A letter for her,
"Wala ng hi o hello. Gusto kong mag-sorry. Oo na ako na ang gago. Paasa. Siraulo. Pero basahin mo 'to. Di ko hinihiling sayo na basahin mo talaga 'to. Pero.. ngayon hihilingin ko na. (Kung may ibang nakabasa nito, pakisabi naman sa kanya 'to oh. Kung gusto niyo magmamakaawa pa ako sa harapan ninyo.) Oo, ako na ang shit, gago, fuck, siraulo, paasa, walang hiya, oo na sige ako na. Sanay na ako, pero magmula sayo? Hindi, ako ang may kasalanan kung bakit siguro mawawala na yung babae na nakilala ko. Yung babae na nagustuhan ko. Tanga ako eh. Ayoko na isulat pa 'tong sulat na 'to. Mababasa at mapupunit din lang naman dahil sa pagkabasa. Ilang araw ka nga ulit na nawala? Ah, alam ko na medyo matagal. Pero parang ilang taon na yun para sa'kin. Namiss kita ng sobra. Naa-akwardan ako sa tuwing maguusap na tayo ngayon. Bakit? Gusto na kasi kita, ilang araw lang ang nakakaraan ng mapagtanto ko yun. Ah, may atraso pa pala ako sayo. Di ako kaagad na nakapagsorry sa kagaguhan ko na na-post. Papatayin na nga raw ako nila Josef ng mabasa nila yun. Yung totoo? Oo, halos di na ako makahinga at makagalaw nun. Boto silang lahat sayo. Di ko alam kung kailangan ko pang mag-explain. Dahil para saan pa nga ba? Galit na siya, nasasaktan na kita. Kung magpapaliwanag pa ako, baka humantong pa na lumala 'yon. Di ko alam kung kaya ko lahat ito ma-type dahil halos nahihirapan na ako. Pinakiusapan ko si Kiddo na ayusin ang typo errors nito. Sorry Taglamig sorry. Wala akong maisip na ibang salita na masasabi sayo kung makakausap kita ng harapan kundi ang salitang sorry. Go, magalit ka. Pero.. wag ka sanang umiyak o masaktan. Di ko 'to ginusto wala sa'tin dalawa ang gusto na mangyari 'to. Nakakatuwang isipin na naging kaibigan pa rin kita. Oh baka.. hindi na ngayon. Baka nga galit ka na sa'kin. Baka nga gusto mo na akong patayin sa isipan mo. Baka nga patay na ako sa isipan mo. Baka nga gusto mo na rin na mawala ako. Para na tuloy nobela 'to. Pero wala akong paki'lam. Kung di man ako makainom ng gamot sa tamang oras, basta't maitype ko lang dito ang kalahati sa lahat ng gusto kong sabihin. Ewan ko na kung online ka pa, ewan ko na rin kung ano na ang nararamdaman mo. Ewan ko.. Basta alam ko..
Seryoso ako.
Stupid person,
Blue (L)"
[hello, ako po si kiddo, or simply chie. pinakiusapan po ako ni kuya lhen na i-edit ang ibang mali po niya dito. wag na po kayo magpasalamat, okay lang kahit wala na pong thank you. bastat magkaayos na po kayo. di ko kasi alam kung ano na ba. may sinend siyang voice record. umuubo po siya tsaka mukhang nanghihina na po. sana raw po maniwala kayo tsaka si ate jessica na dare yun. yun lang po. *bow meow*]
YOU ARE READING
Winter Grace Collins
Non-FictionBlueTer for real? And also for others to not be bored while reading this I put some clues that you may encounter to the other parts of the story. BlueTer? Official na? Enjoy. Vote for BlueTer. XD