Chapter 9

93 3 1
                                    


INILIBOT ni Zairah ang paningin sa kanyang paligid. Nakaupo na siya ngayon sa loob ng branch ng Wok 'n Toast na tinutukoy ni Xavier. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. The restaurant was nice and cozy. Halata niyang pinagisipan ng maigi ang interior design niyon.


Tumingin siya kay Xavier. Nagpaalam kasi ito sa kanya na may aasikasuhin lamang ng sandali kaya ngayon ay nasa likod na ito ng counter at kausap ang ilan sa mga tauhan ng restaurant.Naramdaman yata nito na nakatingin siya kung kaya't nilingon siya nito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Siguro wala na talagang gamot doon.


Nag-iwas na siya ng tingin dito dahil pakiramdam niya ay tuluyan ng malulusaw ang puso niya sa mga tingin nito. She unknowingly placed her right hand over her chest to calm down her racing heart. Masamang masama na talaga ang tama niya para dito. Mukhang kinain niya ang sinabi niya noon na hinding hindi siya susugal sa pag-ibig, dahil ngayon ay handa siyang masaktan para makasama lang lalaki. Mahal niya kasi.


"Pasensya na kung natagalan ng kaunti." Sabi ni Xavier nung makabalik ito sa lamesang inookupa nila. Inilapag din nito sa mesa ang supot ng pagkain na in-order nito para sa kanila."Don't worry. You have work to do. Kaya okay lang sa'kin na maghintay." Nakangiting sabi niya saka tumayo na mula sa pagkakaupo. Napagdesisyunan kasi nila na sa halip na sa restaurant ay sa bahay na lang niya sila kakain.


For the first time that night, she was graced by his wonderful smile. Tahimik lamang silang naglakad palabas ng restaurant, pero kontento na siya sa ganoon. At habang naglalakad na sila papunta sa sasakyan ng binata, she just found herself watching him again. Hindi niya talaga maiwasan na pagmasdan ito.


"Hm? Xav? Is that you?"


Sabay silang napatingin ni Xavier sa taong tumawag dito. Hindi kalayuan sa kanila ay nakita niyang nakatayo ang isang guwapong lalaki, may kasama din itong babae. Maganda ang babae na kasama nito. Hindi nakakasawang tignan ang ganda nito. At tantiya niya ay nobya nito ang kasama base na din sa magkahugpong na mga kamay ng dalawa.


"What good timing!" patuloy ng lalaki habang papalapit sa kanilang dalawa. "I've been trying to reach you. Kaso lagi na lang busy ang cellphone mo. Hindi din kita matiyempuhan sa kahit anong branch ng restaurant mo. Buti pala at nagyaya si Louise na kumain sa labas ngayon."Hindi niya alam kung bakit pero napansin ni Zairah na naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ng binata. The normal smile on his face was replaced by a slight frown.


"What do you want, kuya?" seryosong tanong ni Xavier.


Nagulat siya sa sinabi ng lalaki pero mas nagulat siya sa tono ng boses nito. Hindi niya alam na may nakakatandang kapatid pala ito. Mga magulang lang kasi nito ang nakuwento sa kanya ng binata. Pero kung titignan nga niyang mabuti, may pagkakahawig talaga ang dalawa. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit parang hindi maganda ang relasyon ng magkapatid.


Itinaas ng nakakatandang kapatid ng binata ang magkahawak na kamay nito at ng kasintahan nito. "Our wedding is next week. Gusto ko pa din sana na pumunta ka."


She saw Xavier heave a sigh.


"Nasabi ko na sa'yo, dati pa. I won't come."

Emerald Heights Series #1: Bumping into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon