8

1.5K 126 64
                                    

Please paki-play ang song habang Pov ni Rachell,,,,,,,,,,Para mas dama.



Rachell POV.

Hindi ko muna kinulit si Collin sa loob ng isang linggo.

Masakit pa rin sa akin ang sinabi nya sa akin noong nakaraan. Hindi ko naman talaga napapabayaan ang trabaho ko nang dahil lang sa panlilligaw ko sa kanya.

Sa loob ng isang linggong pagtatrabaho ko na hindi sya pinapansin ay madalas ko syang mahuling nakatingin sa akin. Pero sa tuwing mahuhuli ko syang nakatingin sa akin ay dagli rin syang iiwas.

Pansin ko rin na may nagbago sa kanya,hindi ko nga lang alam kung ano. Basta may nagbago at malaki yon.

Pero gaya nga ng sabi ko pahinga lang ako,ngayon ay okey na nga ako at back to normal na.

Back to normal means back na ako sa panlilligaw sa kanya.

Gaya nalang ngayon.

"Good morning My Love's"naka-ngiting bati ko sa kanya.

Halatang nagulat sya sa salubong ko sa kanya dahil napahinto sya sa tapat ko at tinitigan ako ng matagal. Aaminin ko kinabahan ako  ng sobra dahil sa titig na iyon. Para kasing may iba,parang may nagbago.

Para kaming tangang nagtitigan lang ng matagal pero nauna syang umiwas ng tingin at akmang papasok sa kanyang opisina pero bago sya tuluyang pumasok ay may sinabi nanaman syang nagpasakit ng kalooban ko.

"Akala ko sumuko ka na,matutuwa na sana ako sayo. Tigilan mo na ako Rachell dahil hindi kita gusto at kailan man ay hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo"sabay pasok sa loob ng opisina.

Nang tuluyan na syang nakapasok ay para akong nauupos na kandilang umupo sa sahig.

Bakit ba kasi ako ganito? Pauli-ulit nalang akong nasasaktan pero heto ako at patuloy pa rin sa pangungulit sa kanya.

Kaya ko pa to,

Ganito lang siguro magmahal,kailangan magtiis pasasaan ba at makikita nya rin ang importansya ko sa kanya.



Pero hanggang saan nga ba ang kakayanin ko kung maging sa harap ng maraming tao ay pinapakita nya sa akin na hindi talaga kami pwede.

Pinahiya nya ako sa harapan ng maraming investor. Malalaking investor.

Alam ko naman na kasalanan ko,nagkamali kasi ako ng abot sa kanya ng folder na tinatanong nya at sa harap nga ng maraming tao ay sinigawan at pinahiya nya ako.

"BAKIT BA KASI ANG TANGA-TANGA MO. PURO KASI KALANDIAN YANG NASA ISIP MO KAYA SA SIMPLENG INSTRUCTION HINDI MO PA MAKUHA"sigaw pa nya.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao at may ilan na nagbubulungan na.

"Collin,hindi naman nya sinasadya. Simpleng pagkakamali lang iyon"pagtatanggol sa akin ni Darren bagaman malumanay ang pananalita nya ay halata mo ang tinitimping inis.

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon