11

1.5K 116 58
                                    

Collin POV.

Matapos ang nangyari sa amin sa condo ay napagpasyahan kong umuwi muna sa bahay at kausapin si Daddy. Nais kong magpaturo kung paano nga ba manligaw ng isang babae.

Sana lang mabigyan nya ako ng magandang strategy para muli akong mahalin ni Rachell at sana,SANA wala doon ang mabait kong kapatid dahil nasisigurado ko ng kawawa nanaman ako sa kanya ng asar.

Ngunit pag inabot ka nga naman ng malas dahil kung sino pa ang iniiwasan ko ay sya pa ang maabutan ko.

"Uy,tomboy nasaan sila Daddy?"tanong ko agad sa kanya.

"Nasa garden sila ni Mommy,KUYA"aniya.

Hindi ko napinansin ang pag kuya nya sa akin. Tutal kuya naman talaga nya ako.

Pinuntahan ko sila Mommy sa garden.

Tsk,tingnan mo tong mga to grabi kung makapaglambingan ang tatanda naman na.

"Naubusan na ba tayo ng upuan Mommy?"tanong ko sa kanya.

Paano ba naman kasi,nakakandong sya kay Daddy at itong tatay ko naman grabi makalingkis kay Mommy.

"Istorbo ka anak"sabi naman ng Daddy ko samantalang napa-iling naman si Mommy.

"Baka mas malala ka pa sa amin pag nahanap mo na ang babaeng magpapatibok ng puso mo"sabi naman ng Nanay ko.

Hayy,nahanap ko na,binaliwala ko lang.

Magsasalita na sana ako nang may nauna sa akin.

"Juice oh"sabi ng bagong dating.

Sino pa e di ang magaling kong kapatid.

Kung kailan naman kailangan kong maka-usap si Daddy ng sarilinan ay susulpot itong isang to nandito na nga si Mommy. Pero ok lang mukhang kailangan ko rin ang tulong nya.

"Guys i need your help"umpisa ko sa kanila.

"Ano yon kuya?''tanong ni Sydney.

Samantalang sila Mommy naman ay naka-abang sa anumang sasabihin ko.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Pwede bang turuan nyo ako kung paano manligaw ng babae?"nanantyang tanong ko sa kanila.

At dahil saktong painom ng juice ang magaling kong kapatid ay naibuga nya sa akin. Take note sa akin. Si Mommy at Daddy naman ay nasamid. Kung bakit ba naman kasi sabay-sabay silang uminom ng juice di ba?

"Ano ba yan Sydney ang dugyot mo"inis na sabi ko.

Free shower naman kasi ako sa kanya,galing pa ng bunganga nya.

Powta.

"Kuya sinapian ka ba? Ikaw nagtatanong kung paano manligaw ng babae?"nanlalaking mata pang sabi nya.

"Hindi ako sinapian at pwede ba don ka na nga sa loob,tsismosang to"

Natatawang napa-iling naman si Daddy na lalo lang humigpit ang yakap kay mommy.

"Ayaw ko nga ay wait kuha ako ng Video mo baka ngayon ka lang may sapi eh. Para may remembrance ang sapi mo"sabi pa nya sabay takbo sa loob ng bahay.

Kaya ayaw kong nandito yong babaeng yon dahil ganito ang mangyayari.

Bwesit.

"Si Rachell ba yan Anak?"tanong ni Mommy.

Tumango ako.

"Kailan pa?"tanong ni Daddy.

Maaring ang tinutukoy nya ay ang pagiging lalaki ko.

"Hindi ko rin alam Dad,basta kasi nagising nalang ako na mahal ko na sya. Naamin ko nalang ng tuluyan sa sarili ko nang magselos ako kay Darren"

"Darren? Yong anak ni Clark?"tanong ni Mommy na nag paaungol ng disgusto kay Daaddy.

"Clark? Tsk,"may inis na sabi ni Daddy pero lalo namang humigpit ang yakap nya sa nanay ko.

For sure nagpalalambing lang yan.

"Sus nagselos nanaman ang Asawa ko,huwag kang mag-alala asawa ko,ikaw naman ang mahal ko"lambing naman ng isa. Bago nya hinalikan sa labi si Daddy.

Di rin ako nagkamali.

Tsk.

"Ehemmm,baka lang po nakakalimutan nyong nandito ako?"may inis na sabi ko.

Paano ba naman kasi inabot na sila ng isang minuto di pa sila tumigil. Mang-inggit ba!

Natatawang huminto naman sila na lalong ikina-inis ko.

"Anak ganon talaga. Nga pala ano bang klasing panliligaw ang gusto mo?''si mommy.

"Ano po bang maganda?"

"Mas maganda kung yong makalumang pamamaraan"

"Lumang pamamaraan? Uso pa ba yon?"

"Kaya nga yon ang gawin mo. Bihira na kasi ang ganong panliligaw sa panahon ngayon"

"Tingin nyo uubra yon?"

"Pwedeng oo pwedeng hindi. Hindi basta lang ang panliligaw kailangan yon talaga ang gusto mo hindi yong napipilitan ka lang"sabi pa ni Mommy.

Hindi ako napipilitan lang,totoong mahal ko si Rachell at ipapakita ko sa kanya yon......











A/N
nhorannesamal this chapter is 4 u. Napunta kasi ako kanina sa profile mo at nabasa ko ang sama ng loob mo don. May mga tao talagang mahilig manghusga ng tao kahit na hindi ka nila kilala ng lubusan.Hayaan mo nalang sila kung ano ang iisipin nila basta alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang kasalanan. Hindi sila ang bumubuhay sayo kaya huwag mo silang pansinin... Ganoon ang life,naranasan ko rin ang malait at oo masakit pero naisip ko wala namang katotoran ang sinasabi nila sa akin. Kaya kerdo ko sa kanila.

Don't worry digital na si KARMA....

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon