Chapter 3

1.1K 21 0
                                    

Chapter 3

Asha's POV

*tick tick tick tick

Nagising ako dahil sa tunog ng alarmclock ko, pag tingin ko sa oras

"9:30 palang pala eh". Aga pa. teka.... ano nga ulit?

"9:30?! Hala late na ako!!" Sino ba kasi nangealam sa alarm clock ko?!

Bumangon ako at naligo ng mabilis. pag katas ko mag bihis, bumaba na ako para umalis

"O iha gising ka na pala"

"Manang alis na po ako!" sabay takbo ko papuntang pintuan

"Hindi ka ba kakain muna?"

"Hindi na po late na po ako eh!" grabe sino ba kasi nangealam nang alarmclock ko?! hays bwiset naman!

Hardland academy

Nag park agad ako at lumabas na agad ng kotse. tumatakbo na ako papuntang loob nang may mabunggo ako

"Ano ba naman! di kasi tumitingin eh! tatanga tanga lang!". Napatigil ako sa pagtakbo ng sabihin nya yun saken

"Sorry ah!". Yun lang nasabi ko dahil wala akong time makipag away dahil late na nga ako

"May araw ka rin saken!". Wow ha! ako pa talaga hayys! bwiset namang buhay to ang aga aga puro malas agad!

kung sino ka mang nilalang ka ikaw ang may araw sakin!

Di ko nalang sya pinansin at nag patuloy sa pag takbo

Nangmakapasok na ako sa loob ng school tumakbo agad ako sa room at pag pasok ko

"Huh? bat walang tao? asan sila?" bulong ko sa sarili ko nang makitang walang tao. lumabas ako ng room at tumingin sa ibang room

"Wala ring tao?"

Bat ganun? wala bang pasok ngayon? di ako na update ha

"Malamang walang tao, mamayang 11:30 pa ang pasok eh. tsk"

Huh?! 11:30?! bat di ako na update?

"Bat naman ang aga mo?" Teka sino ba kausap nito? ako ba?

"Sino kinakausap mo? ako ba?". Pataray na tanong ko sakanya

"Wag kang tanga. hindi ba halata? tayo lang naman ang nandito ah". Ok. tanga na kung tanga pero di naman kailangan pang sabihin noh! di ko nalang sya pinansin. naiinis ako lalo na sa pagmumukha nya. ok aaminin ko gwapo sya, matipuno, maputi, matangkad, matangos ilong, my biceps parang anghel na nahulog sa langit gosh pero di ko sya type noh! OO, HINDI KO SIYA TYPE YUCK!

"Ano? di ka sasagot? tulala lang ganon?!". Galit na sya. nakakatakot sya pag galit swear

"Kasi maaga ako nagising. tsk". Pataray kong sabi sakanya

"Eh bat ang aga mong magising?". Tss. andaming tanong! nakakainis!

"Eh kasi nga akala ko maaga ang pasok!"

"Gwapo nga tanga naman tss." bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig kasi sinamaan ako ng tingin

Umalis nalang ako at iniwan syang nakatayo dun. bat ko sya sasamahan eh di ko nga yun kilala eh. Bahala sya dun!

Makalipas ang ilang oras. dumadami na rin ang mga tao. timingin ako sa relo ko

"11:00 na pala. kaya pala andami ng tao". Bulong ko sa sarili ko

Nandito ako ngayon student lounge, hinihintay ang dalawa kong magaling na kaibigan. humanda sila saken pag nakita ko sila, ni hindi manlang ako inupdate na 11:30 pala start ng klase hayys!

"Asha!" lumingon lingon ako nang marinig kong may tumawag saken pag tingin ko sa Jess pala. Pero wala si Mitch

"O asan si Mitch?".

"Hey yo!". Pag tingin ko si Mitch andito na rin

"Ni hai hao ma, Asha?". Tanong saken ni Mitch nang makarating sya samin ni Jess [ni hai hao ma = are you ok? ]

"Siguro may naka away yan". Sabi naman ni Jess

"Hoy babaita magkwento ka nga!". Aishh ang kulit ng dalawang to!

"Panong di ako bubusangot, ang aga aga puro malas ang abot saken!"

Sigaw ko sakanila na ikinakunot ng noo nila at nag tinginan pa silang dalawa

"Bakit ano nangyari?!". Inosenteng tanong ni Jess

"Una nag alarm yung clock ko ng 9:30 kaya akala ko late na ako pangalawa pagdating ko dito may na kabungguan pa ako at di lang yon! may araw daw ako sakanya! bwiset yung lalaking yon! pangatlo 11:30 pa pala pasok natin!! aishh bwiset di man lang ako updated! naghintay tuloy ako ng ilang oras dito!" sunod sunod kong sabi sakanila na ikinatawa nila ng sobra

"O bakit kayo tumatawa?! anong nakakatawa sa sinabi ko?" Kunut noo kong tanong sakanila

"Try mo kasi minsan wag mag silent ng phone noh?!". Sabi ni Mitch.

"Tinatawagan ka namin pero di mo sinasagot kaya sa telephone nyo mismo kami tumawag at ang sumagot ay si Manang, sakanya namin sinabi na palitan ng 9:30 ang oras sa alarm clock mo kasi tulog mantika ka kaya inagaahan na namin ang oras. oh diba effective! di ka late!". Kahit kelan talaga tong si Mitch at Jess eh!

"Eh bakit di nalang ako ginising ni manang para sabihin yon?!"

"Sino ba nag sabing di ka ginigising?!"

Sabi saken ni Jess at tumawa ulit sila

"Tara na nga baka malate pa tayo sa klase eh!" sabi ko sakanila at nauna ng maglakad

~~

(Picture of Natasha Jin with her time -->

My bro/husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon