15

1.4K 125 55
                                    

Rachell POV.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong kunpermado na ang pinagbubuntis ko. Sa halip kasing umuwi ako sa bahay ay agad akong dumeretso sa isang ob-gyne at don nga sinabi sa akin na five weeks pregnant ako.

Daming senaryo ang pumapasok sa isip ko, mga negatibo at positibo pero ang iniisip ko ay paano ko sasabihin kay Collin?

Tanggapin kaya nya?

Paano kung hindi?

Paano kung nagsawa na pala sya sa akin?

Paano kung---

"Rachell?"tawag sa akin ng kung sino.

At sa paglingon ko ay nakita ko sya.

"Darren?"

"Oh hi, akala ko namalikmata lang ako kanina"sabi nya sabay binuntunan nya ng hagikgik.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"nagtatakang tanong nya sa akin sabay tingin sa likod ko na para bang may hinahanap.

"Ahmm, wala naman, naglalakad-lakad lang"hindi ko sinabi sa kanya at wala akong balak sabihin sa kaya.

"Alone?"

"Yes"

"Wala ata ang manliligaw mong nagbanta sa akin na huwag na kitang lalapitan?"natatawang sabi nya sa akin.

Manliligaw?

Si Collin pero,

"Binantaan ka ni Collin?"

"Yes, pero hindi dahil sa natakot ako sa kanya kaya ako tumigil sa pangungulit sayo, tumigil ako dahil nakikita ko na this time ay seryuso na sya sayo at alam ko namang sya ang mahal mo at magpapasaya sayo pero mukhang nagkamali akong pina-ubaya kita sa kanya"

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?"kinakabahan man ay nagtanong pa rin ako. Kailangan kong malaman ang totoo. Hanggang maaga pa.

Maaga pa nga ba?

"Huh? Hindi mo ba alam na may malaking kasalang magaganap sa pagitan ng dalawang malaking pamilya? Its Alejandro and Barber?"

Biglang tumulo ang luha ko dahil sa narinig, kaya ba hindi na sya nagpakita sa akin mula kaninang umaga? Pero sabi ni chubs nasa america sya dahil sa utos ng tatay nya? Pero come to think of it, ne hindi sya nagpaalam sa akin at ne isang tawag o text ay wala akong natatanggap.

Hindi kaya totoo ang sinabi ni Darren?

"Hey, okey ka lang ba?"nag-aalalang tanong nya,

"O-oo medyo napagod lang ako kanina"pagsisinungaling ko.

"Halika umupo muna tayo doon"

Kahit nanlalambot ang tuhod ko ay sumunod pa rin ako sa kanya. Ginawa ni Darren lahat para lang mapangiti ako pero kahit anong gawin ko di ko magawang ngumiti. Ito na ba ang karma ko dahil sa pinahirapan ko ng husto si Collin?

Ito na rin ba ang sinasabi ni Lola na bago mahuli ang lahat?

Huli na ba ako?

///////////////////////////////////////////////////////////

Collin POV.

One week akong nandito sa america at sa one week na yon halos mamatay ako sa lungkot at pangungulila sa taong mahal ko.

Kumusta na kaya sya?

Ne hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya dahil wala na akong oras.

Biglaan lang din kasi ang lahat, ne hindi ko sya matawagan o matext man lang dahil sa sobrang busy talaga. Minamadali ko na nga ang lahat ng gagawin ko para lang maka-uwi agad.

At sa wakas, after one million years nasa pilipinas na ulit ako. Ngayon lang ako nainip ng sobra sa ibang bansa na dati hindi naman. Ang isang linggo sa akin ay dinaig pa ang isang milliong taon.

Alas otso palang ng gabi kaya sa halip sa umuwi muna ako sa bahay ay dumeretso ako sa babaeng miss na miss ko ng sobra.

HIndi ako makapaniwala na darating ako sa point na ito. Yong point na pati trabaho ko ay nakalimutan ko dahil lang sa isang babae. Yong point na sa kanya lang iikot ang buhay ko at yong point na iniisip ko lang na mabuhay na wala sya sa tabi ko ay parang pinapatay na ako.

Maliwanag pa ang bahay nila ng makaarating ako doon. Ibig sabihin ay gising pa sila ni Lola, tama lang yon para maibigay ko ang pasalubong ko sa kanilang dalawa.

Pero ang masayang ngiti ay biglaang naglaho ng makita ko ang lalaki naka-upo at nakayakap sa babaeng mahal ko.

HUli na ba ako?

Sila na ba ni Darren?

Hindi na nya talaga ako kayang mahalin?

Hindi na ako tumuloy pa, bagsak ang balikat kong umuwi sa condo ko.

Shit,

Putang-ina.

Ang sakit, kaya ayaw kong magmaghal ng babae dahil masasaktan lang ako.





My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon