Ikalabing-pito na Kabanata

165 3 0
                                    

Nakatoka silang maglilinis ngayon. Napagdesisyonan nilang sama-sama silang maglilinis para makita nila ang isa't isa.

"Unahin natin yung mga kwarto." Suhestiyon ni Yici na agad na sinang-ayunan ng tatlo. Napatingin sila kay Pia ng hindi ito sumagot kaya napilitang siyang ngumiti ng hilaw.

"Hindi mo na naman naintindihan?" Tanong ni Raxie sa kaniya. Ilang araw na nilang tinuturuan itong magsalita at magsulat ng wikang Tagalog. Pero hindi niya makabi-kabisado dahil nahihirapan daw ito. Konti pa lamang ang naiintindihan niya.

"Hende." Sabi nito. Kung magsalito ito ng tagalog,masasabi mong maarte siya. Pero hindi,sadyang ganyan lang talaga sa una.

Napabuntong-hininga ang apat. Kung minsan,ayaw na nila itong turuan dahil ang hirap niyang turuan.

Hindi na lamang sila nagsalita at naghanap na lamang ng mga walis. At nahanap nila ito sa maid's room.

Inuna nilang nilinis ang sala. Hindi naman sila medyo nahirapan dahil malinis ito. Tanging mga alikabok lang ang naroon at nagvacuum na rin sila sa carpeted floor nito.

Sunod naman ay ang kusina,mga kwarto at panghuli ay sa labas ng bahay. Medyo marami-raming dahon ang nakakalat. Ikaw ba naman ang magtanim ng mga puno malapit sa bahay mo? Pero ayos lang kasi masarap naman ang simoy ng hangin at tahimik rin. Di katulad sa Maynila na ang gulo at hindi pa presko ang hangin. Nilinis na rin nila ang pool.

Magtatanghali na nang matapos sila sa paglilinis. Nagyayaan na silang magluto. Hanggang ngayon,si Keah at Raxie ulit ang magluluto. Ang mga iba naman ay katulad din noon ang ginagawa nila nung nagluto sila ng Pinakbet.

Mas natutong magluto ang mga ito. Alam na rin nila ang mga gawaing-bahay. In short,ang rami nilang na-improve at nalaman.

Naging matalik na magkakaibigan na rin ang mga ito na parang walamg nangyari noon na away sa pagitan nila.

"Ay oo nga pala! Wala na akong maisusuot na damit. Last na lang yung isang pares ng t-shirt at shorts." Sabi ni Drice.

"Ako din." Sabi naman ni Yici kaya nagdesisyon silang maglalaba ng damit bukas. Iyon ang hindi pa nila nasusubukan.

"Okay. Washing Machine na lang ang gagamitin natin para mas mapadali." Sagot ni Keah.

~

Habang sina Rex at Robin naman ay natutuwa sa nangyayari sa lima. Lagi nilang pinanunuod ang cctv camera sa bahay na tinitirhan ng mga ito. Ganun din ang pamilya nina Keah,Pia,Drice at Yici. Napapangiti sila kapag naalala nila ang kanilang mga anak na gumagawa ng gawaing bahay.

"Tama ang naging plano natin Kuya." Sabi ni Robin sa kapatid.

"Yeah. Sayang nga lang dahil ilang araw na lang matatapos na ang pagtira nila sa bahay na sama-sama." Sagot naman ni Rex. Pero okay lang yun,atleast naging mas responsable sila.

"Worth it." Tanging sagot na lang ni Robin. Napatango rin si Rex dito.

~

Maglalaba naman ang lima ngayong araw na ito. Marami-rami rin ang lalabhan nila dahil hindi nakapunta ang katulong nila nung 2nd weekends. Hindi nila alam kung bakit ito lumiban sa trabaho.

"Search niyo na lang sa Google." Sabi ni Raxie dahil inip na inip na siya at gutom na rin. Kakatapos lang nilang kumain ng agahan pero gutom na agad ito.

Nagsearch naman sila. Nagsimula sila sa pagbanlaw ng mga damit sa malinis na tubig bago ito inilagay sa washing machine na may sabon na. Bumubula pa nga ito sa sobrang dami nilang inilagay na powder.

"Okay na yan. Mas marami,mas mabango." Sabi naman ni Keah. Inuna nila ang damit ni Raxie na inilagay. Sumunod naman ang kay Keah,Pia,Drice at Yici.

Nang matapos nilang labahan lahat ng damit nila,sinunod nilang binanlawan ito. Nabasa pa nga sila pero hindi na nila inantala iyon dahil mas importante sa kanila na matapos agad.

Pagkatapos nila itong banlawan ng tatlong beses,inibabad naman nila ito sa Fabric Conditioner. Nang matapos sila,inilagay naman nila ito sa dryer para mas madaling matuyo at isinampay sa likod ng bahay sa tabi ng swimming pool.

Ang tapang ng sinag ng araw ngayon kaya madali itong natuyo. Hapon na ng matapos nila itong ipasok lahat sa loob ng bahay. Sinunod naman nila ang pagtutupi. Saktong matapos sila sa pagtutupi at nailagay na sa kanilang kaniya-kaniya nilang cabinet,nang kumulog ng malakas. Nagkagulatan pa sila at napasigaw na rin.

"I-charge niyo yung mga flashlight natin!" Sigaw ni Raxie na kakalabas lang ng kwarto nila.

Dali-dali silang nagluto para makakain na. Baka abutan pa sila nito ng brown-out. Ini-on rin nila ang TV para malaman kung may bagyo at mero nga. Nataranta sila. Inihanda na nila nag mga flashlight nila tsaka mga pagkain na mga de-lata.

Nang makapagluto,agad na rin silang kumain. Nagluto na rin sila ng kanin para bukas sa umagahan nila. Kumukulog at kumakidlat na rin.

Umuulan na nang maalala ni Raxie na may naiwan siya sa labas ng bahay. Kaya lumabas siya at sumulong sa ulan. Hindi na siya napigilan ng apat dahil nakalabas na siya at basa na rin.

Ang kinuha niya pala sa labas ay yung IPad niya. Mahalaga sa kaniya iyon dahil naroon ang picture ng mga magulang niya ng nabubuhay pa ang mga ito. Litrato na kompleto at nakangiting nakatingin sa camera. Idagdag na rin na may litrato silang sama-sama kasama ang mga kaibigan niya na sina Keah,Drice,Pia at Yici. Kakukuha lamang ito ilang araw lang ang nakakalipas.

"Ba't ka ba nagpaulan?!" Inis na sigaw sa kaniya ni Keah. Napayuko na lamang siya. Walang kaalam-alam ang apat na mahalaga kay Raxie ang IPad na iyon. Hindi pa kasi nila ito nabubuksan dahil may password.

"Go get inside and also change your clothes so that you won't get sick." Mahinahon na sabi naman ni Pia kumpara kay Keah na sinigawan pa si Raxie. Napatango na lamang siya at agad-agad na pumanhik sa kwarto niya.

Naligo agad siya ng maligamgam na tubig para mabawasan ang panginginig niya.

Pagkatapos makaligo at makapagpatuyo ng buhok,agad na siyang natulog. Hininaan niya rin ang aircon ng kwarto niya. Nagsuot rin siya ng jacket at  nagtalukbong ng kumot.

~

Habang ang apat ay nag-uusap-usap sa sala.

"Ba't mo sinigawan?" Tanong ni Drice sa kaniya.

"Eh bakit ba kasi siya nagpaulan? Paano kung magkasakit siya?" Balik-tanong nito.

"Pwede mo naman siyang kausapin ng maayos." Sagot naman ni Yici.

"So ako pa ang may kasalan ngayon?" Inis na sabi ni Keah. Feeling niya pinagkakaisahan sila ng dalawa.

"Ang point lang namin,ba't mo pa sinigawan? Paano na lang kung may rason kung bakit siya sumulong sa ulan at kinuha ang IPad niya doon. Tingin mo,kukuhanin ba niya ang IPad niya kung hindi ito mahalaga sa kaniya at kayang-kaya niyang bumili ng dosena nito?" Tanong sa kaniya ni Drice. Napaisip naman siya dito.

"Yan kasi ang problema sa iyo Keah. Palagi mo na lang iniisip ang sarili mo. Pag-aalala lang ang pinapairal mo. Ganitong-ganito ka rin 3 years ago diba? Hindi mo man lang pinakinggan ang rason niya."

"Sige nga! Ano ang rason niya kung ganoon nung 3 years ago?" Hamon niya sa mga ito. Nagkatinginan muna sina Drice at Yici na para bang nag-uusap sila at nagtatalo sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa isa't isa. Hanggang sa huli,tumango ang mga ito sa isa't isa na para bang sinasang-ayunan ang bawat isa.

Author's Note:
Next Chapter will be the revelation.

My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon