"O, Zairah, nandito ka pa din? Kanina pa tapos yung meeting niyo, ah." puna ni Ysabella sa kanya nang naabutan pa din siya nitong nakaupo sa loob ng isa sa mga meeting rooms ng Kaizer. "Saka napapadalas yata ang luwas mo? Akala ko ba ayaw mong naglalalabas ng bahay?"
"Gugunaw na kasi yung mundo, sayang naman kung hindi ko susulitin."
"Baliw ka talaga."
Umayos siya ng pagkakaupo nung maupo din ito sa bakanteng upuan sa tabi niya. Katatapos lang kasi ng visual presentation kasama ang project team niya para sa bagong laro na dinevelop nila. At dahil tinatamad pa siyang umuwi, doon na lang niya ginawa ang trabaho na kailangang gawin niya. Wala din namang problema sa mga tao doon kung nandoon man siya. Ayaw pa din muna kasi niyang mag-stay ng matagal sa bahay niya.
Tuwing nagkakaroon kasi siya ng oras para magmunimuni at magisip ng tungkol sa sarili niya ay ang kabiguan lamang niya sa pag-ibig ang kanyang naaalala. Akalain mo yun, kung kailan nagsisimula pa lang kasi siyang tanggapin yung nararamdaman niya para kay Xavier saka pa siya bibiguin ni Kupido. Kung bakit ba kasi sobrang bait ng lalaki, nahulog tuloy siya dito ng wala sa oras. Tapos hindi naman pala siya kayang saluhin nito. Nasaan ang hustisya doon?
Bumuntong hininga siya. Hindi niya ito dapat sisihin, hindi naman kasi sinabi nito na interesado ito sa kanya. Ang kaso, hindi pa din naiwasan ng gagang puso niya na basta bastang tumibok para dito. And now she's suffering from her first real heart break.
"Lalim ah, may problema?"
"Wala." Umiling siya at pilit na ngumiti. "Gutom at pagod lang siguro 'to. Magiging okay din ako kapag nakapagpahinga na ako."
"Sigurado ka?" Paniniyak nito.
"Oo."
"Bakit hindi ka pa talaga magpahinga?"
"Malapit na yung video game conference. Wala akong oras magpahinga. Gigiyerahin ako nila Lani kapag nag-file ako bigla ng leave. Ayoko pang maranansan ang World War IV kaya saka na lang siguro kapag tapos na lahat ng dapat tapusin."
"Ok. Sabi mo eh." Sabi nito na may pagdududa pa din sa mukha.
Bago pa man ito makapagtanong pa ulit ng kung anu ano sa kanya ay tumayo na siya at nagpaalam dito na uuwi na. Nagpaalam na din ito sa kanya, pero, base sa nakikita niyang reaksyon sa mukha ng kasamahan ay hindi ito naniniwala na ayos lang talaga siya. Pero mas pinili na lang nito na hayaan na lang muna siya kahit papaano.
And Zairah was thankful for that.
Sa ngayon, wala pa kasi siyang balak na ipagsabi ang kabiguan niya. Magkaibigan pa din naman sila ni Xavier, kaya kahit alam niyang wala nga siyang pag-asa na magustuhan ng lalaki, maari pa naman niya itong makasama. Kahit hanggang sa tuluyan lang mawala ang pesteng pagkagusto niya sa binata o makahanap siya ng ibang lalaki na mamahalin.
Asa ka pang yan talaga ang dahilan. Kontra ng tinig sa isip niya.
Napabuntong hininga na lamang ulit siya. Inignora na lamang niya ang bulong ng isip niya at nagsimula ng maglakad palabas ng Kaizer. Nang makalabas siya ng establishimento ay mabilis siyang nagtungo sa pinakamalapit na bus stop sa kanilang opisina.
At dahil wala pa naman siyang nakikitang parating na bus ay naisipan niya munang maupo sa concrete bench na nandoon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sumandal sa likuran ng sementadong upuan.
Nagpapasalamat siya dahil maaga pa at hindi siya napasabay sa rush hour. Dahil kung hindi ay baka nabugbog lang siya sa pagdagsa ng mga tao para makasakay na tulad niya. She was almost mentally drained, kaya ayaw naman niyang pati katawan lupa niya ay lalo pang mapagod. Tama na ang ma-distract na lang siya sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Emerald Heights Series #1: Bumping into Love
RomantizmZairah was already happy with her life. Kuntento na siya na simpleng namumuhay ng mag-isa na walang kahit ano pa mang komplikasyon. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kahit kailan ay hindi niya isusugal ang kanyang puso para sa isang lalaki dahil ta...