Chapter 12

14 0 0
                                    

Imrie Jaile's POV:

"Huy nakatunganga ka dyan" sabi ni haiz sakin at tinapik ako sa balikat. Yung masakit na pag tapik, brutal naman.

"Huh? Hindi nag aano lang ako" palusot ko naman. Nakaka distract kasi yung nangyari kanina hayts.

"Ano?" napaka desperada naman nang babae na ito.

"bakit ba gusto mong malaman ha?"

"Uhhh. Because curiosity kills?" eh bat hindi nagha happen sakin yan.

"Ayan na si ma'am oh kaya tumigil kana haiz" save by the teacher eh. Buti nalang talaga.

***

Kulang kulang nalang talaga na tuluyan nang bumigay tong mga mata ko dahil sa teacher namin. Bakit pa paulit ulit siya nag stostory telling sa history ng school na ito. Unlimited story lang ma'am? Ganon?

"This school was owned by the Guevann's clan" bla bla bla bla. Alam na namin yan ma'am simula pa noon ay nasabi mo nayan.

"The great great grandfather of Mr. Devries"  huh? Ano daw?

Tinignan ko si azec pero katulad ko ay bored narin siya ni wala siyang pakialam na school nila ang kinukuwento. Pero bakit hindi ko alam ang storya na ito?

"Huy don't tell me hindi mo alam" sabi naman ni liana sakin

"So ako lang hindi nakaka alam?"
Kasi diba Devries sila tapos pano Guevann din?

"yup" sabay nilang sagot sakin

"pano yon?"

"Kasi yung tatay ng lolo niya na lolo ng nanay niya ay isang Guevann. Baleh lolo ng  nanay niya ang unang nagpatayo ng paaralan na ito noong 1970 tapos pagkapatay sa great granda pa niya ay pinamana sa lolo niya ang school tapos sa kapatid naman ng lolo nila ang resort, madami kasing ari arian yang great grandpa niya kaya rich eh tapos pinamana sa nanay ni azec ang school pati business nila dahil the only child ang nanay niya then hindi na pinalitan ang pangalan ng school at business nila sa Guevann tapos balita ko dito din nakapagkilala ang parents niya dahil business partners yung parents ng nanay at tatay nya kaya nagka developan tapos nagpakasal. Kaya pinatuloy nila ang pinagmulan ng angkan nila."  Kwento samin ni friel, ang dami namang alam ang babaeng ito.

" Diba only child din yang si Azec?" tanong naman ni Rael

"Oo kaya pagnawala ang parents niya ay sakanya lahat ng ari-arian ang Guevann Uni, Guevann Corps, Devries Corps, at iba pa"  sabi naman ni haiz.

Ang dami namang alam ng mga babaeng ito. Ako na nga lang siguro ang hindi updated sa history ng pamilya nila Azec.

"So ano alam mo na?" tanong naman ni Rael sakin kaya tumango nalang ako kahit kaka sink in palang non sa utak ko.

(Bell ring)

"Naubos lahat ni ma'am ang time niya sakaka story telling" ani ni lian at tumawa lang kami sabay iling.

"Uwi na tayo" sabi ko at naunang lumabas ng classroom ng nakita ko si azec sa labas nakahilig sa railings, tumango siya sakin at ganon din ako. Awkward naman nito.

"Hoy ano yon?" tanong ni haiz. Pati ba naman dun nakita niya.

"Wala" sabi ko at naunang maglakad.

Love Scenario Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon