Chapter Six

324 7 0
                                    


"ISANG pinakamatapang na kape niyo nga diyan." Bigay ni Zairah ng order niya sa crew ng Sugar and Everything Nice na nakatalaga ngayon sa cashier saka humikab. "Siguraduhin mong kaya akong ipaglaban niyan ah. Kung hindi irereklamo ko talaga kayo."

"Hoy, Zairah. Huwag mong i-terrorrize ang empleyado ko. Ikaw ang sisingilin ko kapag nag-resign yan."

Nalingunan niya ang kaibigan niyang si Amber. Nakatayo ito sa gilid ng counter habang halukipkip na nakatingin sa kanya. A usual grin was present on her face.

"Saka hindi tumatalab ang mga kape namin sa mga taong mukhang zombie na."

Umismid siya saka inabot ang bayad sa cashier bago kunin ang kapeng in-order at lapitan ang kaibigan. "Ang harsh mo talaga kahit kailan, Ambeng. I'm a paying customer and customers are always right."

"Ewan ko sa'yo. At huwag mo kong tawagin ng ganyan. Para kang tumatawag ng kambing."

"Ang sama talaga." Naka-pout na usal niya saka umupo sa pinakamalapit na bakanteng lamesa sa puwesto nila. Sumunod naman ang kaibigan niya sa kanya at naupo din sa bakanteng upuan na nasa kanyang tabi.

"Ano na naman ba ng drama mo ngayon?"

"Kulang lang sa tulog yan, Amber." Anang ng boses na nanggaling sa likuran niya.

Lumingon siya sa nagsalita. It was Gabriel. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanila ni Amber. Mukhang kagagaling lamang nito sa pagtakbo dahil nakasuot pa din ng running gear ang lalaki. Kahit kailan talaga siya lumabas ay minamalas siya sa mga nakikitang tao.

"Hindi ka na nasanay diyan. Ganyan naman yan kapag kinukulang sa tulog." Pagpapatuloy ni Gabriel. "Magkaka-world peace na nag mundo, pero hindi ang pag-iisip ni Zairah Sian." Dinugtungan pa nito iyon ng tawa.

She rolled her eyes at him. "Siraulo."

Tumawa lang ito at naupo din sa lamesang inookupa nila ng kaibigan.

"Naisipan mo na namang pagtrip-an itong si Zairah, Gabby." Natatawa ding wika ni Amber. "Baka mamaya ibitin ka na talaga niyan ng patiwarik."

"Mga praning talaga kayo. Ako na naman ang nakita niyo." Nailing na sabi ni Zairah bago humigop ng kape na hawak niya.

Sabay na tinawanan lang ulit siya ng dalawa.

"Siyanga pala, Sian, balita ko may pumoporma daw sa'yong kapitbahay natin, ah. Wala ka man lang bang i-se-share man lang sa amin? Para ka namang others."

Halos maibuga niya ang iniinom na kape.

"H-hoy, hindi totoo yan! Saan mo nalaman yung balita na yan?"

"In-denial ka pa. Marami kayang nakakita na hinabol ka ni Xavier palabas ng clubhouse at hinatid ka pa sa inyo nung nakaraang araw." Sagot ng lalaki sa kanya na may nakakalokong ngiti sa mukha nito.

Eksaheradang napasinghap naman ang kaibigan niya. "Si Xavier, yung bagong lipat dito sa village natin?"

"Yup."

"Ang OA ng reaksyon mo, Ambeng." Nakasimangot na sabi niya.

Feeling ni Zairah ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang pisngi sa sinabi na iyon ni Gabriel. Ngalingaling batukan niya ang kapitbahay para maalis ang ngiti na iyon sa mukha nito.

"Masama na bang maghatid ng kapwa ngayon?"

"Hindi naman. Pero, with matching holding hands pa daw kasi kayo ni Xavier, sabi ng impormante ko."

Isang masamang tingin ang ibinigay niya sa lalaking katabi bilang pagbabanta. Kahit kailan talaga ay napakatsismoso ng lalaki na iyon. Daig pa ang mga babae sa paghagap at paggawa ng tsismis.

"Totoo ba? hinatid ka niya saka hinawakan niya talaga yung kamay mo?" patuloy na tanong ni Amber sa kanya. "Nanliligaw na ba siya sa'yo? Magsabi ka nga ng totoo, Zairah Sian."

"Grabe. Nanliligaw agad? Ang bilis talaga ng utak mo. Hindi ba pwedeng nagmalasakit lang sa'kin yung tao kaya niya ko hinatid? Saka yung sinasabi nila na magkaholding hands kami, hindi totoo yun. Nabigla lang siya kaya nahila niya lang yung kamay ko, okay?"

"Pero bakit magkasama din kayo kagabi?"

Saglit na napatigil niya. The memories from the previous night quickly flooded her mind. Xavier's handsome face, his smile, his gorgeous dark brown eyes, his hand's warmth...

"Oh my gosh, Zairah's blushing!" impit na tili ng kaibigan niya na nagputol sa kanyang mga alaala. "So, totoo nga na magkasama kayo kagabi. There's really something going on between you two!"

"Wala!"

"Bakit namumula ka?" hirit ulit ni Gabriel.

"Ahm, m-mainit kaya!" pagsisinungaling niya sa dalawa. "Saka huwag niyo nga akong tanungin ng tanungin na dalawa. Naaalibadbaran ako."

"Umamin ka na kasi."

Umismid siya. "Wala nga akong dapat aminin. Magkaibigan lang kami ni Xavier, okay? Isa pa, mabait lang talaga siya at coincidence lang din na nagkita kami sa may convenience store kagabi. Huwag niyo kaming gawan ng issue."

"Being a guy myself, alam kong hindi magbibigay ng effort ang isang lalaki na humanap ng pagkakataon na magpapansin sa isang babae kung hindi siya interesado dito. There are no coincidences in life." Hirit na naman ng mokong sa tabi niya. Isang araw talaga ay maibibitin niya ito ng patiwarik.

"Pero hindi nga talaga kasi, Zairah. Yung totoo?"

Pinalo niya ng malakas sa braso si Amber na ikinatawa lang nito. Habang tumatagal ay parang gusto na niyang pagsisihan na pumunta siya doon ng araw na iyon. Kulang na lang talaga ay sabunutan niya ang dalawang kausap para lamang magtigil na ang mga ito.

"Wala! Wala! Wala! Bakit ba ang kulit niyo?"

"Hindi naman kasi namin ipagkakalat. Kaya magtapat ka na. Saka isa pa, curious lang talaga kami." sabi ng kaibigan niya na ngayon na nakapangalumbabang nakatingin sa kanya. "Sa tagal tagal nating magkakakilala, ngayon lang may na-link sa iyo na lalaki na tagarito sa atin. At base sa reaksyon mo, may something ka talaga na hindi sinasabi sa'min. Kaya hindi mo mapipigilan na umakto kami ng ganito. Kahit ganyan si Gabriel, concern din 'to sa'yo."

"Oo nga."

She sighed.

"Promise talaga, walang namamagitan sa aming dalawa. I know that Xavier isn't even interested in me. Kaya please lang, don't spread that rumor about us anymore."

Sandaling natahimik ang dalawa at nagkatinginan. She was about to give out a sigh of relief when she saw a knowing smile spread across Gabriel's face. Pinili na lamang niyang huwag pansinin iyon at tumayo na.

"Uuwi na nga lang ako, baka may magawa pa kong masama sa inyong dalawa kapag nagtagal pa ko dito." Hindi na niya hinintay ang sagot ng dalawa. Tinalikuran na niya ang mga ito at naglakad na palabas.

Makakalabas na sana siya nang biglang tawagin ulit siya ng mga kaibigan niya. Napatingin tuloy sa kanya ang mga taong nasa loob ng coffee shop. She turned to her friends and gave both of them an annoyed look.

"What?"

"Ingat sa'yo si Xavier."

Ngali-ngaling ibato niya sa mga ito ang sapatos na may takong na suot niya. Tumalikod na lang ulit siya at lumabas na. Malulutong na halakhak ng kapitbahay niyang lalaki ang nadidinig niya kahit nakalabas na siya ng coffee shop.

"Siraulo talagang Gabby yon..." 

Emerald Heights Series #1: Bumping into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon