1

3.3K 110 64
                                    

Collin pov.

My ghad i'm so stress today. Ang dami masyadong pinapagawa ni pudra sa akin kaloka.

Hindi ko na tuloy naasikaso ang jowa ko. Anniversary pa naman namin ngayon. Buti nalang pinatawad nya ako kaagad.

Well dapat lang ano,kabibili ko lang ng kotse nya. Ang mahal pa naman yon. Pero ok lang,mahal ko naman sya.

''Kuya sabi ni Mommy pagdating mo daw punta ka sa study room''salubong sa akin ni sistar ko.

Pinandilatan ko ito ng maganda at mapupungay  kong mata.

''Ilang bese ko bang sasabihin sayo na ''ATE'' ang itatawag mo sa akin? My ghad Sydney nakaka-emberna kang tomboy ka''inis na sabi ko sa kanya.

Actually hindi naman talaga sya tomboy. Tigasin lang. Mas lalaki pa daw syang kumilos sa akin sabi ni Daddy.

Duh? Babae kasi ako.

''Tigilan mo nga ako KUYA. At dapat lang na KUYA ang itawag ko sayo,dahil LALAKI ka KUYA''pagdidiin nya sa mga salitang alam nyang mas magpapa-embyerna sa beauty ko.

Gigil kong hinila ang buhok nya.

Embyernang tomboy na to,ang haba ng buhok.

Nakaka-inggit.

Ngunit hindi ko pa man nabibitawan ang buhok nya,sinikmuraan na nya ako. Hindi naman ganon kalakas pero nasaktan ang tummy ko.

Sinamaan ko sya ng tingin. Ngunit bago ako makapag-salita muli ay bigla nang umawat si Daddy.

''Hindi ba kayo titigil dalawa? Dalawa na nga lang kayo,hindi pa kayo magkasundo''galit na sabi nya sa amin.

Agad namang lumabas si Mommy nang marinig ang galit na boses ni Daddy.

''Anong kaguluhan ito?''

''Yang mga anak mo,hindi nanaman magkasundo. Pagsabihan mo ang dalawang yan Ariella. Nagsasawa na ako sa pag-aaway nila''galit pang sabi ni Daddy tapos ay iniwan na kami sa sala.

Hinarap naman kami ni Mommy.

''Ano bang problema ninyong dalawa?''mahinahon nyang tanong sa amin.

Mas mahaba ang pasensya ni Mommy kumpara kay Daddy. Kaya kapag ganitong nagrarambulan na kaming magkapatid,si Mommy na ang humaharap sa amin.

''Paano naman kasi Mommy,sinasabi ko lang kay KUYA na pumunta ng study room pagdating nya,nagalit na sya''nauna pa talagang nagsumbong ang magaling kong kapatid kay Mommy.

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon