Imrie Jaile's POV:
Nakarating kami sa airport ng 11:00 kaya naghintay pa kami ng ilang oras dito dahil 2:00 pa darating sina Rael at Zae.
"Masyado naman kayong excited para pumunta dito ng 11:00" ani ni haiz at bumaba sa sasakyan.
"mas mabuti na ang early kaysa sa late " sabi naman ni friel at bumaba din. Sunod kaming bumaba ni liana at pinark pa ni manong ang sasakyan kaya pumasok na kami sa loob ng airport.
Umupo kami sa front row para makita namin sila agad.
"Bibili lang ako ng snacks " ani ni liana at tinanguan lang namin.
Nagpaalam din si Friel na mag re-retouch lang daw sya sa CR dahil baka may foreigner daw dadating dito sa Pinas. Habang itong si Haizel naman ay busy sa pag fofollow ng mga Hollywood artist sa twitter.
"Kahit i follow mo pa sila lahat hindi kaparin niyan mapapansin" tinignan ni haiz si liana na kakaupo lang sa tabi nya na may dalang snacks at drinks.
Inabutan niya kami ng pagkain kaya tinanggap ko nalang. Once in a blue moon lang ang babaeng ito magbibigay ng pagkain, kaya sulitin natin na.
"At least they know about my existence " sagot naman sakanya ni haiz at sumubo ng chips.
" they'll just take it for granted." I replied joining their conversation.
Halos maubos na namin ang snacks namin pero hindi parin bumabalik si Friel.
"Nabagsakan ba ng salamin si Friel kaya hindi na nakabalik? " Tanong ni haizel.
"Maybe " me and Liana answered in unison then shrugs.
"hindi niyo man lang tinirahan ng pagkain" agad na sabi ni Friel pagkalabas nya lamang sa CR.
"Kung hindi ka sana kasi inabot ng kalahating oras sa CR ay malamang may matitira pa" ani ni haizel pero tutok na tutok parin ang mata sa cellphone.
"It's not half an hour, it's just 5 minutes " Friel answered then flip her hair.
" Correction, it's 30 minutes" sagot ulit ni Haiz.
Tinignan ko lang ang reaction ni Liana dahil baka naiinis na siya sa bangayan ng dalawa pero mukhang hindi naman. Nakaupo lang siya sa gitna ng dalawa at umiinom ng chuckie.
May biglang sumigaw ng pangalan namin kaya agad kaming napatingin at nakita si Rael na kumakaway kasama ang pamilya niya.
Kumaway kami pabalik at naglakad papalapit sakanila.
"Rael una na kami sa bahay,sama ka kina friel?" tanong ni tita.
"yes ma" sagot naman niya.
"Okay, bye girls ingat kayo " she said then kiss our checks.
"Bye tita "
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating nadin si zae dala ang stroller nya at tumakbo papalapit sa amin.
"Sina tita asan? " tanong naman ni Liana
"bukas pa sila uuwi. May important meetings pa sila NY " she says then dragged us outside.
BINABASA MO ANG
Love Scenario
Teen FictionImrie Jaile Felliez is living a normal life until she met Yail Azec Devries the so called campus Prince. Is fate playing on them or will they just crossed each others lives? ONGOING