3

1.6K 112 46
                                    

Collin pov.

Mahirap at masakit,yan ang araw-araw kong nararamdaman mula ng magpasya akong tuluyan ng makipaghiwalay kay Lance. Pero kailangan kong gawin ito masyado ko ng nasaktan ang mga magulang ko dahil sa pagpipilit ko na makasama sya.

Sabagay dapat  nga matuwa ako dahil nalaman ko na rin na matagal na nya akong niloloko. Matapos kasi ang pakikipaghiwalay ko sa kanya ay may nalaman pa ako bukod sa mga impormasyon na sinabi ni Daddy. Hindi lang pala ako ang nag-iisang binabae sa buhay nya kundi tatlo.

Imagine ang tanga ko pala talaga?

Sabagay ganon naman ang pag-ibig nakakatanga.

Dahil na rin sa nangyaring iyon ay hindi na muna ako masyadong naglalabas. Tanging bahay at opisina lang naman ako.

"I'm home"sigaw ko nang makarting ako ng bahay namin,galing akong meeting.

Laking pagtataka ko nang wala man lang sumagot sa akin.

Nasaan kaya ang mga tao dito?

Dumeretso ako sa taas. Magpapahinga nalang muna ako sa kwarto ko. Ngunit bago ako nakaabot sa kwarto ko narinig ko ang mahinang hikbi na nanggagaling sa kwarto ng kapatid ko.

Itinapat ko pa ang tenga ko sa may pintuan upang siguraduhing dito nga nanggagaling ang ang impit na hikbing aking naririnig at tama nga ako. Dito nga at umiiyak ang kapatid ko.

Himala. Ano naman kaya ang iniiyak ng tomboy na ito.?

"Sistar? Ang dyosang ate mo'y naririto na"pagkatok ko na sa pinto.

Matagal bago nya binuksan ang pinto.

Halatang mugto ang mata nya kahit pa binasa nya ang kanyang mukha para isiping naghilamos lang sya.

"Bakit?''mahinahong sabi nya.

Aba himala hindi nya ako tatawaging kuya?

Hindi rin nya sinita ang pagsabi kong dyosa ako?

"Bakit ka umiiyak?''agad kong tanong kahit pa nga nagtataka ako sa kinikilos nya ngayon.

Iniwas nya ang tingin nya sa akin.

''Hindi ako umiiyak,naghilamos lang ako"

"Sydney,may gusto ka bang sabihin sa akin?"

"Wala"sabi nyang hindi parin tumitingin sa akin.

May mali. Hindi sya ganito. Alam kong may problema sya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto nya kahit na walang pahintulot nya.

"Ano ba kuya,lumabas ka nga may gagawin pa ako"

Ayan tinawag nanaman nya akong kuya na nagpa-irap naman sa akin.

Pero  alam ko paraan lang nya lang iyon para palabasin ako at hindi na ako magtatanong pa.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan Sydney. Anong problema mo,pwede mong sabihin sa akin"

"Wala nga"

"Sydney bakla lang ako pero ako parin ang matanda sa atin dalawa at hindi ako papayag na nakikita kang umiiyak. Sino dahilan ng pag-iyak mo,lalaki ba? Sabihin mo sa ate at ipapahanting ko"

"KUYA wala nga po. Ako mapapa-iyak ng lalaki? No way"pilit na siglang sabi nya.

Tinitigan ko sya,alam ko ramdam ko na may problema sya maaring ayaw nya lang sabihin sa akin.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Bakla at malandi lang ako kapatid ko,pero nandito pa rin ako handang maging kuya pag may nag agrabyado sayo"

"Salamat kuya"ganting yakap nya.

Nagtagal pa kaming ganon bago ako bumitaw sa kanya at lalabas na ngunit bago ako tuluyang lumabas muli akong humarap sa kanya.

'ATE Sydney. Ate''pagdidiin ko bago ko sya pabirong inirapan.

///////////////////////////////////////////////

Rachell POV.

Ngayon ang araw ng interview ko sa ALEJANDRO EMPIRE.

Pagpasok ko palang sa lobby ng company ay inataki na ako ng di matawarang kaba.

Matanggap kaya ako?

Sana naman,kailangan ko itong trabahong ito.

Tinuro sa akin ng guardya ang dalawang magkatabing elevator. Sa malas ko ay agad napuno ang kabila kaya no choice ako kundi sumakay sa kabilang elevator.

Nakapagtataka lang,bakit kaya dalawa naman ang elevator dito pero bakit nagsisiksikan sila sa kabila?

Bago sumara ang pinto ng elevator ay naharang ng kung sino.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makakita ako ng napaka-gwapong nilalang sa harapan ko.

Maputi,matangos ang ilong,mapulang labi na animoy nagyaya ng halik. Ang magagandang mata at ang kilay na nakataas.

Nakataas?

Doon ko napansin na nakapameywang ang gwapong nilalang na ito sa harap ko. Nailang ako sa klasi ng tingin nya. Gosh na love at first sight ba sya sa akin?

Pasimple kong inipit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.

'Mukha kang tanga sa ginagawa mo"biglang sabi nya.

"Ano kamo?''tama ba ang narinig ko? Tinawag nya akong mukhang tanga?

"Tsk di ka pala mukhang tanga bruha,tanga ka na nga at bingi"

Bakit parang-----

"Bakla ka?"gulat na tanong ko sa kanya.

Inirapan nya ako.

"My god,lumabas ka na nga dito,doon ka sa kabilang elevator"irap nya sa akin.

Uminit lalo ang bumbunan ko dahil doon.

Ako ang nauna tapos ako ang paalisin nya? Kung kanina pinupuri ko na sya ng husto sa isip ko,ngayon puro mura nalang ang laman ng isip ko para sa kanya.

'Hoy baklang nagdadamit napanglalaki. Anong karapatan mong paalisin ako dito. Ako nga ang nauna sayo,ikaw itong nakikisakay sa akin ikaw pa itong may ganang magpalayas? Ikaw ang lumayas dito"inis na sabiu ko.

Bwesit na lalaki---este baklang ito ang kapal ng mukha.

'Ano ba kasing ginagawa mo ditong bruha ka"galit ng sabi nya sa akin.

Umayos ako at tinaasan sya ng kilay.

"Ako ang secretarya ng anak ng may-ari ng companya. Ikaw ano ka dito? Mag-aaply? Sorry hindi ka tatanggapin dito,ayaw ng boss ko ang baklang kagaya mo"

Okey nagsinungaling ako sa part na ako ang secretarya ng boss na hindi ko pa nakikita,pero kasi nakaka-inis na itong baklang ito.

"Sino ako? Ako lang naman ang anak ng boss na sinasabi mo. Ako lang naman ang tagapagmana ng malaking kompanyang ito at ngayon ko lang nalaman na may secretary na pala akong bruha"

Ohh shit.. Sya pala ang may-ari?

Now i'm dead..........


















A/N

Maliliit na u.d lang tau mga bakla,,,di pa kayang magtagal sa harap ng tab at cp.

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon