18

1.7K 126 74
                                    

Rachell POV.

Lahat ng sinabi ni Colin sa Lola ko ay narinig ko at aminin ko, kinilig ako ng sobra.

Hindi ko alam na ganon na pala sya ka thankful sa akin. Ako rin naman thankful din sa kanya. Liban na syempre don sa masasakit na part naming dalawa. Pero nakaraan na yon,ang imporatante sa amin ay ang kasalukuyan at ang hinaharap.

Hinaharap na buo at masayang pamilya.

Hindi ko hinintay na matapos ang calamares na niluluto nya, inaantok nanaman kasi ako kaya umakyat ako sa taas para pagbigyan ang mata ko.

Hindi rin kasi ako nakatulog kagabi dahil binantayan ko si Collin. Tinititigan ko ang mukha nya at hinihiling na sana maging kamuka nya ang anak naming dalawa. Hindi naman sa ayaw kong maging kamukha ko ang anak ko, basta, ewan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero gustong-gusto kong nakikita si Collin ngayon.

Nakatulog din agad ako, ngunit sa pag gising ko wala na si Collin, tumawag daw kasi ang mga magulang nya at kagabi pa sya hinahanap.

Naalala ko sabi nga pala nya ay dito sya tumuloy kagabi. Medyo nahiya ako sa parent nya dahil inuna pa nya ako kesa sa kanila kaya lag hindi ko rin maiwasan na hindi matampo sa kanya.

"Apo alam ko yang ganyang mukha. INtindihin mo rin sya, mula ng dumating sya ay hindi pa sya nagpapakita sa mga magulang nya. Isa pa tinapos na nya lahat ng pinapapagawa mo. Binantayan ka rin nya habang natutulog, hindi ka nalang nga nya ginising ng aalis na sya. Nagpasabi nalang sya sa akin na sabihin ko daw sayo na kailangan na sya ng magulang nya"

Bigla akong nahiya kay Lola, kilalang-kilala nya talaga ako kaya pati ang simpleng pagkunot ng noo ko alam nya.


Dumating ang hapon at magtatakipsilim na ngunit walang Collin na dumating.

Naiiyak na ako sa inis. Ngayon at gusto ko syangmakita ay hindi sya nagpapakita sa akin.

Malungkot na humiga nalang ako sa kama ko, hindi na rin ako naghapunan nawalan na kasi ako ng gana.

Hindi pa man ako tuluyan makatulog ay may narinig akong kumakanta, dahil sa nabosesan ko kung sino ito ay agad akong sumilip sa bintana.

Kunwaring nakasimangot ako kahit na ang saya-saya ko, gusto ko kasing malaman nyang naiinis ako sa kanya.

Ang gwapo nya sa suot nyang red na polo shirt. May hawak din syang gitara.

Mukhang manghaharana sya.

          ''Mga kinang ng yong mga mata't
                       Lamig ng titig
            Hubog ng labi mo't ngiting sa akin
                         Nagpapakilig
            Mahal ko ang lahat sayo alam mo ba?
        Saksi buong mundo, Heto't marami pa.

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon