12

1.6K 137 35
                                    

Rachell POV.

Hindi muna ako pumasok ngayong araw. Nagtext lang ako sa H.R kanina,sinabi ko lang na may sakit ako at pumayag naman sya. Sya nalang daw bahala magsabi kay Collin na hindi ako makakapasok. Buti naman kasi hindi ko pa alam kung paano ko sya pakikiharapan matapos ang nangyari sa amin. Tapos sinabi ko pang ayaw ko na,na suko na ako matapos kong ibigay sa kanya lahat.

Ang tanga lang na matapos ang nangyaring yon at matapos nyang umamin saka ako napagod. Well pagod naman na talaga ako at sinabi ko ng ayaw ko na. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ko pa binigay sa kanya ang lahat.

Hayy,para akong tanga. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Hindi mo masusulusyunan ang problema mo kung magmumukmuk ka lang dito Apo"biglang sabi ni Lola na hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na.

Nagkunwari akong masigla.

"Lola naman,wala naman akong problema eh"sabi ko sabay ang pekeng ngiti.

"Apo papunta ka pa lang,pabalik na ako. Maloloko mo ang ibang tao,pero hindi ako. Alam kong may problema ka kaya hindi ka pumasok"aniya.

Wala talaga akong matatago kay Lola. Sabagay mula sanggol pa lang ako ay nasa kanya na ako. Namatay kasi ang Nanay ko nang ipinanganak nya ako at ang Tatay ko?

Missing......

"Apo"muling tawag nya sa akin.

"Okey lang ako La,"giit ko pa.

"Hindi ka okey Rachell,sya ba? Yong lalaking lagi mong kinukwento sa akin?"sabi nya.

Bakla Lola,sabagay kung bakla pa yon hindi mangyayari sa amin yon.

Muling nag-init ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari sa amin.

Erase Rachell ang halay mo. Minsan lang nangyari yon at baka hindi na kailan man maulit.

"Hindi ko na kailangan pang hintayin ang sagot mo dahil may idea na ako. Ang tanong mahal ka ba nya?"

"Yon po ang sabi nya nong huli kaming nag-usap"pag aamin ko.

"Yon naman pala,ano ang pino-problema mo ngayon?"

"Iniisip ko kasi La,bakit ngayon pa? Ngayon pang pagod na ako"

"Ganon kasi ang pagmamahal Hija. Kaya nga dapat bago ka magmahal inihanda mo na ang sarili mo. Handa kang magparaya,handang maghintay,Handang sumugal at lalong-lalo ng handa kang masaktan. Hindi lahat ng bagay o naisin mo makukuha mo"maka hulugang sabi nya.

Hindi ako nakapagsalita o mas tamang sabihin na wala naman akong masabi kay Lola.

"Hindi mo na ba sya bibigyan ng isa pang chance para patunayan ang sarili nya?"muling tanong nya.

"Ang totoo La,hindi ko po alam. Natatakot po kasi akong mabokya ulit"

"HIndi mo malalaman yan kung hindi mo susubukan. Subukan mo Hija,para kahit na hindi mag work alam mo sa sarili mong binigay mo ang best mo. Tandaan mo laging nasa huli ang pagsisisi"

Isa pang chance?

Kaya  ko ba?

Paano kung masaktan ako ulit?

Nkakatakot......







Nagising ako dahil naka-rinig ako ng may kumakanta.

Ano ba yan,alas dyes na ng gabi may nambubulabog pa.

I Found a love,,,,,for me
Darling, just dive right in ang follow my lead
Well, i found a girl
beautiful and sweet
oh, i never knew you were the someone waiting for me

Teka,bakit parang pamilyar sa akin ang boses na iyon?

Si Collin.

Agad akong dumungaw sa bintana at tama nga ako si Collin nga ang salarin.

Naka t-shirt syang white na hapit sa katawan nya at may hawak syang gitara.

'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time,,,
But darling, just kiss me slow
You heart is all i own
And in your eyes, You're holding mine,,

Lintik naman na puso to ang lakas nanamaan ng pintig dahil sa lalaking nang haharana.

Baby. I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When you said you look a mess
I whispered underneath my breath
But you heard it, Darling
You look PERFECT tonight.

Pakiramdam ko lahat ng inis sa kanya ay unti-unting natutunaw pero hindi pwede ito.

Well i found a woman
Stronger than anyone i know
She shares my dreams. I hope that someday i'll share her home

I found a love
To carry more than just a secrets
To carry love.. To carry children of our own....


Children,bigla akong napahawak sa tyan ko. Di malayong mangyari na magbunga ang nangyari sa amin at pag dumating ang panahon na iyon,paano na?

Hindi ko na sya pinatapos kumanta. Sinara ko ang bintana at lahat ng ilaw sa amin.

Baka kasi pag nagtagal pa ako sa katitig sa kanya ay tuluyan ng mawala ang galit ko sa kanya. Na hindi pwedeng mangyari agad. Susubukan ko muna sya. Titignan ko kung hanggang saan sya tatagal.

Maninigurado na ako ngayon.

Humiga ako at akmang matutulog na nang marinig kong sumigawpa si Collin.

"Rachell,mahal na mahal kita. Lahat gagawin ko patawarin mo lang ako"

Napangiti ako ng maliit.

Tingnan natin.

Tingnan natin Collin












A/N

Dear readers.....

Sana wala ng bitin...hahahahaha

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon