Ikalabing-dalawa na Kabanata

168 2 0
                                    

Sabay na pumasok sa school sina Pia at Raxie. Gusto sana ni Raxie na magsleep-over sa condo ni Pia pero hindi pumayag ito. Kesyo daw baka magkalat pa ito tsaka hindi siya makakatulog ng maaga dahil tiyak na magkukwento si Raxie ng marami dito.

Bawat estudyante na nadadaanan nila ay ngumingiti sa kanila. Kabilang na doon ang Campus Role Models. Masaya sila para kay Raxie dahil nakikita nila na masaya ito kapag kasama si Pia. Habang si Pia naman ay mataray pa ring tumingin at hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang tumitingin sa kanila. Kung minsan din ay may naririnig siyang mga bulungan. Pero dahil hindi siya masyadong nakakaintindi ng tagalog,mas lalo siyang naiinis. Konti pa lang kasi ang alam niya tungkol sa pagsasalita ng tagalog. Naririnig niya kasi ang pangalan nito kapag may naririnig siyang bulungan.

Nakatanaw naman sa malayo sina Drice,Yici at Keah. Nakangiti sila pero mababakas pa rin na nalulungkot ang mga ito. Masaya sila dahil may bago nang nagpapasaya kay Raxie at nalulungkot sila dahil hindi na sila ang nagpapasaya rito.

Nahagip naman ng tingin ni Raxie ang mga ito. Napangiti na rin siya. Pero kung minsan,nalulungkot siya dahil nagkawatak-watak na sila. Gusto niyang mabuo ulit ang pagkakaibigan nila pero iniisip niya si Keah. Ang akala niya ay ayaw na sa kaniya ni Keah. Mas pinipili na lang niyang huwag itong kulitin pa tungkol sa pagkakaibigan nila. Tsaka baka galit pa ito sa kaniya. Ayaw niyang dagdagan pa ito.

Napapansin ni Pia na hindi nakikinig si Raxie sa kaniya. Inis niyang binalingan ng tingin si Pia. At nakita niya na nakatingin ito sa tatlong estudyante. Napakunot-noo siya. Hindi pa niya kasi natatanong kung ano ang itsura ng dating mga kaibigan ni Raxie. Nalaman lang niya na may dati itong mga kaibigan nung naikwento niya ito.

"Are you listening?" Tanong ni Pia. Natauhan naman siya dahil medyo matagal na siyang nakatingin sa tatlo. Napangiti naman siya ng tipid at painosenteng nagkibit-balikat.

"So I was saying,I want to meet your friends before me." Nagulat naman siya. Ito pala yung sinasabi niya.

"Why do you want to meet them?"

"Come on Raxie. It's just that I'm curious about them."

"Past is past. And I think you should forget about them. They are nothing to me now."

"Someday I'm gonna find them." Sabi nito sabay naunang maglakad. Sinundan naman niya ito agad.

Kinabahan naman siya dito. Bakit ba ito kating-kati na makita sila? O malaman lang ang pangalan nila? Noon pa lang ay kinukulit na siya ni Pia tungkol sa issue na ito. Pero binabalewala lang niya.

Natigil na ang pambubully sa tatlo. Mukhang natakot ang mga ito na baka sa susunod ay mahuli na sila ni Raxie.

Napagpasiyahan ng magkakaibigan na pumunta sa rooftop nang maglunch break na. May dala-dalang baon ang mga ito.

"How I wish na sana kasama natin si Raxie ngayon." Sabi ni Drice. Siniko naman siya ni Yici at ininguso si Keah na tahimik na nakayuko at umiiyak. Naguilty naman si Drice kaya agad niyang pinatahan ang kaibigan.

"I'm sorry Keah. Hindi ko sinasadya na masabi ang pangalan ni Raxie sa harap mo." Paumanhin nito.

"It's okay. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi sana ako nagpadala sa galit ko noon,hindi sana tayo magkawatak-watak." Umiiyak na sabi ni Keah.

"Hindi mo kasalanan. Hindi naman natin alam noon ang pinagdadaanan ni Raxie kaya may nasabi tayong hindi dapat masabi." Sabat ni Yici.

"Alam niyo bang miss na miss ko na siya? Bawat gabi,napapaginipan ko siya. Yung mga masasayang alaala na kasama natin siya. Sa panaginip ko,parang walang nangyari. Buo pa rin tayo at masaya pa rin. Pero sa panaginip na lang iyon. Parang isinampal sakin ang reyalidad. Hindi na yata tayo mabubuo pa lalo na't may iba nang nagpapasaya sa kaniya." Pagkukwento ni Keah. Napaiyak narin ang dalawa.

"Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Malay mo,magkakaayos pa tayo. Hangga't may buhay,may pag-asa." Pagkokombinsi ni Yici. Pero hindi siya pinakinggan ni Keah.

"Eh paano kung wala na? Kahit anong pilit kong paglimot ko sa kaniya,hindi ko pa rin kaya. Hindi ko na kaya. Gusto ko na siyang kausapin. Pero may maraming hadlang. Nagtiis akong hindi siya kausapin sa loob ng tatlong taon. Sobrang sakit na."

"Gusto mo bang bukas ay kausapin natin siya o kahit mamayang uwian na?" Tanong ni Drice dito.

"Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon."

"Oh sige. Palipasin natin ang mga araw. Sabihin mo lang samin kung handa mo na siyang kausapin hah." Ika ni Yici.

"Okay. Salamat dahil nandito kayo parati sa tabi ko. Hindi niyo ko iniwan kahit na nahihirapan na kayo."

"Syempre. Kaibigan ka namin eh. Tsaka bubuuin pa natin ang pagkakaibigan natin. Kaya LABAN LANG!" Puno ng kompyansa na saad ni Drice. Napangiti naman ang dalawa.

"LABAN LANG!" Sabay na sigaw ng mga ito.

~

Nasa opisina ngayon sina Rex at Robin. Nakarating na ang balita sa kanila na nandito si Pia sa Pilipinas. Ang plano dapat nila ay buuin ang samahan nina Raxie kasama sina Keah,Drice at Yici. Pero may problema sila. At yun ay ang pagdating ni Pia sa Pilipinas. Alam nilang hindi maiwan-iwan ni Raxie si Pia dahil naaawa ito sa kaniya. Matagal na sana silang nakabalik sa Pilipinas pero naudlot lang dahil kay Pia. Nagtapat sa kanila si Raxie noon na hindi niya maiwan ang kaibigan dahil walang ibang kaibigan si Pia bukod dito.

Naawa rin sila sa kapatid dahil alam nila na nalulungkot pa rin ito kapag napapag-usapan ang mga dating kaibigan nito. Lalo lang nadagdagan ito ng malaman nila ang tunay na dahilan ng pagkawatak-watak nila nang dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan nina Raxie at Keah.

"What's our new plan then?" Tanong ni Robin.

"No choice kundi isama na rin si Pia sa pagbuo sa pagkakaibigan nila."

"Pero mawawalay din si Pia sa kanila. Hindi siya pwedeng magtagal dito sa Pilipinas dahil hahanapin siya sa kanila."

"Yung nga ang problema natin. Sooner or later,aalis si Pia. Maaawa na naman si Raxie dito dahil wala itong kaibigan sa States. Kung bakit naman kasi ang taray nun. Hindi alam makisama." Inis na sabi Rex. Hindi sila masyadong close kay Pia. Ayaw nila sa ugali nito. Minsan pa eh,natarayan na sila nito. Kaya mas lalong silang nainis.

"What about pagsama-samahan natin sila sa iisang bubong then during weekends lang pupunta doon ang mga katulong?" Suggest ni Robin. Napaisip naman sila kung maganda ba itong plano. Hanggang sa napangiti ang dalawa. Sa huli,plinano nilang kidnappin ang mga ito.

"Hanggang kailan sila magsasama-sama kung ganon kuya?"

"3 weeks will do."

Inihanda na nila ang bahay na pagtitirhan ng mga ito. Sinabi na rin nila sa magulang nina Yici,Drice at Keah ang tungkol sa plano nila. Pumayag naman ang mga ito. Gusto na rin nilang magkabati ang dating magkakaibigan. Hindi na nila ipinaalam sa magulang ni Pia dahil tiyak na walang pakealam ang mga ito. Busy sila sa negosyo nila kaya hindi nila napaglalaanan ng oras ang kanilang anak. Kaya siguro ganun ang ugali nito. Bumili na rin sila ng kakailangan ng mga ito.

Mas dinamihan nila ang pagkain dahil tiyak na gugutumin si Raxie. Mahilig kasi itong kumain kung wala itong ginagawa. Nagpa-impake na rin sila ng mga gamit ng mga ito. Ibinilin nila sa magiging katulong na tuwing weekends lang na pupunta doon. At kung pwede ay wala itong pagsasabihin kung kanino may pakana ito. Bukas ng gabi nila uumpisahan ang plano nila. Itetext muna nila ang mga ito na pumunta sa isang park. At sasabihin nilang nasa kanila ang isa sa kaibigan nila. Ibinilin rin nila ang mga katulong ng lima na kapag may tumawag ay huwag sagutin. Sinabi rin nilang kuhanin ang bawat cellphone ng mga ito bukas ng gabi.

Author's Note:
Oplan,Kidnappin ang Lima.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon