Ikatlong Kabanata

247 3 0
                                    

Pag-uwi galing school,tinawag agad siya ng kaniyang Ina upang ipaalam na malapit na silang pumunta sa States.

"Honey I just want to let you know that in less than 2 months pupunta na tayo sa US. Inaayos pa namin kasi ng Dad mo yung mga papeles ninyo ng mga kuya mo." Ika ng Ina.

"Yeah Mom." Tipid na sabi nito.

Pagkapasok pa lang sa kwarto niya,kinuha niya agad ang cellphone nito para matawagan ang kaniyang matalik na kaibigan.

"Hello Keah." Ika nito.

"Napatawag ka?" Tanong naman nito.

"Pwede bang magbonding tayo nina Drice tsaka si Yici bukas? Total sabado naman eh. Pls?" Tanong ni Raxie sa kaibigan.

"Sige na nga. Teka lang magpapaalam muna ako tsaka tatawagan ko na rin yung dalawa." Sagot naman nito. Napangiti naman si Raxie dahil pumayag ito. Tinawagan naman ni Keah ang dalawa at napa-oo naman agad ang mga ito dahil miss na miss na nila si Raxie.

Pagkadating sa Mall,nagkayayaan muna silang kumain muna. Umorder sila ng marami dahil alam nila na matakaw si Raxie na kumain. Pagkatapos kumain,pumunta naman sila sa mga arcade para maglaro. Kung ano-ano ang nilaro nila. Pangbabae man o panlalaki,walang problema sa kanila basta makakapaglaro sila.

Sobra silang napagod. Yan ang una mong makikita sa mga mukha nila. Kahit na napagod sila,sobra naman silang sumaya. Sabay-sabay silang lumingon sa isa't-isa at napatawa na lamang sila.

Napagpasiyahan na nilang umuwi. Pero pagdating sa bahay nila Raxie,isang napakanakakatakot ang nangyari. Naaksidente ang kanilang mga magulang habang pauwi ito sa bahay nila. Kailangan nilang madala agad ito sa US upang malunasan agad ito. Nasa kritikal na kalagayan ang mga ito. Tumama ang ulo ng kaniyang Ama sa semento habang ang kaniyang Ina ay maraming bubog sa kaniyang katawan. At ang mas malala pa,may tumamang bubog sa atay ng kaniyang Ina.

Ang ngiti sa mukha ni Raxie ay unti-unting nawala at napalitan ng luha. Nagmamadali niyang tinawag ang kanilang mga katulong upang tawagan ang kaniyang mga kapatid.

"Tawagan niyo sina Kuya! Dali! Kailangan nang madala sina Mom at Dad sa US. At ihanda niyo ang mga gamit namin dahil pupunta na kami ngayong gabi Manang!" Utos siya sa mas nakatatanda sa mga katulong.

"Sige Iha. Natawagan namin ang mga kuya mo. Papunta na sila dito. Kumalma ka muna Iha. Ito oh,uminom ka muna ng tubig" Ika ng matanda sabay abot ng tubig.

"Salamat manang" Sagot niya. Nagkakagulo na ang Bahay ng mga pamilyang Zaqueyo.

Sa gabing iyon,lumipad ang pamiyang Zaqueyo sa US upang ipagamot ang kanilang Ama at Ina. Hindi na nakapagpaalam si Raxie sa mga kaibigan lalong lalo na si Keah na tawag ng tawag sa kaniya. Wala siyang pinagsabihan na pupunta siyang States. At hindi nila muna pinalabas sa Media na naaksidente ang kanilang mga magulang dahil tiyak na gigipitin sila ng kanilang mga kalaban sa negosyo.

Habang ang tatlo naman ay unti-unti nang nagagalit sa kanya. Kasama na dito ang kanilang pag-aalala sa kanilang kaibigan na hindi nila alam kung nasaan na ito. Nawala na lamang ito na parang bula. Hanggang sa umabot sa Isa't kalahiting buwan,wala silang balita dito. Nakapatay na rin ang cellphone ni Raxie kaya hindi nila makontact ito. Sumuko na sila sa pagtawag sa kaniya.

Hanggang sa isang araw,nagpakita si Raxie sa school nila. Nagulat ang lahat sa pagpapakita niya. Pagdating sa classroom niya,nakita niya ang kaniyang mga kaibigan. Tinawag niya ang mga ito.

"Keah. Drice. Yici.! Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" Paki-usap niya sa mga ito. Tipid naman na tumango ang mga ito. Dinala ni Raxie ang mga kaibigan sa hindi matataong lugar na parte ng  kanilang school.

"Sorry kung hindi ako nakapag---" Panimula niya dito pero pinutol agad siya ni Keah.

"Ganun-ganun na lang yon? Alam mo bang araw-araw kaming tumatawag sayo tapos di mo man lang sinasagot? Hah! Nagriring ang cellphone mo pero di mo man lang masagot! Ganyan ka ba hah? Kaibigan mo kami kaya mag-aalala kami sayo! Saan ka nga nagpunta hah?" Malakas na sigaw sa kanya ni Keah. Unti-unti namang nasaktan si Raxie pero inintindi niya na lamang ito. Pero lingid sa kaalam nila na mayroon pa lang nagvivideo sa kanila na isa ring estudyante.

"Pumunta ako sa US. May inasikaso lang. Sorry kung pinag-alala ko kayo. Hindi na mauulit." Kalmadong sagot niya dito. Pero mas lalo lang na nagalit si Keah.

"Pumunta ka sa US? Anong ginawa mo dun?! Sobra ka bang busy kaya di mo masagot tawag namin?! Alam mo,napapansin ko wala ka na masyadong oras sa amin. Nawala ka ng isa't kalahating buwan tapos babalik ka at sasabihin mo na may inasikaso ka lang dun?! Ilang beses kaming pumunta sa bahay niyo pero walang katao-tao! Pati mga katulong niyo wala rin!" Galit na bulyaw sa kaniya ng kaibigan.

"Pls,intindihin niyo na lang ako. May pinagdadaan ako ngayon kaya pwede ba wag natin pang patagalin ang problemang ito." Ika niya.

"Hah! May gana ka pang magsabi na intindihin ka namin. Anong akala mo samin,walang pakialam?! Kung ganon naman pala eh,FRIENDSHIP OVER NA TAYO!" Malakas na sigaw ni Keah sa kanya. Para namang nabingi si Raxie sa sinabi nang kaibigan. Habang ang dalawa naman ay nagulat sa sinabi ni Keah pero nanahimik na lang sila. "Kung inaakala mo na mapapatawad kita agad-agad,pwes hindi! Huwag ka nang magpapakita sa akin! Kung ano man ang dahilan mo,sayo na yan! Wag mo nang sabihin sakin. Wala nang saysay pa yan." Ika ng kaibigan. Unti-unti nang tumalikod si Keah pero napahinto siya sa sinabi ni Raxie.

"Sige kung yan ang gusto mo! Sana pala hindi na lang kita naging matalik na kaibigan kung iiwan mo lang ako na hindi ko pa naipapaliwag yung side ko. Kaya sana,maging masaya ka na. At sana hindi ka magsisisi kung balang-araw malaman mo kung ano ang dahilan ko kung bakit hindi ko nagawang sagutin ang mga tawag mo." Kalmado ngunit may diin na sabi ni Raxie. Hindi na lamang inintindi ni Keah si Raxie. Unti-unti na niyang inihakbang ang kaniyang mga paa at nagsimula na siyang maglakad. Habang ang nagvivideo naman ay umalis na. Natatakot itong tumakbo paalis dahil baka siya ay mahuli.

Sina Drice at Yici ay naaawa naman kay Raxie. Pero sa huli,niyakap na lang nila ang umiiyak nang si Raxie.

"Huwag mong kakalimutan na andito pa kami para sayo. Naiintindihan ka namin ni Yici. At wag mong intindihin si Keah sa sinabi niya sayo. Intindihin mo na lamang siya. Sobra kasi siyang nag-alala sayo." Malungkot na wika ni Drice. Habang si Yici ay unti-unti nang umiyak dahil natanggalan sila ng isang kaibigan.

"Oo naman. Tandaan niyo ito,kahit anong mangyari kayo pa rin ang mga kaibigan ko. Walang makakapantay sa inyo. Sana maging masaya kayo at makahanap pa ng kapalit ko sa grupo natin. Pupunta na akong States. We will migrate there. Baka hindi na ako makabalik dito. Yun ang rason ko kung bakit nawala ako at hindi ko masagot tawag niyo. Dumagdag pa na naaksidente sina Mom and Dad at nasa kritikal na kalagayan sila. Huwag niyo na lang sasabihin kay Keah na sinabi ko ito. Paano ba yan? Pupunta na ako. Malapit na yung oras ng flight ko. Paalam na." Nakangiti ngunit mababakasan ng lungkot na wika ni Raxie. Gulat naman na napatingin ang dalawa sa kanya. At unti-unti nang bumuhos ang masagana nilang luha. Niyakap na lang nila isa't isa at nagpaalam na.

Author's Note:
</3







My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon