EPILOGUE

2K 126 44
                                    

Collin POV.

Mapaglaro talaga ang kapalaran. Minsan na sayo na pero bigla nalang mawawala.

Yong tipong buong akala mo bakla ka pero sa pagdating ng the one, magbabago ang lahat.

Parang ako, buong buhay ko inakala kong bakla ako. Kahit ang magulang ko o ang mga taong nakapaligid sa akin. Nagkaroon din ako ng karelasyon na lalaki pero sa pagdating nya nagbago lahat.

GInulo nya ang tahimik kong mundo. Pina-realize nya sa akin kung sino talaga ako. Nilabas nya ang totoong ako.

Ngunit masasabi ko na masaya ako sa kinalabasan ng lahat ng yon. Dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ako sasaya ng ganito. Hindi ko mararamdaman na kumpleto ako.

Dahil ang isang Rachell Alejandro at ang anak namin ang buhay ko, ang kumu-kumpleto ng pagkatao ko.

"Mahal halika ka na, matulog na tayo"tawag sa akin ng babaeng nagbigay ng kulay at buhay ng pagkatao ko.

Malambing na niyakap ko sya.

"Salamat"

"Salamat sa?"

"Salamat kasi dumating ka sa buhay ko at salamat dahil hindi mo ako sinukuan"

"Ano ka ba, lagi ka nalang nagpapasalamat dyan. Alam mo namang mahal na mahal kita"

"Hindi ako magsasawang magpasalamat sayo Mahal ko at mahal na mahal na mahal din kita, kayo ng anak natin"

"Asus. parang alam ko na kung saan papunta yan, naku Collin huh, naka-isa ka na sa akin kanina kaya tama na"

"Lam mo naman pagdating sayo lagi akong sabik"

"Naku Collin tigilan mo ako, matulog na tayo baka mamaya magising nanaman yang anak mo sa kaingayan natin"

"Kahit isang round lang?"

"COLLIN"

"To naman, baka lang makalusot di ba?"

"Tigilan mo ako, pag ako nakulitan sayo sa labas ka matutulog"

"Di na nga makaka-iskor sa labas pa matutulog?"

"May sinasabi ka?"

"Sabi ko mahal kita"

"Mahal din kita"








Wakas














"Walang pinipiling kasarian ang pag-ibig. Lahat tayo may karapatang magmahal at mahalin"






        "Hindi hinahanap ang pag-ibig kusa itong darating sa mga panahong hindi mo inaasahan"








Hanggang sa muli mga bakla.......................

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon