WGC: Title your Story Part

40 7 0
                                    

(07/26/2014)

"Tap here to start writing." ugh!

"Title your Story Part." isa pang ugh!

Ano ba, magisip ka Blue!

Sasabihin ko ba o hindi?

Aish!

Dalawa lang naman ang pagpipilian ah!

Bakit ang hirap pumili?!

Ano na?!

I-type mo!

Aish!

Hindi!

I-type mo na!

Hindi nga sabi!

Oo!

Hindi!

Oo!

Hindi!

Oo!

Hindi!

"ASAAAAAAAAAAAAAAR! BUSET!" sa sobrang pagkainis ko binato ko ang flower vase sa pinto ng CR.

"Blue! Ayos ka lang ba?!" nagulat ako ng biglang silang pumasok sa kwarto at tumabi sa'kin.

Hinaplos ni Tita ang braso ko, "Tita teka teka, ayos lang ako."

"Bakit mo binato yun Kuya Biyoo?" tanong ni Gabby.

"Sorry Tita," mahina kong nasabi halos binulong ko nalang.

Niyakap agad ako ni Tita kasabay ng naramdaman kong nababasa ang pisngi ko ng luha.

------------------------------------------------------

"Blue, okay ka lang ba talaga? Kagabi raw bigla nalang sumakit yang likod mo?" tsaka nilapag ni Tita ang pagkain. Kakain kami ng umagahan.

"Opo, pero okay na ako. Nadali lang sa may gripo sa CR hahaha peace Tita! XD" ngumiti si Tita tsaka kami nagtawanan.

Habang kumakain kami dumating si Lola. Lola ni Hera.

"Kyla, nandito ba si Lhenard.. Lhenard ano ba yun?" di siguro na tanong ni Lola.

"La, Lhenard Monzon po," pagtatama ni Josef.

"Ah oo, asan ba yun? Hinahanap kasi 'yon ng nga pulis. Kyla nandito ba yung bata na 'yon?" kinuha ko ang blue na varsity jacket ko at sinuot 'yon.

"Nandito ako 'La, tara," sabi ko kay Lola Ising.

Sinama ako ni Lola hanggang sa labas. Pumunta kami sa dati naming bahay at naabutan ko sa labas ng bahay ang dalawang pulis at isang police car.

------------------------------------------------------

Pinakita ko ang mga natamo ko mula sa kanila. Di ko alam kung para saan 'yon. Basta ang alam ko, magiging ayos na ang lahat.

"Iho, namumutla ka ata," sabi ni Lola.

"La, ganto talaga ako," naglalakad na kami pauwi.

"Lhenard iho, sino ba yung liligawan mo?"

"La?! Wala ah!"

Pinalo ako ni Lola ng baston, "Aray! Lola! May pasa pa ako diyan! Pinapalo niyo pa ako!"

"Aba! Pinagtataasan mo ako ng boses?!" hinampas ulit ako ni Lola sa binti.

"Aray! Lola hindi po!"

"Si ano yun hindi ba iho? Si hey there Winter ba yun?"

"La, Winter lang. Title naman ng kanta namin ang sinasabi niyo eh," sabi ko at ginulo ang buhok ko.

"Lhenard, maraming mangyayari. May mawawala, may dadating. Kasabay nito maaari itong lumalim o mawala ng tuluyan. Hindi mo ito makokontrol, kailangang gumawa ka ng aksyon."

"Huh?"

"Hay, magpagaling ka Lhenard, sundin mo si Kyla at Jiro. Wag kang pasaway. Iwasan mong makipagbarkada sa iba. May barkada ka na at lagi silang nandiyan."

"Uh Lola?"

"Mas bagay sayo magsalamin Lhenard, malabo na ang paningin mo diba?"

"Opo Lola kaso nagko-contact lens nalang ako kadalasan."

"Ah ganon ba? Ah sige. Kay gwapo mong bata pero ginaganyan ganyan ka ng magulang mo. Tsk tsk tsk, mag-iingat ka ha? Wag na magbulakbol."

"Lola, tuwing Linggo o walang pasok kami nagbubulakbol. Ingat kayo Lola."

Haist, ang kulit ni Jessica. Ite-text ko nga sabi yun sa Martes. Martes pa pala ako pwedeng magpaload. Aish.

Kumain na ako pagkabalik ko.

"Lhenard, halika," sabi ni Tita.

"Po? Bakit?"

"Ay saglit lang. Maligo ka muna tapos wag ka muna magsuot ng t-shirt."

"Huh? Okay?" nasabi ko nalang at sumunod sa sinabi ni Tita.

Hawak hawak ko ang t-shirt ko at lumapit sa tabi ni Tita sa kama.

Nilinis ni Tita yung mga sugat ko sa likod at ginamot. Nilagyan niya ng benda, "Masyado bang mahigpit? O katamtaman lang?"

"Ayos lang naman po."

"Sige, magsuot ka na ng t-shirt. Iwasan mong madali yang mga ano mo ah. Matutulog muna ako."

"Opo," sabi ko tsaka ko sinuot ang t-shirt ko.

Pagkatingin ko sa braso at binti ko, nanlumo ako. Naalala ko ang nangyari.

Umiling ako at kinuha ang cellphone ni Hera sa bedside table.

"Taglamig. Aish. Minessage ni Gabby si Taglamig. Pasaway. Sabing wag na wag eh. Pero sabagay okay lang naman ah ewan!"

Winter Grace CollinsWhere stories live. Discover now