa saya. Buti na lang may nakita silang paglilibangan nila.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend (COMPLETED)
Short StoryBestfriend. Yan ang tawag sa malapit mong kaibigan. Tinuturing na kapatid. Pero ano nga bang kaya mong gawin kapag ikaw ay tinulak nya papalayo at higit sa lahat, paano kung kakalimutan ka na nyang maging matalik na kaibigan? Author's Note: Please k...