"What happen to them?" Tanong niya kay Paolo. Hindi naman ito sumagot. Nang hindi ito magsalita,linapitan na lang niya ang mga kaibigan at tinulungan.
"Bakit may mga sugat kayo?" Tanong niya.
"A-ah. W-ala lang i-ito. N-naglalaro lang kami." Palusot ni Drice.
"Kung naglalaro lang kayo,ba't kayo nasugatan?"
"A-aksidente lang." Sagot ni Yici. Nagtataka niyang tinignan ang tatlo dahil bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot. Ba't sila natatakot?
"Okay. Let's go to the clinic then." Sagot niya na lamang. Nagpa-alalay siya sa ibang estudyante na naroon.
Habang ang mga ibang estudyante ay nakatulala lamang sa kanila. Kinakabahan kasi ang mga ito. Paano na lang kung malaman ni Raxie na nabubully ang mga dating kaibigan nito? Tiyak na magagalit ito.
Pagkatapos niyang maihatid ang mga dating kaibigan sa clinic,nagpaalam agad siya sa mga ito na uuwi na. Sakto namang tumawag si Pia sa kaniya.
"Raxie. What's the name of your school?"
"Why did you ask?"
"Nothing. I just want to know. And I search it through Google."
"It's Star Academy."
"KBye."
"Wai--" Napabuntong-hininga na lang siya. May tatanungin dapat siya dito pero ibinababa agad ang linya.
Hindi siya masyadong nakatulog sa pag-iisip sa mga dating kaibigan. Ang ipinakita nila kahapon ang nagpapa-isip sa kaniya. Dumagdag pa sa problema niya si Pia. Kailangan na niyang mahanap ito. Baka mamaya,may mangyaring masama dito. First time pa naman nitong pumunta sa Pilipinas. Sobra siyang stress ngayong nagdaang mga araw.
Pagdating niya sa school,may naririnig siyang mga bulungan,
"May transferee diba?"
"Kaka-enroll pa lang kanina yun."
"Ano kayang pangalan niya? Grabe,ang ganda niya noh? Halatang mayaman tsaka galing sa ibang bansa."
"Oo nga. Magkakasundo kaya sila ni Raxie?"
"Galing yata sa States." Dito na siya napahinto sa narinig. Baka naman si Pia yun. At pwede rin na hindi. Maraming tao ang nanggagaling sa States kaya pinagsawalang-bahala na lang niya.
~
"Office of the Campus Role Models"
"Anong gagawin natin? Paano kung malaman niya na binubully natin yung mga bitches na yun?" Tanong ni Cassie.
"Huwag kang mag-alala. Hindi niya malalaman kung walang magpapa-alam sa kaniya." Sagot ni Nicole.
"Tsaka isa pa,mga dati na niyang kaibigan ang mga iyon. Baka wala na siyang pakialam sa mga ito." Sagot naman ni Tallia.
"Hindi mo ba nakita yung ginawa niya kahapon? Tinulungan nga niya sila eh. At dinala pa sa clinic!" Inis na sabi ni Cassie.
"May point si Cassie. At mayroon ding point si Tallia. It's either na kaibigan niya pa ang mga ito o sadyang tinulungan lang niya." Sagot ni Paolo.
"I think tinuturing niya pang kaibigan ang mga ito." Sabat ni Trivo.
"What would you think that?" Tanong ni Nicole.
"Nakikita mo ba kung paano ngumiti si Raxie kapag magkakasama sila? Ganun ngumiti si Raxie noong buo pa ang samahan nila. Yung tipong siya na ang pinakamasayang tao sa mundo. Gaya na lang nung nakitable ang tatlo sa kanya sa cafeteria." Sagot ni Trivo kay Nicole. Napa-isip naman ang mga ito.
"Pwede rin." Sabi ni Paolo.
"Paano kung nakikisama lamang siya dahil dating kaibigan niya ang mga ito?" Tanong ni Tallia. At muli na naman silang napa-isip.
"Haist!" Inis na singhal ni Cassie.
"Let's just watch and see what will gonna happen next." Sagot ni Trivo.
"May alas naman tayo eh." Sabi ni Tallia. Nagtaka naman ang lahat sa sinabi nito.
"What do you mean?" Tanong ni Nicole.
"Remeber Pia? Yung bestfriend ngayon ni Raxie?"
"Ah yeah. What about her?" Tanong ni Cassie.
"She's here." Sagot ni Tallia.
"Are you serious?" Gulat na tanong ni Nicole.
"Tss. Narinig ko kanina nung napadaan ako sa Dean's Office. Pinag-uusapan nila yung tungkol diyan sa Pia na yan."
"This is exciting." Sabi ni Trivo. Napaangat ang labi ng lahat.
~
Pagdating sa classroom ni Raxie,nagtaka siya dahil pinagtitinginan siya ng mga estudyante tsaka babalik ang tingin nila sa tatlo niyang dating mga kaibigan. Tahimik rin ang kaniyang mga kaklase na tipong ang hininga na lang niya ang naririnig. Samantalang sa nagdaang mga araw eh hindi naman ganito katahimik. Naninibago tuloy siya.
Ang tatlo naman ay nakatingin lamang sa kawalan. May mga bakas pa rin ng pasa ang kanilang mga labi tsaka mayroon ding mga band aid ang mga braso nila. Samantalang si Keah naman ay may band aid rin sa noo nito. Napakunot-noo siya dahil wala naman siyang nakita na sugat sa noo niya kahapon.
"Ano bang nangyayari?" Bulong niya sa isip niya. Maaga pa naman kaya nagbasa na lamang siya ng libro.
Hindi niya namalayan na dumating na ang kanilang guro.
"Class. May I have your attention pls?" Napatingin naman lahat ng kaniyang nga kaklase sa harap. "Mayroon kayong bagong kaklase." Sari-saring reaksiyon ang narinig niya. Mayroong natuwa,nagtaka at merong ring walang pakialam.
Pumasok na nga ang kanilang bagong kaklase. Pagkapasok pa lamang nito,agad nanlaki ang kaniyang mga mata. Nakilala niya agad ang matalik na kaibigan. Walang iba kundi si PIA SMITH!
"Anong ginagawa mo dito?" Bulong niya sa isip.
Napatingin rin sa kaniya si Pia at ngumiti ito na parang walang ginawa. Napangiti na rin si Raxie dito.
"Hi. I'm Pia Smith. Nice to meet you all." Maikling pagpapakilala niya. Agad na itong naglakad patungo kay Raxie. May bakante kasing upuan sa likod kung saan nakaupo sa Raxie.
"You can take your seat now Ms. Smith." Saad ng guro. Hindi naman siya pinansin ni Pia. Masanay na kayo sa ugali nito.
Habang sina Keah,Drice at Yici ay natulala kay Pia. Ngayong nandito si Pia,mahihirapan silang mabuo ang kanilang dating pagkakaibigan. Nais sana ni Keah na makipag-ayos na dito. Pero may sagabal pa.
"Ito pala yung bagong kaibigan niya? Yung ipinalit niya sakin?" Bulong ni Keah sa isip niya. Nalungkot siya sa nalaman. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ito. Maganda nga ito pero makikita sa mukha nito na may angkin itong katarayan.
Ang dalawa naman ay tahimik lang. Ayaw nilang ipamukha kay Keah na may bagong kaibigan ito. Hinawakan na lang nila ang kamay ni Keah na hanggang ngayon ay tinitignan pa rin si Pia. Hindi maalis ang tingin nito hanggang sa maka-upo ito sa tabi ni Raxie. Nasasaktan rin sila sa nakikita nila ngayon. Nakangiti kasi si Raxie kay Pia na parang sobrang saya niya na nakita niyang muli ang kaibigan.
"This is your so-called surprise huh?" Tanong ni Raxie dito."Did I surprise you?" Tanong ni Pia sabay smirk.
"Just a little." Sagot naman ni Raxie.
Author's Note:
Pia is back!
BINABASA MO ANG
My Bestfriend (COMPLETED)
Short StoryBestfriend. Yan ang tawag sa malapit mong kaibigan. Tinuturing na kapatid. Pero ano nga bang kaya mong gawin kapag ikaw ay tinulak nya papalayo at higit sa lahat, paano kung kakalimutan ka na nyang maging matalik na kaibigan? Author's Note: Please k...