NAKAKALOKONG ngiti ang ibinigay ni Zairah sa lalaking nasa harapan niya na si Callum. They were already inside Sugar And Everything Nice - the café and bake shop owned by their friend, Amber. Halatang halata niya sa mukha ng binata na na-disappoint ito nung sabihin sa kanila ng mga staff na nandoon na wala ang kanilang kaibigan. Pero sa halip na umalis dahil wala doon ang totoong ipinunta nito ay itinuloy na lang nila ang pagkakape at pagkain ng cake.
"Stop smiling at me like that, Zairah."
"Stopped calling me by my nickname already?" panunukso niya rito. "And tell me, kailan pa ba ipinagbawal sa pilipinas ang ngumiti, Callum? Please enlighten me."
Naiiling na nangalumbaba ito na lang ito sa ibabaw ng lamesa. "Just let it go. Huwag mo ng ipagduldulan pa ang kamalasan ko ngayon. There's always a next time. Para namang hindi na kami magkikita pa ni Amber."
"Wala naman akong sinasabi, ah. Masyado kang defensive."
"Wala nga, pero alam ko yang tumatakbo sa isip mo."
"Ows? At kailan ka pa naging mind reader?"
He shrugged his shoulders. "Ngayon lang. So, shut up."
Magsasalita pa sana siya subalit hindi na niya naituloy dahil dumating na ang order niyang isang slice ng Blueberry Cheesecake at ang kape ni Callum. Nakangiting pinasalamatan nila ang babaeng nagdala ng kanilang in-order bago muling magkatinginan. She chuckled and just took a bite of her cake when she saw her friend shook his head in annoyance. Alam niya kasing kahit anong sabihin ni Callum na okay lang naman daw talaga dito na hindi makita si Amber ay hindi siya naniniwala. As far as she can see, tila kasi inaabangan pa din ng kaibigan ang babaeng gusto nito.
"Hay, naku. Alam mo kung gusto mo talagang makita si Amber, why don't you just call her? Para naman hindi na nagkakandahaba pa yung leeg mo sa patingin-tingin kung parating ba si Amber o hindi. I'm sure sasagot naman yun agad. Edi, tapos ang problema mo sa paghahanap sa kanya." Natatawang suhestiyon niya rito sa pagitan ng pagsubo ng kanyang cake. Aminin man niya o hindi, medyo nakakasawa na din kasing hintayin kung kailan talaga balak magparamdam at kumilos ang kaibigan niya. "Just make a move, dude. We both know na matagal ka ng may gusto sa kanya. Mabagal ka lang talagang kumilos."
"I know that. Pero, I want to take my time."
"Ang sabihin mo natotorpe ka lang. Kung ano ano pa kasing dahilan niyong mga lalaki. Pwede naman kasing sabihin na lang ang mga bagay na wala ng paligoy-ligoy pa. Nakapagtapat ka na, nakaiwas ka pa sa ibang mga komplikasyon."
"At kailan ka pa naging love expert?"
"Ngayon lang din. May problema?"
"Oo. Malaki."
"Magtapat ka na lang kasi ng matapos na yang malaki mong problema."
Bumuntong hininga ito habang patuloy lang na nakatingin ng diretso sa kanya. "Bakit ba lagi na lang yung lovelife ko ang pinupuntirya mo, Sian?"
"Alangan naman kasing lovelife ko?"
"Bakit hindi?" balik nito.
"Duh." She rolled her eyes at him. "Ni wala nga akong nagugustuhan, bakit kailangan pang pag-usapan?"
"Then why don't you find someone who can be your boyfriend? For sure, hindi ka naman mahihirapan. Konting tino lang ng pag-iisip, okay ka naman na."
"Kasama nito!" Binato niya ng nilamukos na table napkin ang binata na sakto namang tumama sa noo nito. "Para mo namang sinabi na may sira ako sa ulo."
BINABASA MO ANG
Emerald Heights Series #1: Bumping into Love
RomanceZairah was already happy with her life. Kuntento na siya na simpleng namumuhay ng mag-isa na walang kahit ano pa mang komplikasyon. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kahit kailan ay hindi niya isusugal ang kanyang puso para sa isang lalaki dahil ta...