WGC: I said that I can't breathe, I'm not Saying I love You, I'm Not That Kenji Boy, Aira
"Bakit nga kasi? Aalis tayo? Ano namang mapapala mo dun?" ayaw pa rin akong sagutin ni Aira, tama ang basa mo, aalis kami, at panigurado may mapapala siya dito.
"Magbibihis ka o bibigyan kita ng punishment?" simpleng tanong niya sa akin. Ginulo ko ang buhok ko.
"Aira kasi! Sagutin mo na ang tanong ko!" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, inalog alog ko siya, pag 'to di sumagot, patay 'to sa akin.
"Magtigil ka! Ilalayo kita, malayo sa Cavite!" tinigilan ko siya.
Desperado akong umupo sa kama, "Ano ba kasing dahilan..?" hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko na siyang tinanong sa araw na 'to at kahapon.
"Shut up, magbihis ka na," walang emosyon niyang sinabi sa akin at hinagisan ako ng damit.
"Shut up shut up, tokneneng ka," bulong ko. Dumiretso ako sa banyo at nagbihis.
"Magku-quit siya," sabi ni Aira, hindi ko alam kung sino ang kausap niya o kung ano 'yung quit na ka-ewan-an na 'yan.
"As Lance's operator, deactive all his accounts, as for as his real account, mas maganda palitan mo password ng lahat ng account niya," napatigil ako sa sinabi niya na 'yun.
"Aira!" tinawag ko ang pangalan niya at kinuha ang cellphone niya.
Tinapat ko sa tenga ko ang cellphone, may boses ng isang lalaki, Fritz.
"Kung gago ka gawin mo, tandaan mo lang babalikan kita," sabi ko at i-end ang tawag.
***
4:37, umalis kami. Sumakay kami sa isang bus, tinulak niya ako papunta sa pinakalikod. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, ang alam ko lang ay ayoko nito.
7:32, bumaba kami sa bus at sumakay sa jeep, kahit engot ako, tinandaan ko ang oras ng ilang pangyayari. Sumandal siya sa akin na parang walang nangyari sa bahay. Naglabas ako ng isang cup noodles at kumain, ilang araw na rin palang kaunti lang ang kinakain ko. Kulang lagi sa tulog, wala gaanong tulog. Alam ko sa sarili ko na nanghihina na ako.
10:39, nakarating kami sa pupuntahan namin, kung tama ba ang pinuntahan namin.
"Aira," tawag ko sa kanya. Kinuha ko lahat ng dala namin at binitbit lahat ng iyon. Bumaba ako sa jeep, sumunod naman siya.
"Dun lang ako, wag ka magalala hindi naman ako makakaalis dito eh," paninigurado ko sa kanya. Tapos na niya ayusin ang lahat ng damit namin at nilagay sa closet.
"Geh," maikli lang 'yun pero pakiramdam ko ayos na 'yun. Hahakbang na sana ako pero hinawakan niya ang likod ng puting polo ko.
"Saglit," sabi niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Wag ka lumayo, maliligaw ka," sabi niya at binitawan ang polo ko.
Inayos ko ang polo ko at umalis sa bahay. Naglakad lakad ako, sa may kalayuan may nakita akong parang lawa? Dagat? Ah ewan hindi ko alam, pumunta ako dun at umupo sa may batuhan.
Napahawak ako sa ulo ko, nahihilo na naman ako. Pumikit ako at ginulo ang buhok ko. Masyadong malaki ang binigay na polo sa akin ni Aira, tss. Kumuha ako ng maliit na bato, hinagis ko sa tubig.
Ang maliit, malaki ang nadudulot kahit sabihing maliit iyon at walang kwenta. Gaya ng isang bata, maliit, pero kayang makapagligtas ng buhay.
Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. Sa gilid ng batuhan, sumandal ako sa isa sa mga malalaking bato at nagpalipas ng gabi.
Pag gising ko, umuwi ako. Pag tingin ko sa oras sa may cellphone ko, 6:00 am palang. Minessage ko si Aliyah, kaso mahina ang signal baka hindi rin ma-send. Natutulog si Aira sa kwarto, ng buksan ko ang pinto ng kwarto. Bumaba ako at naghanap ng makakain. Okay? Walang ref, walang pagkain. -_-
Nag-init ako ng tubig, kumuha ako ng cup noodles. Habang buhay na cup noodles, bow. Kumain na rin ako maya-maya.
Tinapon ko sa basurahan ang basura, syempre.
Tiningnan ko ang messages, nakita ko si Girl in White, naguusap naman kami. Pero ewan ko ba nasa zone pa rin kami. Pesteng game of love 'to oo. Hindi na ako maalis alis sa larong 'to.
Walang mananalo, pero may matatalo.
May sasaya, pero may malulungkot.
May magsasaya ng hayaan ng isa ang isa.
May mahihirapan pero may giginhawa.
Magulo ang game of love, a stulid game that no one wins.
Bumalik ako sa kwarto ng makaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Hinanap ko ang gamot ko pero hindi ko 'yon mahanap.
"Aira.." tawag ko sa kanya at inalog ang balikat niya.
"I can't breathe, Aira," nagising siya.
"I love you too," may tagumpay sa mukha niya.
"Hindi ako makahinga!" nahihirapan kong sigaw sa kanya, humigpit ang hawak ko sa dibdib ko.
"Hindi ko sinasabing mahal kita Aira, asa ka pa. Hindi ako si Kenji tandaan mo 'yan."
'Yun ang nasabi ko sa kanya.
The stupid game, game of love.
Everyone is a player, everyone loses.
No one wins.
If there are people happy, there are also sad.
The game which I plays, the game that I always loses.
The stupid game that make my life complicated.
The stupid game that makes me happy, the stupid game that makes me stupidly despress and sad.
The game that I don't want to quit.
Either you like it or not, you can't escape from game of love.
NP: Superman - Five for Fighting
~It's not easy to be me~
DU LIEST GERADE
Winter Grace Collins
SachbücherBlueTer for real? And also for others to not be bored while reading this I put some clues that you may encounter to the other parts of the story. BlueTer? Official na? Enjoy. Vote for BlueTer. XD