Diba maiinis ka pagna-hack ang acc mo?
Eh kami, yung EaE account namin ang na-hack!
Ang dami naming videos at pictures dun tapos mawawala nalang ng ganon kabilis?!
Aish, Tag--Magtigil ka Lhenard Blue!
"Blue, lalim ng iniisip mo," sabi ni Tito at tumabi sa'kin.
"Si Tagl--Wala po, bakit nandito po kayo sa labas?"
Tumawa ng bahagya si Tito, "Parang ako dapat ang magtanong sayo niyan Blue."
"Ah, peace. Di po ako makatulog."
"Blue, di kawalan ang na-hack ninyo na account ang kawalan ay mawala ang inyong pagkakaibigan," sabi bi Tito.
"Lalim Tito pwede bang hukayin? Hahaha.."
Ginulo ni Tito ang buhok ko at ngumiti,
"Haha, maiba tayo Blue. Okay ka na ba? Yung mga pasa sa katawan mo, baka gusto mo ipa-check up na natin? Yang mga sugat sa likod mo baka kung ano na yan? Di ba gaanong nasakit?"
"Wag na po Tito, ayos lang ako. Medyo masakit parin pero kaya ko naman na. Sus ako pa."
"Ahahaha, ikaw na bata ka. Yung kinukuwento ni Kyle (Gabby) na si Winter Grace Knights? Musta na yun?"
"Okay lang siguro.. Sana.."
"Nagkakausap parin pa ba kayo?" dahan dahan akong umiling at hinaplos ang braso ko na puno ng latay at pasa.
"Tiwala lang Blue, makakausap mo rin siya wag ka magalala." tumango nalang ako sa sinabi ni Tito.
"At Blue, aampunin ka na namin. Pinahuli ko na magulang mo. Di na namin kaya na makita kang ganyan na maraming mga galos o pasa pa. Ayos lang ba sayo yun?"
Nabigla ako sa sinabi ni Tito, pero di ko malaan na tumango nalang ako.
Tumawa siya at pinatong ang isang jacket sa balikat ko. Ginulo niya ulit ang buhok ko.
"Pumasok ka na mamaya, lalamigin ka diyan. Wag mo siya masyadong isipin Blue magiging ayos ang lahat."
Tumingin ako sa langit may mga bituin. Nawawala at bumabalik.
Kagaya ng magulang ko mawawala at babalik.
Marami akong di sinasabi kay Taglamig gaya nalang ng lagi akong may pasa o latay o kung ano pa man na tinatamo mula sa magulang ko. Sa tuwing may away sila ako ang nagbubuntuungan ng galit. Ayokong sabihin dahil siya si Taglamig ayoko siyang galit o nagagalit.
أنت تقرأ
Winter Grace Collins
غير روائيBlueTer for real? And also for others to not be bored while reading this I put some clues that you may encounter to the other parts of the story. BlueTer? Official na? Enjoy. Vote for BlueTer. XD