"ANONG masamang espiritu ba talaga ang pumasok sa'yo at naisipan mong yayain kaming lumabas ngayon, Zairah Sian?"
Tiningnan ni Zairah sina Nica at Amber. Matagal na kasi mula noong huli silang lumabas na magkakaibigan kaya madali naman na pumayag ang dalawa na makipagkita sa kanya. Kaya kasalukuyan silang namamahinga ngayon sa food court ng isang mall dahil pagod na daw ang dalawa sa pagsa-shopping na ginawa nila. Sayang nga lang dahil hindi puwede nung araw na iyon ang kahit sino sa mga kabarkada nilang lalaki, wala tuloy silang kasama na magbitbit ng mga pinamili nilang tatlo.
She was also feeling depressed about her broken heart and she needed her friends to cheer her up. O kahit ba magkaroon lang na maiingay na tao na magdi-distract sa kanya para hindi niya patuloy na maalala si Xavier.
"Papabendisyunan ko na kasi kayong dalawa. Matagal na din mula nung nabasbasan kayo ng pari, eh."
Bahagya siyang natawa nang isang palo sa braso ang natanggap niya galing kay Nica. Ito talaga ang pinakamahilig na manakit sa kanilang tatlo kaya nga laging kawawa ang mga braso nila dito noong namomoblema pa lamang ang kaibigan nila sa ngayon ay nobyo na nito.
"Kahit kailan talaga wala kaming nakukuhang matinong sagot mula sa'yo." Nailing na sabi ni Amber. "Pero, nakakapagtaka ka talaga ngayon."
"Issue ka na naman, Amber."
"Ganyan ka kaya, nakakaalala ka lang kasi kapag may gumugulo diyan sa napakagulo mong isip."
"Oy, hindi ah. False accusation yan. Isumbong kita kay Callum, eh."
"Edi magsumbong ka kay Callum." Napangiti ito. "Hindi ka naman kakampihan nun."
Nabuhay ang curiousity niya ng dahil sa nakitang ngiti sa mukha ng kaibigan. Pakiramdam niya ay may nangyayari na sa pagitan nito at ng kaibigan na lalaki. Kung hindi lang siya namomoblema sa sitwasyon ng love life niya ng mga panahon na iyon ay baka nangialam na siya sa usapang puso ng dalawa. Sa ngayon kasi, wala siyang karapatan na makigulo sa love life ng ibang tao dahil magulo din ang sarili niyang love life.
"Aba, kung ako ang tatanungin mo, malakas talaga ang pakiramdam ko na may pinagdadaanan ngayon itong si Zairah." Singit ni Nica. "Ayaw lang talagang sabihin niyan."
Kibit balikat na sumandal siya sa likod ng upuan at tahimik lang na tinignan ang dalawang kaibigan. That was when she realized that she shouldn't have kept herself silent. Lalo lang kasing nangulit ang mga ito.
"Kung isip ang pinoproblema mo, Zairah, huwag kang mag-alala. Kami mismo ang magdadala sa'yo sa mental hospital." Panunukso ni Amber sa kanya na dinugtungan pa nito ng nakakainis na tawa. "Madami din naman kaming kilala na magaling na psychologist. Kaming bahala sa'yo."
"Sabihin mo lang kung kailan mo na gustong magpadala." Dagdag pa ni Nica.
BINABASA MO ANG
Emerald Heights Series #1: Bumping into Love
RomanceZairah was already happy with her life. Kuntento na siya na simpleng namumuhay ng mag-isa na walang kahit ano pa mang komplikasyon. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kahit kailan ay hindi niya isusugal ang kanyang puso para sa isang lalaki dahil ta...