9

1.6K 145 63
                                    

Rachell POV.

Ramdam ko na ang hilo ko. Umiikot na ang paningin ko at pakiramdam ko na sa oras na tumayo ako ay babagsak na lang ako.

"Rest room lang muna ako Rachell bago ihahatid na kita sa inyo"sabi ni Darren.

Tango lang ang naging sagot ko na agad ko ring napagsisihan. Dahil lalo akko nahilo.

"Tsk,next time hindi na kita papayagang uminom"naiiling na sabi ni Darren.

Natatawang sinandal ko ang ulo ko.

Shit naman,ganito pala ang epekto ng alak? Pero bakit ang daming umiinom? Hayy,hindi na talaga ako iinom pa.

May naririnig akong yabag napapalapit sa akin.

Si Darren na siguro. HIndi ko na talaga maidilat ang mata ko kaya nanatili akong nakapikit. Hanggang sa naramdaman ko nalang na may nagbuhat sa akin. Dahil sa hilo at pagod ay hinayaan ko nalang ito.

"Iinom,hindi naman pala kaya"rinig kong sabi ng may karga sa akin.

Gusto kong matawa at the same time maawa sa sarili ko,akalin mo ba naman kasi nasaktan na ako kay Collin pero pati ang pagsasalita ni Darren ay sya ang naririnig ko.

Lasing na talaga ako.

Naramdaman ko nalang na lumapag ang likod ko sa isang malambot na bagay.

Nahihilo man ay pinilit kong imulat ang mga mata ko para magpasalamt kay Darren pero sa pagmulat ng mata ko ay iba ang nakita ko.

Anong ginagawa nya dito?

Bakit nya ako hinatid?

Natawa ako ng pagak. Tsk,paano naman mangyayari yon? Kailan ba ako nagkaroon ng importansya sa kanya?

Niloloko lang ako ng imahinasyon ko,dala nalang ito ng kalasingan ko.

"Sa susunod huwag ka ng uminom,ke babaeng tao lasengga at sumama ka pa talaga sa lalaking hindi mo gaanong kilala"putang ina naman oh,si Collin talaga ang naririnig ko.

Walang hiyang buhay naman ito. NO walang hiyang puso naman ito. Dahil umaasa sya na totoo ang nakikita ko. Na sana si Collin nga ang nandito.

Collin na naka-taas ang kilay at pinapagalitan ako.

Pero paanong magiging si Collin ito? Kailan pa nagsuot ng dark blue na t-shirt at hapit sa katawan nya si Collin? Pero nakakapagtaka rin,ang alam ko naka red si Darren kanina?

Tsk,lasing na talaga ako.

"Dapat na ba akong maawa sa sarili ko?"biglang sabi ko.

Para akong tanga naka-ngiti pero patuloy na umaagos ang luha sa aking mukha.

"Pinagsasabi mo dyan? Matulog ka na Rachell nang maka-alis na ako"inis na sabi nya sa akin.

"Kita mo na. Sa kilos at pananalita mo Collin na Collin na. Nakakatawa di ba?"pagak na tawa ko pa.

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon