Kakatapos lang kumain ng lima pero gutom pa rin sila. Hindi talaga nakabubusog ang chichirya.
"I'm still hungry." Reklamo ni Pia.
"Me too."
"Ako din."
"Hindi lang ikaw ang gutom pa."
"Wala nang ibang pagkain?"
Tag-dadalawa lang silang chichirya. Hindi sila pwedeng uminom ng softdrinks dahil wala pang laman ang tiyan nila.
"Mamayang gabi na lang tayo babawi." Suhestiyon ni Drice.
"Ano namang gagawin natin?" Tanong ni Yici sa kaniya.
"What if,i-try nating buksan ang Main Door?" Tanong ni Keah. Kating-kati na siyang makaalis sa bahay na ito.
"Only if you can." Hamon sa kaniya ni Pia. Napataas naman ang kilay ni Keah dito.
"Kahapon ka pa ah!" Inis na bulong ni Keah sa isip niya. Hindi na lamang siya nagsalita baka lumaki pa ang gulo.
Naghanap sila ng pwedeng makatanggal ng lock ng pinto. Tanging clip lang ang nahanap nila. Sinubukan ni Raxie at sumakto naman ito sa butas ng lock. Wala silang kaalam-alam na may cctv lahat ng parte ng bahay pwera na lang sa banyo at mga kwarto. Mga Private area ang mga yun. Meron din sa labas ng bahat pati sa gate.
Napapaligiran ng bahay ng mga puno. Saka iilan lamang ang makikita mong mga bahay. Nasa probinsiya sila ngayon kaya puro puno ang nakikita nila sa kapaligiran nila. Hindi sila sanay sa tahimik na lugar. Kaya medyo naa-akward sila ngayon.
Ilan minuto silang nagpapakahirap na mabuksan nang,
MABUKSAN NILA ITO!
Napasigaw sila dahil sa saya.
"Yes!"
"Yohoooo!"
"Nagawa natin!"
"Ang galing mo Raxie!"
"Lodi!"
Nagyakapan ang lahat at nang mapansin nila ang pagkayap nila sa isa't isa,naging akward ang paligid. Tumahimik silang lahat.
Alas-singko na rin ng hapon kaya napagpasiyahan nilang magluto na nang makakain.
Tulung-tulong silang nagsaing ng bigas.
"Mas mabuti na yung kulang ng tubig kaysa sa sobrang dami." Sabi ni Keah.
"I agree." Sagot ni Raxie.
Nang maisaing nila ang bigas,naghanap naman sila sa Ref kung anong pwedeng lutuin. Ngayon,gulay ang gusto nilang lutuin para mas madaling mabusog.
"Sino may gusto ng Pinakbet?" Tanong ni Yici.
"What's that?" Balik tanong sa kaniya ni Pia.
"Filipino food. I'm sure you gonna like it." Sagot ni Raxie. Siya na lang ang sumagot dahil wala yatang balak ang tatlo sa pagsagot sa tanong niya.
"It depends when you guys know how to cook that." Napayuko naman ang lahat sa sinabi nito. May punto ito. Paano na lang kung maalat pala ito o kaya'y walang lasa? Gusto pa naman sana nilang ipagyabang ito.
"Kaya natin to!" Sabi naman ni Keah.
"Hindi dapat tayo pumalpak ngayon. Tiyak na sobra-sobra tayong magugutom." Sabi ni Yici.
"Let's go!" Sigaw ni Drice sa lahat.
"Where?" Tanong ni Pia sa kanila. Napatawa naman ang apat.
Si Keah at Raxie naman ngayon ang magluluto. Si Pia ang taga-abot ng mga sangkap at taga-basa ng intructions sa Google. Habang ang dalawa ang tagahiwa ng mga gulay at konting karne.
"Hindi ganyan ang paghiwa." Sabi ni Yici.
"Hah? Hindi ba ganito?"
"Hindi. Tignan mo dun sa video oh." Napatango naman sa huli si Drice.
Habang sina Keah at Raxie ay magkasundong-magkasundo sa pagluluto. Si Pia naman ay busy sa pagbabasa dahil gusto niya ding matutong magluto.
Una nilang iginisa ang karne. Pagkatapos,inilagay na nila ang mga gulay tulad ng talong,repolyo,kalabasa at iba pa. Nang maluto nito ang mga gulay,nilagyan nila ito bagoong at ibinuhos na nila ang tubig. Tinakpan nila ito nang sa ganon mas madaling maluto ang mga gulay. Nilagyan na rin nila ng konting panpalasa tulad ng magic sarap.
Umalingasaw ang bango nito sa buong kusina kaya napatigil sila sandali at napatingin sa niluluto nilang Pinakbet.
"Ang bango." Sabi ni Drice.
Nagkatinginan sina Raxie at Keah at napangiti.
Si Raxie ang unang tumikim dahil atat na atat na siyang tikman ang niluto nila. Hindi nakapagsalita si Raxie sandali kaya kinabahan ang apat. Hinintay nilang magsalita ito hanggang sa,
"Masarap siya." Nag-apiran ang lahat.
Inihanda na nila ang mga plato,kutsara at tinidor sa lamesa. Nagtimpla na rin sila ng juice para mas masarap silang makakain.
Habang kumakain,napuno nang usap at tawanan ang kusina. Naparami rin ang kain nila. Ikaw ba naman ang hindi masyadong makakain sa tanghalian? Tiyak na magugutom ka.
Bago matulog,napag-usapan nilang manood muna ng TV. Nag-aagawan sina Drice at Pia kunin ang remote.
"Sa Cartoons!" Excited na sigaw ni Raxie.
"Sa PBO!" Sigaw naman ni Yici.
Habang si Keah naman ay hindi nakikisali sa kanila.
"Sige! Ganito na lang. Dalawa lang ang pagpipilian! PBO o Cartoons?" Tanong ni Raxie sa kanila.
Napatingin naman sa kaniya ang lahat.
"Who wants Cartoons?" Nagtaas ng kamay si Raxie,Pia at Keah. "Majority wins." Kaya sa huli,Cartoons ang pinanood nila. Kumuha si Raxie ng popcorn tsaka nanood ulit.
Hindi nila namamalayan ang oras. Alas-onse na ng gabi. Tulog na ang lahat maliban kay Raxie na tutok na tutok pa rin sa pinapanood.
Tinignan niya ang paligid niya at nanlaki ang mga mata niya dahil tulog na ang lahat. Napabuntong-hininga na lang siya. Tinulugan siya ng mga ito.
Isa-isa niyang binuhat ang mga kaibigan. Nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Inuna niyang buhatin si Pia. Pumili siya ng kwarto na katabi ng magiging kwarto niya. Bale,may limang kwarto dito at may dalawa pang guestroom. Nasa second floor lahat ng mga kwarto. Magaan lang si Pia kaya madali niyang nabuhat ito. Sunod niyang binuhat si Keah. Katabi lang ng kwarto niya ang pinagdalhan niya rito.
Sina Drice at Yici na lang ang natira. Ang mga kwarto ng mga ito ay kaharap lang ng kwarto niya.
Bumaba ulit siya para ayusin ang sala. Ibinasura na rin niya ang ubos ng popcorn at ini-off na rin niya ang TV.
Pagkatapos niyang ligpitin ang sala,pumunta naman siya sa kusina na magulo pa.
Una niyang hinugasan ang mga pinagkainan nila. Nahirapan siya sa paghuhugas dahil first time niyang gawin ito. Natagalan nga lang siya sa paghuhugas dahil linaro pa niya ang bula nito.
Ala-una na pala ng umaga kaya pala pumipikit na ang mga mga niya. Nagtungo na siya sa kwarto niya at natulog.
Author's Note:
Goodnight.🌌
BINABASA MO ANG
My Bestfriend (COMPLETED)
Short StoryBestfriend. Yan ang tawag sa malapit mong kaibigan. Tinuturing na kapatid. Pero ano nga bang kaya mong gawin kapag ikaw ay tinulak nya papalayo at higit sa lahat, paano kung kakalimutan ka na nyang maging matalik na kaibigan? Author's Note: Please k...