PABALIK na si Zairah ng bahay niya. Katatapos lang ng meeting nila kaya naisipan niyang iwan na ang mga nagkakagulong residente ng village sa may clubhouse, mukha kasing wala pang balak magsiuwian ang mga ito. Pakiramdam din kasi niya ay anumang oras ay matutuyuan na siya ng dugo sa mga makukulit at maiingay niyang kapitbahay. Kaya bago pa man siya makapatay ay lumayas na siya doon.
"Siraulo talaga ang mga iyon kahit kailan." She sighed and continued talking to herself. "Minsan na nga lang ako lalabas, kapraningan pa nila ang aabutan ko."
"Zai."
Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang nag-iisang tumawag sa kanya ng ganoon. Kahit kilala niya ang taong tumawag sa kanya ay bahagya pa ding nahigit ang kanyang hininga nang makita niya si Xavier. He was slowly walking towards her with one of his hand inside his jean pocket, like an ambercrombie model. A wonderful smile lit up his dark brown eyes. For the nth time that day, her heart skipped a beat.
Bakit ba talaga kapag nakikita niya ang ngiti ng lalaki ay para siyang tinatamaan ng kidlat? She was starting to feel annoyed by how she keeps on reacting towards him. She had never felt that way towards anyone before. Attracted ba talaga siya sa bagong kapitbahay?
Hindi pa ba obvious ang sagot diyan sa tanong mo, Zairah? Anang ng tinig sa isipan niya.
Nagsalubong ang kilay niya sa naisip. Kahit kailan ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoon kaya hindi niya sigurado kung tama ba ng pinagsasabi ng isip niya o napapraning na naman siya. Siguro dala na din iyon ng ilang araw niyang pagpupuyat kaya kung anu ano na naman ang pumapasok sa kukote niya. She can't be attracted to someone that she just met after all. She can't.
"Pauwi ka na?" tanong ni Xavier nang makalapit na ito sa kanyang kinatatayuan.
Tumango siya. "Yup. Ikaw din?"
"Yeah. Pwedeng makisabay?"
"Oo naman. Hindi ko naman pagmamay-ari 'tong kalsada." natatawang sagot niya saka nagsimula na silang maglakad na dalawa.
Ilang segundong katahimikan ang nagdaan sa pagitan nilang dalawa bago muling magsalita ang binata. "Close ka sa mga tao dito sa village, no?"
"Hm? Paano mo naman nasabi?"
"Well, mukha kasing komportable kang kausap sila kanina. Kahit pa kasi inaasar ka nila, nakikisakay ka lang sa kanila."
"Ah, yun ba? Huwag mo ng pansinin yun. Ilang taon na din kasi kaming magkakakilala, lalo na yung si Callum. Halos sabay na kasi kaming lumaki kaya alam ko na ang ugali ng mokong na yon. Kaya nga din tuwing nakikita nila kong nalalabas ng lungga ko, umiiral ang kapraningan nilang lahat. Ikaw, hindi ka ba nakukulitan sa kanila? Pagpasensyahan mo na yung kaingayan nila kanina. Ganoon lang talaga sila."
"Nah, it's okay." Anito. Nakita niya ang pagngiti ng mga mata nito bago pa man tumaas ang mga sulok ng labi ng binata. "Isa pa, masaya nga silang kausap. Hindi ka makakaramdam ng pagiging out of place kapag sila ang kasama mo."
"Yeah. Feeling close din kasi yung mga yun."
Tinawanan lang nito ang sinabi niya.
"Totoo, FC talaga yung mga mokong na yun, pramis."
Hinintay niyang may sabihin muli ang binata ngunit sa halip na magsalita ay nanatili lang itong nakamasid sa kanya habang patuloy pa din sila sa paglalakad. Tuloy ay hindi niya napigilan ang sarili na iiwas ang tingin dito. The irregular beat of her heart came back as the silence once again enveloped the two of them. It wasn't the awkward kind of silence. Ito yung tipo na para bang kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa ay okay lang, as long as she can feel the other's presence beside her.
BINABASA MO ANG
Emerald Heights Series #1: Bumping into Love
RomanceZairah was already happy with her life. Kuntento na siya na simpleng namumuhay ng mag-isa na walang kahit ano pa mang komplikasyon. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kahit kailan ay hindi niya isusugal ang kanyang puso para sa isang lalaki dahil ta...