NAPATIGIL si Zairah sa pagguhit sa kanyang drawing tablet nang bigla na lang tumahol ang kanyang alagang aso na si Sam. She bent down to pick up her dog.
"What's up, baby? Bored ka na din ba katulad ni mommy?" kausap niya rito na para bang isa itong bata habang hinahaplos ang cute na cute na ulo nito. Sam just licked the palm of her hand as a response.
Sam is her two years old, golden brown pure breed shih tzu. Binigay ito ng isa sa mga best friends niya, a year and a half ago, at ito na lang din ang naging kasama niya sa buhay simula noon. Siya na lang kasi mag-isa sa buhay dahil wala na ang kanyang mga magulang at ayaw naman niyang maging panggulo sa pamilya ng mga tito at tita niya. Namatay kasi sa isang aksidente ang mga magulang niya noong thirteen years old pa lamang siya at since then, ang lola na lang niya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.
Nung simula ay hindi niya napigilan na ma-miss ang mga magulang, walang araw na dumaan na hindi niya iniiyakan ang pagkawala ng mga ito. Pero dahil minahal siya at inaruga ng husto ng kanyang lola ay unti-unti na din niyang natanggap ang mga nangyari. Naging masaya naman siya sa piling ng lola niya pero matagal tagal din ang inabot bago siya tuluyang naka-move on sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Unfortunately, her grandmother died before she could even graduate college. At simula noon ay natuto na siyang mamuhay ng mag-isa, that is until dumating nga sa buhay niya ang alagang aso.
Umungot si Sam na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Mabilis niya itong ibinaba sa carpeted floor ng kanyang kwarto. Sinundan niya ito ng tingin nang tumakbo ito palabas ng kwarto at napangiti na lang siya nung makitang tumakbo ito papunta sa food bowl nito na nasa gilid ng kanyang kitchen counter. Dali-dali niyang pinindot ang save button sa gamit niyang drawing application para ma-i-save ang design na kasalukuyan niyang tinatrabaho bago isinarado ang kanyang laptop.
She was a designer for a video game developing company. Simula bata pa lang kasi siya ay gustong gusto na niyang nagdo-drawing, idagdag pa na mahilig din siyang magbutingting ng mga photo manipulating applications at maglaro ng video games noon. Pinagpapasalamat din niya na hindi kumontra ang lola niya sa plano niyang maging isang graphic artist noong nabubuhay pa ito. Sa totoo pa nga niyan ay full support ito sa mga pangarap niya sa buhay. It was a shame na hindi na nito nakita pa na matupad niya ang kanyang dream job. Pero, knowing her grandmother, sigurado siyang proud na proud ito sa mga na-achieve niya. Pati na din ang mama at papa niya.
Tumayo na siya mula sa inuupuan niyang swivel chair saka nagtungo na sa kusina upang sundan si Sam. Kinuha niya ang box ng dog food na nakapatong lang sa ibabaw ng counter at mabilis na nilagyan ng pagkain ang food bowl ng alaga.
It was one of those days when she gets too caught up with her work that she even forgot to feed her little baby. Ganoon kasi siya kapag malapit na ang due date ng pagpapasa niya ng kanyang mga bagong designs, rush lang kung rush. Ilang araw na din kasing sinasapot ang utak niya sa kung ano ang magiging disenyo ng character na kanyang tinatapos para sa laro na kanilang kasalukuyang dini-develop. Madalas kasi ay tinatamaan siya ng artist block, na nagiging sanhi ng paghaba ng oras na ginugugol niya sa trabaho. Sa totoo lang kasi, nabo-bore din naman siya na maghapon lang nakakulong sa loob ng kanyang bahay. Ni wala nga siyang social life na matatawag o kahit makakasama man lang sa buhay.
Hindi sa wala siyang balak na magnobyo at magkaroon ng sariling pamilya, pero kung hindi dahil sa naniniwala siya na kusa na lang ding darating ang lalaking para sa kanya. Gaya nga ng sinasabi lagi ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito, there's always a right time for everything. Idagdag pa ang katotohanan na takot talaga siyang magmahal ng maling tao at masaktan lamang sa bandang huli. Nobody wants to get their hearts broken after all.
BINABASA MO ANG
Emerald Heights Series #1: Bumping into Love
RomanceZairah was already happy with her life. Kuntento na siya na simpleng namumuhay ng mag-isa na walang kahit ano pa mang komplikasyon. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kahit kailan ay hindi niya isusugal ang kanyang puso para sa isang lalaki dahil ta...