Chapter Five

329 6 0
                                    

ISANG hikab ang kumawala sa mga labi ni Zairah habang hinihintay maluto ang cup noodles na nasa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nakaupo sa loob ng isang kilalang convenience store na nasa kanilang village. Mag-a-alas nueve na din kasi ng gabi ng matapos niya ang kanyang trabaho at maalala na hindi pa siya kumakain ng araw na iyon.

At dahil isa siyang dakilang workaholic ay nakalimutan din niya na hindi pa siya nakakapamili ng stock ng pagkain para sa buwan na iyon. Masyado kasi siyang ginahol sa oras ng isa sa mga kliyente na tinanggap niya kaya hindi na niya nagawang pagtuunan ng pansin ang mga kailangan niya sa bahay. Ilang araw na naman nga siyang kulang sa tulog. Being a perfectionist when it comes to her work has its disadvantages after all. Kung kaya't ngayon ay nandoon siya.

Wala naman kaso sa kanya ang lumabas ng ganoong oras. Kampante naman kasi si Zairah na ligtas sa kanilang lugar. Doon naman na kasi siya lumaki at sa loob ng sampung taon na paninirahan niya sa naturang village ay wala pang masamang bagay ang nangyari doon. Their village was full of known and influential people after all, kaya mahigpit din ang security doon kahit gabi. Kung tutuusin nga halos puro bigatin ang mga kapitbahay niya.

Yun nga ang dahilan kung bakit doon napili ng mga lola niya na tumira noon. Isa pa, mababait naman ang mga nakatira doon at kilala nila ang isa't isa. Mapagkakatiwalaan din ang presidente ng homeowners' association ng kanilang lugar.

"Hay, pero grabe talaga yung intsik na yun." Nagngigitngit na sabi niya sa sarili habang sinisimulan lantakan ang pagkain na nasa kanyang harapan. "Akala mo naman na ang laki laki ng ibabayad niya. Kaya mahirap talagang tumanggap ng kung sino sinong kliyente lang."

Sanay naman na siya sa mga kliyenteng minsan talaga ay wala sa lugar ang pagiging demanding. Another one of the disadvantages of her work as a freelancer is minsan wala siyang creative freedom na gawin ang maisip niyang mas magandang design. After all, she has to follow whatever the client wants to see. It's stressful, yes. But, aside from her job at Kaizer, wala din siyang magagawa dahil kailangan niyang tumanggap ng ganoong mga trabaho.

"Zai?"

Halos maibuga ni Zairah ang noodles na kinakain ng makita ang lalaking nakatayo sa tabi ng lamesang inuupuan niya. It was the drop dead gorgeous owner of the dog named Bolt. Ang mas ikinagulat niya ay kung gaano ito kagwapo sa suot nitong suit and tie ngayon. Malayo sa kaswal na suot ng binata tuwing nakikita niya ito.

"Are you okay?" Dali daling sabi ni Xavier matapos siyang ihitin ng ubo sa pagkakakita dito. "Drink this."

Hindi na siya nakatanggi sa inalok ng binata nung ito na mismo ang naglagay ng can ng juice sa kamay niya at alalayan siya nitong makainom. Natigil man ang kanyang pag ubo ay hindi pa din huminto ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Right there and then, tila lahat ng sama ng loob niya sa mundo ng araw na iyon ay bigla na lamang naglaho na parang bula.

"Are you okay now?" tanong ulit nito.

"Yeah. I am." sagot niya habang hawak ang kanang dibdib. "Grabe ka, tinakot mo ko sa bigla mong pagsulpot."

He gave her an apologetic smile before sitting on the seat beside her. "Sorry, hindi ko sinasadyang gulatin ka."

"Okay lang." tumawa siya ng bahagya. "Pero please lang, huwag mo ng uulitin sa susunod. Baka atakihin na ko sa puso. Twenty-seven pa lang ako. Napakabata ko pa para mamatay."

Natawa naman din ito sa sinabi niya. "Don't worry, hindi ko gugustuhin na patayin ka."

"Good. Dahil madami pa kong plano sa buhay."

Tumawa ulit ito at nakita niyang umayos din sa pagkakaupo ang binata. Noon lang din niya napansin ang supot ng chips na hawak nito.

"Thank you nga pala para dito." Tinaas niya ang can of juice na ibinigay nito. "Papalitan ko na lang."

Emerald Heights Series #1: Bumping into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon