MAHINANG napaungol si Zairah nang maalimpungatan siya dahil sa malakas na pagtunog ng ringtone ng kanyang cell phone. Tinatamad pa siyang nagmulat ng kanyang mga mata para hanapin kung nasaan lupalop niya naibaba ang nagiingay na telepono.
Nang makita niya iyon na nakapatong sa ulunan ng kanyang higaan ay agad naman niya itong kinuha. Halos mapabalikwas siya ng upo nung mabasa niya ang pangalan na naka-register sa LCD ng kanyang cell phone. It was the only guy who can make her heart race. Her Xavier was actually calling her. Parang bigla na lang nawala ang mga sapot sa inaantok niyang diwa.
Teka, bakit may 'her'? nakakunot ang noo niyang naisip.
Kunwari ka pa, gusto mo naman talaga siya.
Halos masamid siya sa susunod na lumabas sa kanyang isip. Kung anu ano na talaga ang mga bagay na pumapasok sa kukote niya pagdating sa lalaki na iyon. Kaya bago pa man lumala ng husto ang nasa kanyang isip ay sinagot na lamang niya ang nangangalaiti na telepono. Kanina pa din kasi iyon tumutunog.
"Xavier?"
"Hi," said a deep and baritone voice at the other end of the line.
Once again, upon hearing Xavier's sweet voice, her heart had started with its erratic beatings. Bigla na naman nagising ang abnormal niyang puso ng dahil sa binata.
"Busy ka?" tanong nito.
"Ah, not really. Naalimpungatan lang ako nung tumunog yung cellphone ko. Kaya ngayon, kausap na kita."
"Gan'on ba? Sorry, naistorbo ko pa pala yung tulog mo."
Ngalingaling sipain niya ang sarili nang madinig ang paglungkot ng boses nito. Kung bakit ba kasi ang lakas talaga ng epekto sa kanya ng lalaking kausap. Tuloy nagi-guilty siya ngayon kahit wala siyang dapat ika-guilty. Ang hirap talaga ng nagkakagusto sa isang tao. "Okay lang. Tanghali naman na din kay dapat gumising na ako. Bakit ka nga pala napatawag? May kailangan ka?"
"If that's the case, can you come at the door?"
"Ha? Bakit?"
Halos mabingi siya sa susunod na sinabi nito.
"I'm outside your house."
Mabilis pa sa alas kuwatro siyang tumayo mula sa kanyang kama. At bago pa siya magtungo sa pintuan ay hindi niya nakalimutan na tignan ang sarili sa salamin. Ayaw naman niyang makita siya nito ng may tulo laway pa sa mukha niya. Makakabawas iyon sa beauty niya. Pagkatapos na matiyak kung presentable nga ang hitsura niya na humarap dito ay binuksan na niya ang pinto ng kanyang bahay.
"Good morning."
Muntik ng malaglag ang puso niya ng makita ito ng harapan niya. Saglit na napatitig siya sa guwapong mukha nito. Hindi pa pala prepared ang puso niya na makita ang binata ng araw na iyon. Parang nung isang araw lang nung huli silang magkita. Pero paguwapo pa din ito ng paguwapo sa paglipas ng mga araw.
Mahina siyang tumikhim para ikalma ang nagkakagulong damdamin. "Hapon na po, late ka na ng bati."
He laughed. Ang sarap talagang pakinggan ng tawa ng mokong.
"Bakit ka nga pala nagpunta dito? You need something?"
"Hmm."
"Anong 'hmm' ka diyan? Pwede pong sumagot ng maayos. Mabait ako. Pero kung sasabihin mo na pagti-trip-an mo lang ako, pramis, ibibitin talaga kita ng patiwarik. Walang halong biro."
"Kahit kailan, hindi kita pagti-trip-an."
"So, bakit ka nga napadaan dito?"
"I just wanted to check up on you."
BINABASA MO ANG
Emerald Heights Series #1: Bumping into Love
Любовные романыZairah was already happy with her life. Kuntento na siya na simpleng namumuhay ng mag-isa na walang kahit ano pa mang komplikasyon. Sinabi niya sa kanyang kaibigan na kahit kailan ay hindi niya isusugal ang kanyang puso para sa isang lalaki dahil ta...