Ikasampu na Kabanata

168 3 0
                                    

Tinawagan ni Drice sina Keah at Yici para maagang pumasok ngayon. Pumayag naman ang dalawa. Hindi sila masyadong nakatulog dahil sa kakaisip kay Raxie. Ang hindi nila alam,maaga din pumasok ang mga ibang estudyante ng Star Academy.

Pagdating sa school,nandon na naman yung tingin ng mga estudyante na minamaliit sila. Hanggang sa isang estudyante ang lumapit sa kanila.

"Pumunta kayo sa Bulletin Board. May nakapaskil na balita tungkol sa inyo." Saad nito. Agad-agad naman nagpunta ang mga ito. Nagulat sila sa nakita nila. May nakapaskil kasing, "The Three of these Students will be remain as Bullied." na may kasama pang picture nilang tatlo.

Napatulala sila sa nakita. Maayos na ang lahat pero hindi pa tapos ang pangbubully nila sa kanila. Sobra ba talagang galit sa kanila ang mga estudyante? Nagsisisi na naman na sila. Dumating na nga ang may pakana nito.

"Hi Bitches!" Ngisi na sabi ni Cassie.

"Ano pa bang gusto mo? Maayos na nga ang lahat eh? Bumalik na si Raxie." Naiinis na sabi ni Keah.

"Ganun ganun na lang yon? Porket ba bumalik na yung tao eh kakalimutan na namin yung kasalanan ninyo? Gusto ko na panghabang-buhay kayong magdurusa. Tandaan niyo yan! Humanda kayo mamaya pagkatapos ng klase!" Mabagsik na sabi nito. Natakot naman ang tatlo. Ang kaninang tapang na nadarama nila ay unti-unting nawala. Baka ano na naman ang gawin nila sa kanila. Pinatanggal na ni Cassie ang nasa Bulletin Board at pinagsabihan lahat ang mga estudyante na walang magsasabi kay Raxie ay tungkol sa pagbully sa tatlo. Tumango na lamang sila dahil sa takot na madamay pa sila.

Tulalang pumasok ang tatlo sa classroom nila. Nadatnan nilang nandon na si Raxie na nakaheadset at nagbabasa ng libro. Napangiti naman sila dahil ganun pa rin ito kung nagbabasa ito.

Pero agad ding napawi ng maalala nila yung sinabi ni Cassie na layuan daw nila si Raxie. Pinili na lamang nilang umupo sa unang bahagi. Habang si Raxie naman ay nasa pinakahuling bahagi. Naaawa sila sa kanilang sarili. Hindi nila aakalain na hahantong ito sa sitwasyon nila ngayon. Pero mananahimik na lamang sila. Kakayanin nilang manahimik dahil konti na lamang ay mapupuno na sila.

Oras na ng pinagkainan. Hindi nila inimbitahan si Raxie dahil ayaw nila ng gulo. Kaya't mag-isa si Raxie na pumunta sa Cafeteria. Tahimik lamang siya na umorder. Malalim ang iniisip niya kaya di niya nahalata na naki-upo ang mga Student Council,Queen Bee at ang nakakagulat ay sumama ang Campus Badboy.

"Mag-isa ka yata ngayon?" Ika ng Vice-President na si Nicole.

"Yeah. Okay lang laman kung wala akong kasama. I can manage."

"Ano kaya kung palagi ka na lang na sumama samin?" Suhestiyon ni Cassie.

"Wag na. Kaya ko naman ang sarili ko tsaka hindi ko kayo makakasama palagi dahil baka may gagawin ako."

"Okay lang. Miyembro ka naman ng Campus Role Model." Ika naman ng Pres na si Paolo. Ang mga President,Vice-President at Secretary ay sila ang mga Sudent Council. Ang Queen Bee at Campus Badboy kapag pinagsama-sama na lahat,ang tawag sa kanila ay CAMPUS ROLE MODEL. Pero paano nga ba napasama sa kanila ang Campus Badboy? Simple lang,sinuggest kasi ng mga students ito. Tsaka siya na rin ang nagpaparusa sa mga lumalabag sa Golden Rule. At ang Golden Rule nila ay isa lamang. At yun ay ang Protektahan at  Sundin ang Campus Role Model.

"Tsaka isa pa,magiging Campus Queen ka na." Saad ng Sekretarya na si Tallia. Nagulat naman si Raxie kasama na ang mga estudyante na nakarinig sa usapan nila. Siniko naman siya ni Nicole para tumahimik.

"Tsk." Pasaring ng Campus Badboy na si Trivo.

"Yes that's true." Ika ni Cassie.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon