2

1.9K 103 60
                                    

Collin pov.

Kahit na sinabihan na ako ni Mommy sa pagboboyfriend ko ay pinapatuloy ko pa rin ito. Binibigay ko ang lahat ng gustuhin nya. Wala syang ginusto na hindi ko ibinigay.

Mahal ko eh.

Parang ngayon. Kaka-uwi lang namin galing ng ibang bansa. Gusto daw nya kasing magbakasyon doon. Syempre sumama ang lola nyo. Paano nalang kung may makita syang bruha doon di ba? Di iniwan ang beauty kong luhaan.

Inabot kami ng isang linggo sa ibang bansa. Napasarap kasi ang bakasyon nya.

''I'm home''masiglang sabi ko nang makapasok na ako sa aming mansyon.

Pero ganon na lang ang gulat ko ng may tumamang kamao sa aking magandang mukha.

''Cedric''

''Daddy''

Rinig kong tawag nila mommy at sistar ko sa aking pudrakels.

''Hindi ka na nahiya Collin. Sobra naman ang pagiging tanga mo dyan sa lalaking yan. Binibigay mo na ang lahat. Inuubos mo ang pera mo sa kanya. Pati ba naman ang companya pababayaan mo dahil lang sa kanya? Oo naging bakla ako na tulad mo noon. Pero hindi ako naging ganyan. Alam kong ilugar ang sarili ko noon. Kaya ayusin mo yang sarili mo ngayon. Baka maitakwil lang kita dahil sa kalandian mo''galit na galit na sabi ni Pudrakels bago ako iniwan.

Sinundan naman sya ni Mommy samantalang ang kapatid ko naman ang umalalay sa akin sa pagtayo.

Bumagsak kasi ang aking beautiful and hot body sa sahig.

''Upo ka muna kuya. Kukuha lang ako ng pangagamot sa sugat sa labi mo''paalam nya sa akin.

''Ate. Sistar ATE''pagdidiin ko.

Loka-lokang babae to kung maka-kuya wagas.

''Whatever''

Hindi naman sya nagtagal at bumalik sya agad upang gamutin ang sugat ko.

''Bakit ba sobrang galit ni pudra ngayon sista?''tanong ko sa kanya.

Diniin nya ang bulak sa aking magandang mukha.

''Ouchyy,magdahan-dahan ka nga. Lalo mong sinisira ang maganda kong kutis''tili ko sa kanya.

''Sige kuya. Mag ganyan ka pa nang balikan ka ni Daddy''

My Unwanted SecretayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon