WGC: Can't say Anything

26 4 0
                                    

WGC: Can't say Anything (Lost part din)

"Bayarin!" tawag ni Vy-Vy sa kapatid niya.

"Bill sabi hindi bayarin!" sigaw pabalik ni Bill kay Vy-Vy.

"Heh! 'Tong bakla na 'to kaarte!" at poof, nagaway na naman sila.

"Ilang araw ka ng hindi nagsasalita," sabi ni Tito.

Umiling lang ako, "May problema ba Blue?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya at binalik ang tingin sa orasan.

Minsan hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya, "Pag ikaw hindi ka na nakapagsalita o wala ka ng maisip na topic at 'yung kausap mo ay matagal mo ng kilala, may possibility na may gusto ka sa kanya."

Naalala ko ang mga sinabi ni Hera.

Mas lalo akong naguluhan.

Ang sabi crush pero bakit nag like?

"Hindi, dahil kung.. magpapatuloy 'to masisira ang friendship namin," nasabi ko na hindi pwede, hindi pwede na magkaroon ako ng feelings na 'yun dahil may girlfriend na ako.

Noon may girlfriend ako, si Crystal.

Ngayon wala na, break na kami dati pa.

Ganoon ba talaga 'yun pag gusto mo ang isang tao may pagkakataon na maubusan ka ng topic?

Na matulala ka pag nakita mo ang litrato niya?

Na magisip ng kung ano ano?

Na imbes na slow motion ay maging fast forward?

Masyado na ba akong natatanga sa kanya?

Ganoon ko na ba siya kagusto?

Ganoon nalang ba.. kaya..

Lagi ko siyang hinahanap?

Bakit sarili kong tanong hindi ko na masagot?

Bakit naubusan na ako ng isasagot?

Bakit dinaig pa nito ang exams ko?

Bakit.. bakit gusto ko siya----Gaya nga ng sinabi ko..

"Hindi ko kailangang magpaliwanag o sabihin ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Dahil hindi naman kailangan ng dahilan para magustuhan mo ang isang tao. Ganoon ako sa kanya."

Alam ko na ang sagot sa isa sa mga tanong ko.

Pero.. wala pa ring sagot ang iba..

Winter Grace CollinsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum