"PUYAT ka na naman, 'no Zairah?" narinig ni Zairah na puna sa kanya ng isa sa mga kasamahan niya sa trabaho na si Ysabella pagkaupo nito sa sofa na nasa lounge area ng kompanya na kanilang pinapasukan. Isa ito sa mga kaibigan niya at sound engineers ng kompanya nila.
Nagpasa kasi siya ng mga character designs na natapos niya ng araw na iyon. At dahil nga ilang gabi niyang pinaglamayan ang mga iyon para umabot siya sa deadline ay bangag siya sa sobrang antok at pagod.
"Ilang araw ka na bang walang pahinga?"
"Hm, let's see..." Humikab siya at inihilig ng ulo sa malambot na sofa sa likuran niya. Feeling kasi niya ay hinihila na siya ng antok ng mga sandali na iyon. "Mag-ta-tatlong araw na din. Pumunta nga lang ako ngayon dito para makausap si Lani tungkol sa lumang character designs na pinababago niya. At ngayon, hinihintay ko na lang yung resulta. Ang tibay ko, no?"
Pumalatak ito.
"Why don't you ask for a vacation?"
Nagtaas siya ng ulo upang tignan ito at umiling. Dahil sa ginawa niyang pag-iling ay parang bahagya siyang nahilo. "Okay lang. Kakayanin ko pa naman."
"Anong okay lang? Tignan mo nga iyang sarili mo."
"Anong mali sa hitsura ko, aber?"
"Hindi ka na kaya pretty." Sagot nito na nakahalukipkip sabay ang sandali din sa sofa na inuupuan nilang dalawa na ikinangiti niya.
Nagkibit balikat siya at muling napahikab. Pero umayos na din siya ng pagkakaupo. Baka kasi tuluyan na siyang makatulog doon kung ganoon ang pwesto niya. Mahina pa naman siya sa antok ng mga sandali na iyon.
"How about if I really talk to Marcus for you?"
Ang lalaki na tinutukoy nito ay ang boss nila at pinsan ng kanyang kaibigan. Kaya naman wala silang problema pagdating sa mga bagay na ganoon. Their boss was a fair and reasonable guy after all.
"And?"
"At bigyan ka ng ka-date para naman hindi ka laging napa-praning."
"Hmm. Kung gwapo ba, bakit hindi? Pwede ng patusin."
Tumawa ito. "Luka-luka ka talaga kahit kailan. Kaya dapat talaga binibigyan ka ng oras na matulog eh. Nagiging abnormal yung takbo ng isip mo."
"Kung magsalita ka kasi para namang ikaw meron ding upgrade sa lovelife mo, no." natatawang sagot niya dito."Pareho lang kaya tayo ng sitwasyon pagdating sa usaping pag-ibig."
"At least ako kahit papaano may mga nagugustuhan naman ako. Pero ikaw, sa tagal na nating magkakilala ay wala ka man lang nakukwento sa'kin na lalaking pinagbigyan mo ng kahit katiting ng interes man lang. Normal ka pa ba?"
Humarap siya sa kaibigan. "Sa tingin mo?"
"Hindi. Dahil ang normal na tao, kahit papaano ay may napapansin na guwapo at cute na mga lalaki. O di kaya, kinikilig kapag may ginawang sweet sa kanya ang isang lalaki. Ikaw, kahit yung mga kapitbahay mo sa Emerald Heights na saksakan ng mga guwapo ang lumapit sa'yo, wala ka man lang reaksyon. Di ko nga alam kung bato ka ba talaga pagdating sa usapang lalaki eh."
Bahagya siyang napahinto ng dahil sa sinabi ng kaibigan. Bigla na naman lumitaw sa kanya ang napakagwapong mukha ng bago niyang kapitbahay. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay hindi pa siya nakaka-get over sa paghawak nito sa kamay niya nung nakaraang araw. Naaasar siya. Pero sa totoo lang, hindi niya alam kung ang ikinaaasar niya ay ang paghawak nito sa kamay niya o ang kakaibang damdamin na hatid niyon sa kanya. Naguguluhan na talaga siya sa reaksyon niya para sa lalaki.
"Oy, ano na?" untag ni Ysabella sa kanya.
Bumuntong hininga siya. "Para po sa ikatatahimik ng iyong kaluluwa, nagkaroon na din naman po ako ng ganoong reaksyon sa isang lalaki."
"Weh? Hindi nga?"
"Ang kulit nito."
"Hmm." Sabi nito na parang di pa din makapaniwala sa sinabi niya. "Guwapo ba?"
"Oo."
"At nakatira sa village niyo yung lalaki na yon?"
"Oo pa din."
"And you're interested in him?"
"I'm not. Guwapo lang talaga siya kaya siguro nakuha niyang gisingin yung natutulog kong curiosity. But, that doesn't really mean that I'm interested in him. Isa pa, isang linggo ko pa lang siyang kakilala kaya imposible talaga."
Hinintay ni Zairah ang magiging sagot sa kanya ng babae. Ngunit base sa reaksyon na nakikita niya sa mukha nito ay mukhang hindi ito naniniwala sa mga sinabi niya. Napabuntong hininga siya at bahagyang napakamot sa gilid ng kanyang ulo.
"You don't believe me, do you?"
Umiling ito. "Not really. Hindi mo ako mapapaniwala agad agad, Zairah Sian."
"And why is that?"
"You won't be curious about him just because he's handsome. I mean, sa dinami dami ng guwapong nilalang na nagkalat sa village niyo, bakit sa kanya ka lang na-curious? Mas maniniwala pa nga ako kung sasabihin mong immune ka na sa mga guwapo kesa diyan sa dahilan mo. Which only means, hindi lang dahil sa guwapo siya kaya ka na-curious sa kanya. You're curious because you're interested in him."
Napatigil siya ng dahil sa mga salitang nadinig niya mula kay Ysabella. Parang biglang nawala lahat ng sapot na nasa utak niya ng mga sandaling iyon. Interesado nga ba talaga siya kay Xavier kaya ganoon na lang ang epekto sa kanya ng lalaki? No way!
"Tama ako, no?"
Sumimangot siya. "Huwag mo na ngang demonyuhin ang utak ko."
Hihirit pa sana ang kasamahan niya ngunit naputol iyon nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Sinagot niya iyon habang pinapanuod pa din siya ni Ysabella. Nagpapasalamat talaga siya sa head designer nila dahil agad na siyang pinapapunta ng babae sa opisina nito.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Lani sa telepono ay tumayo na siya mula sa sofa. "I have to go, Ysa. Pinapapunta na ko ni Lani doon."
"Ang sabihin mo, tatakasan mo lang ako."
Hindi na niya iyon pinansin at naiiling na lumakad na lang siya palayo doon. Sa totoo lang kasi ay hindi pa niya alam kung ano ang isasagot dito. Kahit nga kasi siya ay naguguluhan pa din sa kung ano ang dahilan niya. Hindi pa naman iyon ang tamang oras sa ganoong mga bagay kaya napagpasyahan niya na mas mabuti pang isantabi na lang muna iyon.
BINABASA MO ANG
Emerald Heights Series #1: Bumping into Love
RomanceZairah was already happy with her life. Kuntento na siya na simpleng namumuhay ng mag-isa na walang kahit ano pa mang komplikasyon. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kahit kailan ay hindi niya isusugal ang kanyang puso para sa isang lalaki dahil ta...